Chapter Three

50 0 0
                                    

"I can't go.. I can't be with him, I'm......" paulit ulit na himutok ni stephanie sa sarili, kahit na sinabi nya sa mga magulang nya na kasama na nya sa camp si jovilyn ay hindi pa rin sya pinayagan ng mga ito, at ngayon nga ay nagkukulong sya sa kwarto dahil sa nadaramang matinding tampo.

sa loob ng labing apat na taon ng buhay nya ay lagi na lang ang mga ito ang nasusunod kung pano nya patatakbuhin ang buhay nya, naiiintindihan naman nya ang mga ito, bata pa sya at madami pang kailangang matutuhan kung pano patatakbuhin ang buhay nya, pero mananatili syang mahina at ignorante sa mundo kung patuloy na ituturing sya nang mga ito na tila ba sya babasaging krystal.

"stephanie?? stephanie??" will you please open the door?" dinig ni stephanie ang nag mamakaawang tinig ng mommy nya sa labas ng kwarto. she can't stop the tears from falling. mayamaya ay nagsikip na ang dibdib nya. and then the world goes black

__________________

unti unting naimulat ni stephanie ang mga mata.mabigat ang pakiramdam at kumukirot ang ulo nya. paglingon nya sa tabi nya ay nakita nyang nakatalungko sa tabi nya ang mommy nya.

"mom.." tawag nya dito. 

"anak... okay ka na ba?? anong nararamdaman mo?? may masakit ba sayo??" puno nang pag aalala ang boses nito.

"masakit lang po ng konti ang ulo ko" sagot nya dito inilibot nya ang patingin sa paligid, nasa kwarto pa din nya sya, pero may nakakabit na dextrose sakanya.

"sige, sandali lang, tatawagin ko ang nurse na ipinadala ng lolo mo" anito bago tumayo sa kinauupuan.

pagkalabas sa kwarto ng mommy nya, ay muli na naman syang napaluha, di na talaga sya makakapunta sa camping, lalo na ngayon. walang magawang napabuntung hininga na lang sya.

5days later

"Steph!! steph!! " 

napatunhay si stephanie mula sa binabasang libro ng madinig ang malakas na tinig ng kaibigan.

mayamaya lang ay lumitaw na ito sa pintuan papasok sa garden nila. halatang excited ito dahil sa malaking ngiti na naka plaster sa mukha nito.

"guess what??" masiglang tanong pa nito sakanya.

"huh??" matipid na sagot nya sa tanong nito, kulang sa sigla ang tinig. matamlay sya mula nang makasama ito sa camp at naiwan siya. wala na itong nagawa dahil basta nya inilista ang pangalan nila sa mga sasama, siya naman ay may valid reason kaya abswelto siya.

"tada!!" anito sabay labas mula sa likuran ang may kaliitang stuff toy. kumabog ang dibdib nya

"kanino g-galing yan??" tanong nya dito, bago inabot ang stuff toy sa kamay nito, umupo na ito sa silyang katapat niya, hindi agad ito sumagot dahil dumating na ang isa sa mga maid nila at dinalhan sila ng miryenda.

"kanino pa?? edi kay miguel mo." sagot nito matapos umalis ang maid.

inatake sya ng kilig sa sagot nito.

"talaga?? bakit nya naman ako binigyan nito?? san nya to binili?? anong sabi nya nung binigay nya sayo to??" sunud sunod na tanong na nya dito.

"hep! pakainin mo muna ako bago ko sagutin yang mga tanong mo, after ng camping dumaan lang ako sandali sa bahay, at dumiretso nako dito para ibigay sayo yan." sabi nito bago sumubo na cake at may kabagalang nginuya iyon, napasimangot siya

"jovilyn naman eh. spill the beans already." pilit nya dito.

napangiti ito.

"team leader kasi sya namin, hinanap ka nya kase nga naka lista yung name mo pero wala ka naman, ayon sinabi ko, nagka asthma ka, ano ba naman kase girl! ngayon ka lang inatake ng asthma na nawalan ka ng malay, ang OA hah." sermon pa nito sakanya

"di mo naman maiintindhan eh, nagpanic ako, i need to be there, malapit na kayo mag graduate kaya kailangan ko mag collect ng memories. and wait, sinabi mo na may asthma ako sakanya, then?? anong connect nitong stufftoy?" 

"youre sick my friend, and he's just kind enough para bigyan ka ng stuff toy" anito. 

napakunot nuo siya, hindi pa naman sila ganun kaclose na lalaki para bigyan sya nito ng stuff toy, kaduda duda.

pero ano man ang isipin nya, di pa rin nuon mapipigilan ang sarili nya na kiligin sa simpleng gesture na iyon ng binata.

at di rin nya mapigilan ang sariling umasa. umasa na marahil, gusto rin sya nito. napangiti siya

"stephanie, tila alam ko ang ibig sabihin nyan ngiti mo na yan, stop it already." may pagbabanta na sabi nito sakanya

natawa naman sya

"hey, what did i do??" painosenteng pa din sabi nya dito

"dont get it in your head." seryosong sabi nito sakanya.

"i know jovilyn, believe me.. i know." 

____________________

MONDAY. kipit ang dalang paper bag tumatakbong tinungo ni stephanie ang building kung saan naruon ang classroom ng mga seniors. pinaghanda nya ng lunch si miguel bilang thankyou gift sa bigay nitong stuff toy sakanya. malapit ng tumunog ang bell kaya nagmamadali sya.

nang marating ang pakay na classroom ay huminto na sya at may pagmamadaling inayos ang sarili, natanaw nya ang kaibigang si jovilyn at pasimpleng pinagtaguan ito. baka sermunan lang sya ng babae pag nakitang pinaghanda pa nya ng tanghalian si miguel.

"dont get it in your head." naalala pa nyang sabi nito sakanya.

"hey, sophomore, what are you doing here??" nadinig nyang tanong ng isang tinig. napatunhay siya ng tayo. at pinagmasdan ang lalaking nakatingin sakanya.

nakangiti ito kaya lalong lumiit ang singkit na mga mata nito.

Park Chi San is the student body president, may lahi itong koreano kaya naman napakinis at maputi ang kutis nito.

"sinong sinisilip mo dyan?" he asked.

"ahhmm, andyan ba si miguel??" tanong niya, kaklase din kase nito si miguel

napatango tango ito.

"araso,(alright) let me get him for you." anito bago pumasok sa classroom ng mga ito.

kumakabog ang dibdib nya habang iniintay ang lalaki, di nga nagtagal ay nasa harapan na nya ito.

"bakit??" simpleng bungad nito sakanya.

di agad sya nakapagsalita, he looked so damn hot, she cant hardly speak.

nang biglang magring ang bell,kumunot ang na naman ang nuo nito.

"stephanie??" may pagmamadaling tawag nito sa pangalan niya. lalong kumabog ang dibdib niya, first time nitong tinawag sya sa sariling pangalan nya!

"hey! bilisan mo, malapit nang dumating ang subject teacher namin, hindi ba may klase din kayo??" tila mauubusan na ng pasensyang sabi nito sakanya.

natauhan siya. inabot nya dito ang dalang paper bag

"thankyou sa stuff toy." sabi nya dito

lalong lumalim ang pagkaka kunot nuo nito bagamat tinanguan siya.

"wala yon. sige na, papasok na ko" anito bago tumalikod papasok sa classroom ng mga ito.

tulala pa din na naiwan si stephanie. anong nangyari?? bakit ganuon kung umakto ito?? bakit? parang balewala lang dito yung effort nya?? hindi ba nito naaalala na sya yung babaeng pinatawa nito sa playground habang nasa duyan sila?? pero alam nito ang pangalan nya! at binigyan pa sya nito ng stuff toy!

"dont be stupid steph!" dikta ng isip nya.

"walang meaning ang mga iyon, ikaw kase, tigilan mo na ang pag iilusyon. wag mong paasahin ang sarili mo."

 namuo na naman ang mga luha sa mata niya, pero pinigilan na nyang tumulo ang mga iyon. hinding hindi na sya iiyak nang dahil dito. pangako nya sa sarili.

My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon