Chapter One

98 1 0
                                    

"Keep breathing, keep breathing, keep breathing, Steph" paulit ulit na bulong ni Stephanie sa sarili, maliwanag na pero hindi pa rin nya nagagawang pumikit. may sleeping disorder na ata sya sa dahilang araw-araw ay late na sya natutulog para magsulat ng manuscript at ngayon nga ay inaatake na sya ng asthma nya. muli ay tumayo sya sa kama, sabay diretso sa kusina para magkanaw ng kape. hindi pa man kumukulo ang tubig ay nag ring na ang telepono sa sala.

"Hello Steph."

hindi na nya nagawang sumagot ng madinig ang boses ng kaibigan nyang si Jovilyn sa kabilang linya, sunud sunod na ang malalim na paghinga nya.

"Steph? are you okay?" may kalakip na na pag aalala ang boses ni Jovilyn.

"I-Im fine" malalim ng pag hinga na sagot nya sa kaibigan

"You dont sound fine! ina-asthma ka na naman ba?? where the hell is your nebulizer?!" tila nagpapanic na naman ito sa kabilang linya. kahit sa hirap na paghinga ay napangiti pa rin sya sa inaakto ng kaibigan, daig pa nito ang mommy nya kung bantayan at alagaan siya.

"n-nakalimutan ko sa c-condo mo eh, I'll just t-take my coffee and sleep. mamaya okay nako" she managed to say in between her breaths.

"no! listen, i will just finished my meeting here and take the very first flight-" mabilis na litanya nito na pinigilan nya.

"shut up Jovilyn! you need a break from me, p-arang di ka na n-nasanay sa a-asthma ko. im okay. i need to hang up na, k-umukulo na yung tubig sa k-kusina" matigas na pahayag nya sa kaibigan.

"para sa saan ang tubig na yan steph?? how many times did I tell you, na bawasan mo naman ang pagkakape mo?? kape na yang dumadaloy sa mga ugat mo." sermon pa nito.

she rolled her eyes instantly in exasperation.

"are you rolling your eyes on me steph??" galit na tanong nito sa kabilang linya. pero ramdam naman nyang may kalakip na ngiti ang ang litanya nitong ito. she know her friend damn too well.

"i wouldn't dare." she answered sarcastically

nadinig nya ang buntung hininga nito sa kabilang linya.

"im hanging up. take care steph, i will leave you alone for now" sumusukong sabi nito.

"trust me on this please?" aniya. medyo umaayos na ang pakiramdam nya, matapos makausap ang kaibigan. jovilyn has always been her best medicine.

"ofcourse" anito.

"Bye" she said then hang up.

tinungo na nya ang pinapakuluang tubig. pinatay nya ang kalan at hindi na nag tangka pang magkanaw ng kape ayon na rin sa kagustuhan ng kaibigan.

_________________________________

"miguel.." mahigpit na kinapitan ni stephanie ang hawak na imbitasyon, kakagising lang nya at alas tres na nang hapon. sa mailbox ay inabutan nya ang isang soobre na may pangalan nya sa likuran. pagkakita pa lang nya sa sobre ay hindi na maganda ang kutob nya. pag bukas nga nya nuon ay tila gusto nyang ibato sa labas ng bintana ang laman. hindi magandang balita ang laman nuon kundi isang masama, pagka sama samang balita.

ikakasal na si miguel. ang kanyang si miguel.

ang lalaki na nagbigay kulay sa buhay nya.

ang lalaki na dahilan kung bakit may mga happy endings ang mga kwentong sinusulat nya

ang lalaking nagbibigay inspirasyon sa payak nyang isipan.

at higit sa lahat, ang lalaking dahilan kung bakit minsan sa buhay nya, nakaramdam sya nang matinding kaligayahan.

and now he is getting married.

mariing ipinikit nya ang mga mata. hoping it was just a dream.

anim na buwan na nyang di nakikita si miguel. kahit na kadalasan ay nakaharap sya sa computer di nya binubuksan ang mga social networking sites na may account sya para din iwasan ito. di rin nya sinasagot ang mga tawag at txt nito, nakailang palit na sya ng number pero sa hindi malamang kadahilanan ay nalalaman nito iyon. at ngayon nga ay ang address naman nya ang natunton nito.

"youre giving a hard time here mister." nangingilid ang luha na sambit nya.

"give me some time, and im sure as hell i'll forget about you" naalala nyang sabi nya dito nang maghiwalay sila anim na buwan na ang nakakaraan.

pero ilang buwan na ang nakakalipas eh andito pa rin ito sa puso nya. at ngayon nga ay ikakasal na ito, sa babaeng walang wala syang panama.

at ngayon nga ay pinadalhan pa sya ng mga ito ng sulat na para bang walang nangyari. hindi nya alam kung matatawa, malulungkot o magagalit sya sa ginawa ng mga ito. 

"i like you, I care for you, youre important to me" mga salitang madalas na sabihin ni miguel sakanya dati, pero kahit minsan, walang "i love you" na namutawi sa bibig nito. masakit, pero alam nya na kahit kailan, hindi nya madidinig ang mga salitang iyon dito.

unang kita pa lang nya kay miguel ay minahal na nya ito. freshmen sya nuon at ito ay junior sa eskwelahang pinapasukan niya ang St. Clair Catholic High School. pareho silang kasali sa science quiz bee, hindi nya agad ito mapapansin kung hindi lang halos lahat ng tanong ay nasasagot nito ng sakto at tama, kahit na mga college level na tanong ay nasasagot ito. The Genius ang taguri rito ng mga mag aaral sa eskwelahan nila, magkaedad lang sila pero dahil ilang beses itong na accelerate kaya naman lumamang ito nang dalawang taon sa mga kaedad nito. sikat ito sa school nila, dahil hindi lang ito matalino, malakas pa ang dating nito. hindi ito isang tipikal na genius sa itsura, maputi nga ito, at may suot na salamin kadalasan sa pagbababad din nito sa computer, pero may aura ito na nagsasabing game ito sa kahit na anong hamon. may ilang beses na itong napatwag sa guidance office dahil nahuli itong may sinirang bagay sa laboratoryo ng eskwelahan, maging sa school canteen dahil lang may sinusubukan itong mga bagay na hindi rin naman nito magawang iesplika. pero ang lahat nang iyon ay tinatawanan lang nito.

lumipas ang mga araw matapos ang dinaluhan nilang quizbee ay muli silang nag kita ni miguel sa library, may hinahanap syang libro pero hindi nya iyon makita, sa kakahanap nya ay dumating sya sa tagong bahagi ng silid aklatan, duon ay inabutan nya si miguel na mahimbing na natutulog kapit ang librong kanina pa nya hinahanap. bumilis ang tibok ng puso nya ng makita ang maamong mukha nito, ilang sandali nya itong tinitigan. kay amo talaga ng mukha nito. unti unti nya itong nilapitan at ganun na lang ang bilis ng tibok ng puso niya ng bigla itong magmulat ng mga mata, nagtama ang mga mata nila, his eyes were the color of golden brown. it is not the usual eye color for a typical filipino. matagal na nyang alam na may ibang lahi si miguel dahil na din sa kulay ng balat nito.

"How long are you planning to stare at me?" malamig ang tinig na tanong nito sakanya.

napakurap kurap siya ng madinig ang baritonong boses nito. blanko din ang ekspresyon ng mukha nito. nang hindi pa rin sya makasagot ay kumunot na ang noo nito, nagsalubong ang may kakapalan din nitong kilay.

"I-im sorry, im just looking for that book, hindi ko sinasadyang magising ka" kinakabahang sagot nya dito.

tila balewalang tumayo ito sa pagkakaupo sa sulok at inabot sakanya ang hawak na libro. walang salita na inabot nya iyon at wala ding sali salitang iniwan sya nito sa tagong bahagi ng library na iyon. tulala na inilapit nya sa dibdib ang libro.

My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon