Chapter Eight

31 0 0
                                    

"happy birthday chi san!" bati ni stephanie sa matalik na kaibigan. mahigpit na niyakap nya ito sabay abot ng regalo niya.

nagtxt sya dito na magkita sila sa paborito nilang tambayan sa tapat ng school para sana ibigay nya dito ang surprise gift nya dito

halatang malalim ang iniisip nito nang tingnan siya.

"im getting married next month" tila nanlalambot na balita nito sakanya.

hindi sya agad nakasagot sa sobrang gulat. next week na ang graduation ng mga ito kaya kulang ang salitang 'hindi nya inaasahan' sa sobrang gulat na nadama niya.

"inaayos na ng mga mama namin ni alicia ang detalye ng kasal. we're getting married right after graduation." tila wala sa sariling sabi pa nito.

"bakit biglaan naman ata?" nakuha nyang itanong dito matapos ang katahimikan nagdaan sakanila.

"my mom and dad found out about us. baliktad ang nangyari sa inaasahan ko. nag panic sila kaya gusto nilang ikasal ako agad." may bahid na ng inis ang tono nito.

"im sorry chi san, nakasama pa pala ang pag payag ko sa plano mo." nakikisimpatya na sabi nya dito.

bumuntung hininga na lang ito. bago nakangiting pinagmasdan ang mukha niya

"okay lang steph, masaya din naman ako na naging kaibigan kita eh." anito.

napangiti siya. inabot nya ang kamay nito na nakapatong sa lamesa.

"ano ngayon ang plano mo?? papayag ka ba sa kagustuhan ng mga mommy at daddy mo?? papakasalan mo ba si alicia?" tanong nya dito.

mas hinigpitan nito ang kapit sa kamay niya at mas sumeryoso ang mga mata nito na naka tingin sakanya.

"itanan na lang kaya kita??" seryosong sabi nito sakanya.

naiinis na hinampas nya ang kamay nito na nakakapit sakanya.

"nakakainis ka!" malakas na saway nya dito.

natatawang hinuli nito ang kamay nya na walang tigil sa kakahampas nya dito.

"joke lang steph. to naman alam ko na may miguel na nagmamay ari ng puso mo, makikisabay pa ba ako??" natatawang sabi nito sakanya. natigilan sya sa tinuran nito

matapos ang prom night ay naging close na sila ni miguel di na sila tulad ng dati na ni tanguan pag nagkasalubong ay hindi nagbabatian. ngayon ay nagkakasama na din sila sa mga galaan at gimmick. planado na ang future nila na magkasama.. bilang magkaibigan. hanggang ngayon ay magboyfriend at girlfriend ang alam pa din nito sakanila ni chi san.

"hahanap tayo ng ibang paraan chi san." seryosong sabi niya dito

"i wish, may iba pang paraan" malungkot na ulit ang tinig na sabi nito.

"di mo ba talaga gusto si alicia??" tanong nya dito. matagal na niyang gusto na itanong ang bagay na iyon

napasimangot ito sa tanong niya.

"mas madali sana ang lahat kung gusto mo lang sana si alicia eh." aniya

"yun na nga eh.. hindi ko siya gusto." naiinis na sagot nito.

"eh bakit ka naiinis jan?? apektado ka no??" tukso pa nya dito.

bigla itong sumeryoso sa panunukso niya kaya natihimik sya.

"oh?? bakit ka naging bseryoso dyan??" tanong nya dito.

matamang tiningnan sya ng singkit na mga mata nito at sa kauna unahang pagkatataon ay nailang sya sa titig nito.

"may ibang gusto kasi ang gusto kong babae.. kaya naiinis ako"

My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon