kanina pa kagat kagat ni stephanie ang kuko, isa iyon sa mga odd traits nya na kadalasan ay ikinagagalit sakanya ng mommy nya. her mom always treat and taught her to be a princess, because she is their one and only princess. dalawa silang magkapatid at ang kuya nya ay mag dadalwang taon na ring namumundok. her kuya stephen joined the army three years ago, sampung taon ang tanda nito sakanya kaya naman prinsesa talaga ang turing sakanya ng mommy at daddy nya, idagdag pang sakitin siya nung bata kaya kung ituring sya ng mga ito ay tila babasaging krystal. while her dad always treat her brother as a failure, dati ay ito ang apple of the eyes ng daddy nya, ito kase ang tinuturing na tagapagmana ng emperyong pinaghirapang itayo ng lolo at daddy nya, pero mas pinili ng kuya nyang magsilbi sa bayan na itinuring ng daddy niyang isang kahangalan.
muli ay tiningnan nya ang suot na relo, mag iisang oras na nyang hinihintay ang lalaking isang taon na nyang lihim na hinahangaan. isang taon na mula ng magkaharap sila ni miguel sa library at mula nuon ay wala na syang iba pang nakikita kundi ito lang, lahat ng tao sa paligid nya ay nagmistulang hangin.
victory party ng science club dahil nagwagi ang karamihang myembro nuon sa ginanap na annual scince quiz bee na dinaluhan nila, kahit siya ay nagkamit ng medal duon. simple lang ang party na kadamihan ay schoolmates nila, andun din ang guro nila na humahawak sa club nila. at kanina pa nga nya hinihintay ay lalaking itinatangi ng bata nyang puso. magbibigay kase ito ng speech mamaya dahil ito ang prisidente ng club nila, at ito rin ang may pinaka mataas na award na natamo sakanila. kung tutuusin sisiw lang ang quizbee na iyon kumpara sa ilang paligsahan na nadaluhan nito pero dahil halos buong club na nila ang mga naging partisipante sa naganap na quizbee kaya maiuturing na rin na malaking achievement na iyon sa bawat isa sakanila. ilang sandali pa ay nakita na nya itong papasok sa pintuan, nagkaingay ang mga member ng club pagkakita dito. napatayo sya sa kinauupuan, hindi magkamayaw ang mga tao sa pag congratulate dito na sinusuklian naman nito ng ngiti at biro. hindi nya magawang makalapit dahil sa dami ng nakapalibot dito. pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtama ang mga mata nila, saglit lang iyon pero sapat na para mang hina ang tuhod niya. hindi nya namalayang nakalakad na ito sa unahan para sa speech nito, hindi na sya sa makapag concentrate sa mga sinasabi nito.
"he looked at me!" sigaw ng isip nya.
"eh ano naman? sandali lang naman yon, wag kang ambisyosa!"sabi naman ng kontrabidang isip nya.
hindi nagtagal ay nag ring ang cellphone nya, dahil maingay sa loob ay napilitan syang lumabas at magtungo sa tagong bahagi ng school nila. tapos na din naman ang speech ni miguel at pinagkakaguluhan na naman ito ng mga schoolmates nila. napapbuntong hininga na sinagot nya ang tawag ni jovilyn.
"Hello?" walang kasigla siglang bati nya dito.
"Steph? what time ka daw uuwi sabi ni tita?" anito
napa kunot nuo siya.
"Bakit ikaw ang tinatanong nya?? bakit hindi ako ang itxt nya?" nagtatakang tanong nya dito
"dunno. nagtataka nga din ako eh, nag away ba kayo??" anito.
natigilan sya
"hmm.. not really. " sagot nya dito
"let me guess is this about, you going on that....... camp?" makahulugang sabi nito.
"I need to go, alam mo yan jovilyn. hindi ko mapapalampas ang camp na to, i can learn from axperience and-"
"and you will have a chance to be with miguel??" putol nito sa litanya nito.
muli, natigilan siya. kilalang kilala na talaga siya nito.
pareho sila ni jovilyn ng eskwelahang pinapasukan, nasa huling taon nga lang ito ng high school, kaklase nito si miguel. magkalayo man ang edad nila ay hindi hadlang iyon para magkalapit sila, kapit bahay din kasi nila ito.
"hindi lang yon jovilyn, please, sumama ka na din para payagan ako ni mommy" pakiusap nya dito
"as if naman mapapanatag si tita kung sasama ako, atsaka stephanie naman, alam mo na may gagawin ako nang araw na iyon, i need to study for my entrance exams." litanya naman nito.
"please jovilyn, pede ka namang mag aral sa ibang araw, isa pa, last year nyo na to, you should gather as much experience as you can gather para when the time comes that you will reminisce may maaalala kang mga bagay na masasaya" pamimilit pa nya dito.
"steph naman eh..." tila malapit nang sumuko na sabi nito.
"please?? pretty please??" pag lalambing pa nya dito, at the back of her mind alam nyang, di rin sya matitiis nito.
"alright, i will think about it" pag suko nito.
yun lang at napangiti na sya.
after hanging up ay hindi muna sya umalis duon naglakad sya patungo sa swing hindi kalayuan sa lugar na pinag dadausan ng victory party nila. umupo sya duon at tahimik na inugoy ang sarili.
inalala nya ang dalawang sandali na nagtama ang mga mata nila ni miguel. muli ay bumilis ang tibok ng puso nya pagka ala ala pa lang duon. ilang buwan na lang ay gagraduate na ito, at siya ay may dalawang taon pa. kung hindi lang sana ito sobrang talino baka naging magkaklase pa sila, isipin pa lang niya na ilang taon nya itong hindi makikita at nagsisikip na ang dibdib nya, ilang sandali lang ay nangilid na ang luha nya. napahikbi pa sya.
inis na pinahid nya ang luhang namalibis sa pisngi nya. nagulat na lang sya ng may kamay na mag abot sakanya ng panyo, pagtingala nya sa may ari ng kamay na iyon ay tumigil sa pagtibok ang puso nya. sa ikatlong pagkakataon ay nagtama ang mga mata nila ng kulay tsokolateng mga mata na iyon.
"baka gusto mong abutin na itong panyo, nangangawit na ako." anito, natigilan sya ng makita pa nyang ngumiti ito.
nang hindi pa niya abuti iyon ay ito na ang umabot sa mga kamay nya at pilit inilagay duon ang panyo nito. hindi sya nakakibo ng maupo ito sa kabilang swing. unti inting nilingon nya ito, marahang inuugoy nito ang duyan habang nakapikit ang mga mata, nakakunot ang nuo nito at tila may malalim na iniisip. sadyang napaka gwapo nito, hindi sya nagtataka kung bakit madaming babaeng nagkakagusto dito.
nang magmulat ito nang mga mata ay lumingon ito sakanya, tila napapahiyang iniiwas nya dito ang paningin niya.
"bumalik ka na sa loob, malamig dito baka sipunin ka" malumanay na sabi nito sakanya, bumilis lalo ang tibok ng puso niya.
"okay lang ako" sagot nya dito
"parang hindi eh" anito. tila tinutukoy ang naabutan nitong eksena kanina.
hindi sya sumagot.
"alam mo, okay lang yan, lahat nang tao may problema sa mundo, hindi lang ikaw ang lumuluha ngayon yung iba nga nakakailang taya na sa lotto, hindi pa tumatama eh" may halong biro na sabi nito.
natawa siya, matalinong tao si miguel, pero hindi ito magaling na tiga payo, alam na niya iyon ngayon.
"ang weird mo." sabi nya dito mayamaya.
napangiti ito.
"hindi lang ikaw ang nagsasabi niyan" anito bago tumayo sa duyan
"papasok na ko. pumasok ka na din, masyado nang malamig dito" sabi nito.
"sige, mauna ka na, may tatawagan lang ako sandali" aniya. tumango lang ito at naglakad na papasok sa building ng eskwelahan nila.
naiwan syang napapangiti habang kapit ang panyo na pilit nitong inabot sakanya knina.
may karamay na ang librong isang taon na ding nakatago sa drawer niya.
BINABASA MO ANG
My Life
Teen Fictionthis is my comeback kind of work. about the life of an unloved girl my inspiration is the song "Buko" by Jireh Lim.. hence the title.