Chapter Nine

35 0 0
                                    

PRESENT

sabi nila, masarap daw ang magmahal, para kang nasa ulap. maliwanag at makulay ang paligid. tila ka nagpapatangay sa agos habang nakikinig nang masayang musika. pero pag nasaktan ka, tagos hanggang buto. tila ka pinatay at tinusok ng libo libong karayom. wala kang sakit pero mabigat ang pakiramdam mo.

"okay lang yan stephanie, ibinigay mo na ang higit pa sa kaya mong ibigay" aniya sa sarili

ipinag laban nya si miguel, kahit na alam nyang wala syang karapatan dito. ipinaglaban nya ang kaligayahan niya, pero nasaan sya ngayon?? nasa isang sulok. nakayukyok habang hawak ang imbitasyon ng kasal nito.

ano ba ang nangyari sakanila?? kailan ba nagulo ang lahat? akala nya dati magiging ayos na ang lahat nang sabay silang kumuha ng creative writing pero matapos ang isang taong pagiging magkaklase, ano ang nangyari??

dumating sa buhay nito si margareth. ang babaeng minahal nito. ang babaeng dahilan kung bakit sya nasasaktan ngayon.

okay lang sana kung masama ang ugali ni margareth, madaling iparealize kay miguel na hindi karapatdapat ang babae sa pag ibig nito. pero iyon na rin ang problema, walang kasing bait si margareth., maging sakanya ay napaka bait nito. kahit na sinubukan pa nyang sirain ang relasyon ng mga ito..

makalipas ang ilang sandali ay narinig nya ang pag tunog ng cellphone nya, hindi sya natinag sa pagkakayukyok sa sulok.. walang tigil ang pagtunog ng cellphone pero matapos ang halos labing lmang minuto na pagtunog ay tila napagod ang tumatawag.

blangko na ang isip na patuloy sa pagluha si stephanie, wala na syang iba pang nararamdaman kundi sakit. ilang oras pa syang umiyak sa sulok nang muling mag ring ang cellphone niya.. mayamaya ay may nadinig syang mga katok sa pinto. tila nagmamadali ang taong nasa likuran ng pintong iyon..

kinabahan sya sa hindi maalamang kadahilanan. tumayo sya ngunit dahil tila namanhid ang ang buong katawan nya sa may katagalang pagkakayukyok sa sulok ng kwarto niya ay muli syang napa upo sa sahig.

tila nahabag sya sa sarili at napaiyak, nawalan sya ng lakas na muli pang tumayo. namaluktot sya sa sahig at sinubukang muling burahin ang ano mang isipin sa paligid niya.

tumigil ang pagkatok.. ilang sandali ay nadinig nya ang pagbukas ng pintuan niya. naisip nya si jovilyn. ito lang ang nakakaalam ng pinagtatabihan nya ng susi sa ilalim ng paso sa labas.

"stephanie??!" nadinig nyang tawag sakanya mula sa labas.

mariing naipikit nya ang mga mata

miguel.. boses nito ang nadidinig niya.

isa na naman ata ito sa ilang beses na pag iimagine niya.

"stephanie.. asan ka??" sabi pa ng tinig.

hindi sya kumilos sa pagkakahiga at sinubukan muling burahin ang ano mang pumapasok sa isip niya. tuloy ang pag daloy ng luha sa kanyang mga mata.

ganito na lang ba sya lagi?? pagaganahin ang imahinasyon para kahit man lang sa tagong bahagi ng kanyang isipan ay makakasama nya si miguel??

nuon bumukas ang pinto ng kwarto niya.. nakadinig sya ng mga yabag, naamoy nya ang pamilyar na pabango..

"miguel.." bulong niya. hindi nya maipagkakamali ang amoy nito kahit kanino

"stephanie.." masuyong tawag sakanya ng tinig. 

papalapit sakanya ang mga yabag at hindi nagtagal ay naramdaman nya ang pamilyar na dampi ng kamay sa braso niya.. she opened her eyes and saw her most favorite pair of eyes looking directly into her face. puno ng pagsuyo at pag aalala ang mga matang iyon. she in return closed her eyes tightly.

"i must be dreaming.." she said softly.

nadinig nya ang malalim na pagbuntong hininga ang inaakala nyang aparisyon. he then carried her off the floor and placed her to her bed.

namalibis na naman ang luha sa kanyang pisngi.

marahang pinahid iyon ng lalaki.

"sleep first steph.. well talk later" anito bago masuyong hinalikan ang pisngi niya.

at nuon nga ay nagpatangay na sya sa tawag ng antok

My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon