Chapter 8

93 9 0
                                    


Chapter 8

"Ayoko pag-usapan ng mga tao kaya please lang lumayas ka sa tabi ko" naiiritang Sabi ko habang nakatingin sa court.

Kakasimula pa lang ng game at lamang na agad ang Letrano. Kanina ko pa tinitingnan si Louis at halatang-halatang bad trip siya ngayon. Hindi naman siya ganon kanina.  Tinanong ko sina Khalif ngunit nginitian lang nila ako. At kanina pa rin ako pinagtitinginan ng mga tao.

Jusko! Hindi ako yung naglalaro kaya wag kayong tumingin sa akin I mean sa amin katabi ko nga pala si Kieran.

Hindi siya sumagot sa sinabi ko kaya naman humarap ako Kay Khalif dahil siya ang katabi ko.

"Khalif parang awa mo na magpalit tayo ng upuan" bulong ko sa kanya

Tinawanan naman Niya ako "Magtiis ka ghorl, sabi nga sa tawag ng tanghalan 'Nasayo ang spotlight' " natatawang sabi nito habang Hindi parin inaalis Ang tingin sa laro.

Ewan ko ba sa mga taga Letrano, nasisiraan na ata ng bait, si Ella at Kieran nandito sa side ng Khelson pero kung Hindi mo kilala si Kieran ay mapagkakamalan mo siyang taga Khelson dahil naka maroon ito. Sinasadya ba nito 'to?

Nanuod na Lang ako Ng game. Nakakascore naman Ang Khelson pero magagaling ang mga taga-Letrano. Naghiyawan Ang mga taga Khelson Ng maka 3 point shoot si Louis kaya naman napangiti ako ng tumingin siya sa akin matapos ishoot yon.

"OMG!! Tumingin ba sa akin si Louissss!!"

Parinig na sabi Nung nasa ibaba namin.

"Luh? Alam Naman Ng lahat na sayo tumingin si Louis" Sabi ni Khalif

Nagkibit balikat na lang ako sa' ka binalik Ang mata sa laban. Naramdaman kong tumingin sa akin si Kieran pero Hindi ko na lang ito pinansin.

Lamang ang Letrano at huling quarter na ito 78 Ang score Ng Letrano habang 75 Ang score Ng Khelson. Kaunting Segundo na lang Ang natitira Ng maagaw ni Louis Ang bola kaya naman naging intense ang laban. Halos kapusin na Ang iba sa hininga dahil sa sigawan. Pati ako ay kinakabahan kung mai-shu-shoot ni Louis Ang bola. Dahil sa sobrang kabado ko ay napatayo na ako. Hindi ko pinansin kung nakatingin si Kieran o ano.

"Hoy Louis Altrelline!! Kaya mo yannnn!" Halos kapusin ako Ng hininga Nung isinigaw ko yon.

He smiled at me. Grabe Ang supportive ko talaga.

Pumikit ako Ng ishu-shoot na ni Louis Ang bola.

Lord Sana po panalo!! Iiyak po si Louis kapag natalo siya ayoko pong mabasa Ang damit ko dahil sa luha niya.

Nang magsigawan Ang mga Tao ay saka ko lang minulat Ang mga mata ko at nakita Ang tagumpay na ngiti ni Louis.

Panalo ang Khelson. Ang lakas ko Naman sayo Lord.

Ngayon ko lang napansin na wala na pala si Kieran sa tabi ko kaya naman nagmasid ako at nakita siyang kausap si Theo. Si Theo Yung kapatid ni Thalia, player pala siya Ng Letrano.

"Tama na Ang titig Kay Kieran Zikiel si Louis Altrelline Naman daw" natatawang Sabi ni Ariella kaya naman inirapan ko na lang siya saka pumunta Kay Louis

Madaming nagpapapicture sa kanya. Wow artista ka? Nag-intay kami Ng ilang minuto bago Niya kami lapitan.

"Ang baho mo Altrelline" Sabi ni Khalif ng makalapit si Louis sa amin

"Grabe ka Khalif para ka namang others. Akala mo di mag kaibigan" Sabi ni Louis habang nakahawak sa dibdib, wari'y nasasaktan.

Tinawanan na Lang siya ni Khalif at Ella.

Under the Light of our EighteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon