Chapter 12

86 8 0
                                    


Chapter 12

Nasa dining table ako dahil nandito sina mom at dad kaya sabay-sabay kaming kumakain ngayon pero wala akong ganang kumain kahit na kompleto kami. Tulala ako 'nung pumasok ako sa bahay dahil sa nangyari kanina pero nagulat ako dahil sumalubong sa akin si mommy.

Crush ko na talaga si Kieran? Totoo ba 'toh?

"Amara, do you hear me?" Tanong ni mommy kaya napabalik ako sa katinuan at tumingin sa kanya.

Nakatingin sa akin si mommy habang si daddy ay nagbabasa ng newspaper kahit gabing gabi na. Madaming pagkain ang nakahain sa lamesa kahit kaming tatlo lang naman ang kakain, siguro ay itatabi ito ni Manang Beth.

"What did you say mom?" Tanong ko na lang

"Your midterms is on Monday, right? Did you review? You should be at the top. Don't dissapoint us, Lianne Amara" mahabang lintanya ni mommy

Tumango na lang ako saka pinagpatuloy ang pagkain. Tahimik lang kami habang kumakain. Walang imikan, sanay na naman ako dahil hindi naman kami masayang pamilya.

Mom and dad never loved each other, they were just forced to marry each other because mom accidentally got pregnant and dad is the father. Both of my grandparents forced them to marry each other for the sake of the child in my mom's belly which is me.

I really want to ask my mom if plinano niya ba akong lisanin sa mundo pero hindi ko magawa dahil paniguradong masasaktan lang ako sa isasagot niya.

Nang matapos akong kumain ay tumaas na ako. Wala na sina mom at dad dahil sa kalagitnaan ng pagkain namin ay may tumawag kay daddy, siguro ay yung secretary nito. May tumawag din kay mommy kaya naman naiwan akong mag-isang kumakain. Pinalagay ko na lang sa ref ang mga natirang pagkain tsaka pinakuha ko narin sina Manang Beth dahil hindi naman ito nagalaw.

Nasa kwarto na ako nakapagpalit na ako ng pajamas. Nagawa ko narin ang night routine ko. Nag-aral ako ng kaunting oras hanggang sa mapagdesisyunan ko na' na humiga sa kama ko pero kinuha ko muna ang cellphone ko. In-off ko to kanina dahil ayokong maistorbo habang nag-aaral ako.

Nang buksan ko ito ay mga notifications na may nag-message sa akin kaya naman agad-agad ko itong tiningnan, siguro ay sina Khalif lang pero mali pala ako.

Kieran Hernandez:

hi. good evening, Lianne.

are you ok?

"Ahhh gagiiii!!" sigaw ko habang nagsisisipa sa kama

Ewan ko Kung kakabahan ba ako o kikiligin? Natatanga ka na Lianne.

His message was sent at 7 pm and now it's already 10 pm. He's online 35 mins ago, magrereply pa ba ako?

Lianne Venturanza:

I'm fine.

Io-off ko na sana kaso may biglang nag notif kaya naman tiningnan ko at laking gulat ko na nagreply si Kieran.

Kieran Venturanza:

pahsuwahanswial

Napakunot naman ang kilay ko sa reply niya pero agad-agad din naman siya ulit nagreply.

Kieran Hernandez:

sorry, Kiel is using my phone.

Lianne Venturanza:

Kiel is still awake? It's 10 already

He should sleep.

Under the Light of our EighteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon