Chapter 11

93 9 0
                                    


Chapter 11

"How do you know if you like someone?"

"Anubaaaaa Lianne!! Sira na ba ang tuktok mo at sinesearch mo 'yang genan?!" sigaw ko sa sarili ko saka pinatay na ang laptop at humiga nasa kama.

Matapos nung nangyari sa amin ni Kieran ay awkward akong nagpaalam sa kanya, sabi ko sa sarili ko ay maglalakad na lang ako but I ended up riding a taxi Kasi ba naman nanghihina ako kanina at Ang lakas Ng tibok ng puso ko na akala mo ay may kumidnap sa akin pero hindi, kasi si Kieran yung dahilan.

Anong nangyayari sayo Lianne, it's been 2 weeks since that scene happened why are you still yhinking about that?

Nakakaiyak ka na Lianne! Wag mong sabihing gusto mo siya?

Agad-agad akong napailing nang pumasok iyon sa isipan ko, dali-dali kong tinakluban ang aking mukha ng comforter.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako kagabi. Maayos naman ang tulog ko pero lutang ang isipan ko. Nasa Khelson na ako , madaming estudyante ang nagsisipasukan. Ang iba ay mga naka air pods, ang iba ay kasama ang mga kaibigan nila. Ang iba naman ay naglalakad habang dala-dala ang kanilang libro, ang ilan ay tulala habang naglalakad kagaya ko, siguro ay antok pa ang mga ito pero ako, iniisip ko parin si Kieran.

"Lianne, mahal ko!" Napairap na lang ako ng tawagin ako ni Khalif.

She's wearing her denim high waist pants partnered with her black fitted shirt and her ID. Khalif is gorgeous that's why she have many suitors but she only rejected them because she doesn't have a plan to have a lover.

Same goals.

"You're too loud, naiwan mo ba ang hiya mo sa bahay niyo?" Tanong ko habang patuloy kaming naglalakad.

Napakainit. Nakalimutan kong dalhin Yung payong ko sa sobrang kalutangan ng isip ko. Medyo malayo pa naman yung room namin, Hindi Naman nagdadala ng payong si Khalif dahil umaasa siya sa akin. Para tuloy kaming mga isdang pinapatuyo.

"Meron ba ako non?" Natatawang sabi ni Khalif

Hindi ko na lang siya pinansin at patuloy lang naglakad. Hindi pa Naman kami late kaya pa easy easy lang kami. May sinasabi si Khalif about acads, tinatanguan ko na lang siya kahit Wala akong maintindihan sa sinasabi niya because that Kieran smile is haunting my head.

Naiinis na ako! Ano na bang nangyayari sa' akin?

Napatigil lang si Khalif sa pagsasalita ng may nakabanggaan ito kaya naman napatingin ako.

It's Uno.

"Sorry" Sabi 'nung Uno

Hindi ko alam kung bakit tiningnan lang ni Khalif si Uno at patuloy na ulit siyang naglakad. Tiningnan ko naman 'yung Uno at nakatingin siya sa naglalakad na Khalif. Hindi ko na lang sila pinansin, wala namang sigurong namamagitan sa kanila dahil may girlfriend si Uno. At wala ngang balak magboyfriend si Khalif.

Nang makarating kami sa room namin ay umupo na lang kami, sakto namang dumating na ang proff namin. Nagturo lang ito ng nagturo, matapos niyang magturo ay pinaalalahanan niya kami sa Midterms namin. Magaganap ang delubyo sa Lunes.

Kumain lang kami ng lunch ni Khali hindi nakasama si Louis dahil masyado din siyang busy ngayon. Ng matapos kaming maglunch ay umattend na ulit kami ng panibagong klase hanggang sa matapos ang buhay namin dahil sa kastressan namin buti na lang ay natapos na ang madugo naming klase.

"Kailangan ko huminga nauubusan ako ng oxygen" naiiyak na Sabi ni Khalif ng makalabas kami Ng room

Napatawa na lang ako sa sinabi niya at saka nagtuloy-tuloy na naglakad. Habang naglalakad kami sa hallway ay rinig namin ang pinag-uusapan ng ilang estudyante.

Under the Light of our EighteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon