PRESENT
hindi akalain ni stephanie ang pagdating na iyon ni miguel sa bahay niya. nakaupo sya sa habang pinagmamasdan ito sa kusina niya. tila sanay na sanay itong gumalaw duon. kasalukuyan syang pinagluluto nito ng sopas. naalala nya dati na pag nasa condo nya ito dati nung college eh lagi sya nitong pinag luluto. minsan kasi birthday nito tapos sinubukan nyang ipagluto ito nang karekare, sumakit lang pareho ang tyan nila kinabukasan. kaya simula nuon hindi na sya nito pinagawa sa kusina, ito na lang lagi ang nagluluto para sakanilang dalawa. pero nang dumating nga sa buhay nila si margareth nagbago na ang lahat. pero heto na muli ang lalaki at pinagluluto siya.
"okay na ba ang pakiramdam mo steph?" tanong nito habang sumasandok ng bagong lutong sopas.
hindi sya sumagot. wala syang nais sabihin pa dito.
bumuntong hininga ito bago lumapit sakanya. inilapag nito ang hawak na mangkok sa harapan niya.
pinagmasdan nya ang umuusok na sopas sa harapan niya. pero hindi nya iyon ginalaw
inabot ni miguel ang upuan malapit dito at umupo sa harapan niya.
"kumain ka na" masuyong sabi nito sakanya..
hindi pa rin sya kumilos sa kinauupuan.
napabuntung hininga ulit ito bago umusog palapit sakanya. ito na ang kumuha ng kutsara bago iniumang sa labi niya.
"say aahh" parang batang sabi nito
hindi pa rin sya kumilos.
"bakit ka andito?" malamig ang tinig na tanong nya dito.
tiningnan nya ito nang diretsa sa mga mata.
namiss nya ang mga matang iyon. ang mga mata na dati ay puno ng pagsuyo kung tumingin sakanya.. kaya nga akala nya eh mahal di sya nito.
lumambong ang mga mata nito na nakatingin din sakanya.
"steph.." nahihirapang sabi nito.
inintay nyang may sabihin ito muli sakanya pero nanatiling tikom ang bibig nito.
"what?" kinakabahang tanong nya dito. tila may laman kasi ang malungkot na titig nito sakanya
"comeback home. your mom needs you. she's sick"
nanlamig ang buong katawan ni stephanie pagkadinig sa balitang iyun.
"nanghina si tita simula nang malaman nya na pabagsak na ang negosyo ng pamilya nyo. ayaw naman ni tito na ipaalam sayo ang problemang ito." tumigil sa pagsasalita si miguel nang makitang nagsimulang bumagsak ang mga luha niya.
"steph.." masuyong sabi nito at tinangkang abutin ang mga kamay niyang.
iniiwas nya iyun.
"stop pretending that you actually care miguel." mahinang sumbat niya dito.
"stop being so childish steph." tumaas na ang boses ng lalaki
"you know from the very start that i cared. and you sarili mo lang ang iniisip mo, sariling damdamin mo lang ang pinahahalagahan mo. nang masaktan ka, mas pinili mo ang lumayo at mag isa sa mundong pinili mo. iniwan mo ang mama at papa mo. ako na sinasabi mong walang pakialam sayo at sa pamilya mo ang naiwan para sakanila. at ngayon mo pa ko sasabihan ng ganyan?" mahabang litanya nito.
"sinusumbatan mo ba ako?" inis na din na tanong nya dito. nasagi ang kunsensya niya sa mga sinabi nito.
naiinis na bumuntong hininga na naman ito.
"no.. i just need you to go home stephanie" tila napapagod na sabi nito sakanya
"uuwi ako. wag kang mag alala" aniya. kailangan sya ng mama at papa nya. handa na syang harapin ang mga ito matapos nyang piliin ang pagsusulat kesa sa harapin ang negosyo na pamilya. simula pa lang naman ay open na sya sa mga ito sa pagsunod ng pangarap nya kaya hindi nya inaasahan na isang gabi ay humiling ang mga ito na pamahalaan nya ang negosyo ng pamilya.
"steph..." maya maya ang tawag ni miguel sakanga. tila may nais pa itong sabihin.
blangko ang mga mata na pknag masdan nya ang gwapong mukha nito.
"about the wedding invitation, natanggap mo ba?" may pag aatubuli ang tono ng boses nito.
tumiim ang mga bagang niya. nagsimulang kumirot ang puso niya. bakit ba napaka insensitive nito? kailangan pa ba talagang itanong nito sakanya ang bagay na iyon?
"yes." tanging nasagot nya sa tanong nito.
"im sorry, si margareth kasi ang nag insist na padalhan kame namin ng invitation. i told her that-"
"ayaw mo ba akong pumunta sa araw ng kasal nyo?" nakataas ang kilay na tanong nya dito.
"no! hindi ganun ang ibig kong sabihin. i mean-"
hindi na nya pinatapos pa ang pagsasalita nito. tumayo na sya sa pagkakaupo at lumapit sya dito
"i get it miguel. natatakot ka siguro na guluhin kong muli kayo ni margareth sa pagbabalik ko. wag kang mag alala, i maybe lost my sanity the moment that i fell inlove with you. but im no longer insane because i fall way too hard and you are not there to catch me, its a hard fall, but it is just hard enough to wake me up. di ko na kayo guguluhin pa, kaya wag ka nang mag alala dyan." mahabang litanya niya. natulala ito sa sinabi niya.
naglakad na sya palayo pagkatapos ng speech na iyon.
"saan ka pupunta?" maya maya ay tanong nito.
"sa kwarto. aayusin ko ang mga gamit ko na dadalhin ko sa pag uwi. sama ka?"
"not even a little bit funny." nakasimangot na sabi ni miguel.
"sinong nagsabing nag jojoke ako?" seryosong sabi niya dito.
"just go get your things stephanie. ill wait for you in the car." seryoso ang mukhang sabi nito
"no miguel. kaya kong umuwi ng mag isa. umuna ka na. may dadaanan pa ko mamaya bago ko tumuloy duon" pagsisinungaling niya. hindi nya gugustuhin at kakayanin na makasama ito sa loob ng kotse sa mahabang oras.
kumunot ang noo nito.
"saan ka pa pupunta? ihahatid na kita, ikaw talaga ang dahilan kaya lumuwas ako ngayon ng maynila kaya okay lang sakin na hintayin kita." anito
sa akin hindi okay. bulong ng isip niya.
"wag na. matatagalan yun. nakakahiya naman sayo. umuna ka na. ill be fine." seryosong sabi niya bago walang pasabing pumasok na sa loob ng kwarto. pagkasara ng pinto ay napadausdos sya pag upo sa sahig.
this is too much. miguel is back and her mom is sick.
wala siyang choice kundi ang umuwi. kailangan nyang alagaan ang mommy nya kung ganung busy sa negosyo ang daddy niya.
"but i still love you. and im still hurting" naiiyak na bulong nya sa sarili.
"hindi lang sayo umiikot ang mundo stephanie. may mfa bagay na mas importante sa mundo kesa sa damdamin mo."
naaalala nyang sermon sakanya ni jovelyn nuon
napabuntong hininga sya. uuwi sya at matapang nyang haharapin ang mga taong halos kalahating taon nya ding tinalikuran mula nang masaktan sya kay miguel. tapos na ang mga araw na nagtatago sya. panahon na rin naman siguro para mag move on sya.
sa naisip ay may panibagong lakas sya na naramdaman. tumayo sya sa pagkakaupo at sinimulang ayusin ang mga gamit
BINABASA MO ANG
My Life
Teen Fictionthis is my comeback kind of work. about the life of an unloved girl my inspiration is the song "Buko" by Jireh Lim.. hence the title.