STEPHANIE'S GRADUATION
"congratulations steph!" nakangiting bati ni chi san sakanya.
napangiti sya nang makitang halos mawala ang mga mata nito sa pag ngiti sakanya, she always find him cute, pero hanggang duon na lang yun. mahal nya ito bilang kaibigan at sa hinaba ng pinagsamahan nila, di na yun mababago pa.
dali dali nyang nilapitan ito para yakapin ng mahigpit. ilang buwan na rin mula ng huli nya itong makita. nuong huli nya itong makita ay masaya na ito sa piling ng bago nitong nobya.. hindi natuloy ang kasal nito dahil pinanindigan nito ang sariling kagustuhan.
"ang higpit naman masyado nun." kunwari ay reklamo nito.
lalong lumuwag ang pagkakangiti niya.
"style ka pa, eh gustung gusto mo naman kapag niyayakap kita! asan na ang reagalo ko?" biro nya dito. kakatapos lang ng graduation ceremony nila. nalate ito sa sinabi nitong aabutan pa nito ang speech nya bilang veledictorian pero hindi ito umabot.
"nasa kotse. mamaya na yun.. kwentuhan mo nuna ako, nakailang boyfriend ka na?" anito bago sya inakbayan patungo sa labas ng bulwagan.
"Boyfriend?? ikaw pa nga lang ang last ko eh" nakangising sabi nya dito.
natatawang ginulo nito ang kulot na buhok nya.
"hindi ka talaga marunong lumandi ineng" anito.
"ang sagwa naman kung may mahal akong iba tapos lalandi ako." katwiran niya.
"haay.. kaya nga ba di kita sineryoso nuon eh, alam kong sasaktan mo lang ako. dahil dyan libre mo kong dinner steph, icelebrate natin ang graduation mo. namiss kita eh" anito bago binuksan ang passengerseat ng kotse nito.
naiinis na hinampas nya ang balikat nito.
"ang kapal ng mukha mong koreano ka. late ka na nga dumating, nagpapalibre ka pa ng dinner. ihatid mo na lang muna ako sa tagaytay, naghihintay sina mommy dun. dun ka na lang din mag dinner!" aniya bago sumampa sa sasakyan.
" yan ang sinasabi ko sayo steph. sige, miss ko na din naman ang luto ni tita."
____________________
"hindi ba dadating si miguel tonight?" bulong ni chi san sakanya habang kumakain sila ng dinner.
malungkot na umiling siya.
"nasa vietnam daw sya nung huling tawag nya.. babawi na lang daw sya sakin pag uwi nya." katulad ng sinabi sakanya ni miguel nung prom nila, naging matalik na magkaibigan sila ng lalaki. kahit na grumaduate na ito eh hindi sya nakakalimutan nito.
"ano namang ginagawa nya sa vietnam? nagpapa yaman?" sarkastikong tanong nito sakanya.
"ewan ko, kailangan nya ata yun sa thesis nya, dun pa sya nagkaproblema kaya di sya naka grad ngayon sem eh." pagtatanggol nya sa kaibigan.
"ang susyal naman masyado ng thesis nya.." dagdag na sabi pa nito.
inirapan nya lang ito.
nagkibit balikat na itinuloy na lang ng lalaki ang pagkain.
bago matapos ang hapunan ay tumunog ang cellphone nya.. kumabog ang dibdib nya ng mabasa ang pangalan ng caller. nag excuse sya sa mga kasama nya sa mesa at sinagot ang tawag.
"hello?" bati nya dito.
"congratulations steph!" masiglang bati sakanya ng lalaki
"salamat! nasa vietnam ka pa?" masayang tanong nya dito
"oo eh. mukhang matatagalan pa ko dito. im sorry. mukhang masisira ang pangako ko sayo na sabay tayong mag kecreative writing." malungkot ang tinig na sabi nito.
BINABASA MO ANG
My Life
Teen Fictionthis is my comeback kind of work. about the life of an unloved girl my inspiration is the song "Buko" by Jireh Lim.. hence the title.