Chapter Twelve

20 0 0
                                    

"andito ka pa rin??" nagugulat na tanong ni stephanie kay miguel nang paglabas nya ng kwarto ay abutan nya ang lalaki na nakakunot ang noong naghihintay sa sala.

"ang tagal mo sa loob ng kwarto tapos yan lang dala mo?" imbis na sumagot ay tanong nito habang nakaturo sa maliit na shoulder bag na dala niya.

nagkibit balikat lang siya. mSlas matagal pa kasi ang pinag isip nya kesa sa sa paghahanda ng mga gamit.

"aalis na ba tayo?" tanong nito.

"sabi ko naman sayo, hindi ako sasabay sayo. may dadaanan pa ako" inis na giit nya dito.

"wag ka nang matigas ang ulo steph. kanina pa kita hinihintay dito. ang tagal mo sa loob tapos yan lang pala dala mo. ano ba ginawa mo? natulog?" may bahid na ng inis at pagkainip ang tono ng boses nito.

"teka nga muna, sinabi ko bang intayin mo ko?? pinapaalis na nga kita kanina di ba? sinabi ko na sayong may dadaanan pa ko di ba?" sagot nya dito.

"basta isasabay na kita" giit na sabi na din nito. akmang aabutin nito ang bitbit niyang bag pero iniiwas nya iyun dito.

nagkatitigan sila. nakakunot nuo pa din ito kita ang pagkainis sa mga mata.

"miguel pleasee.." di na nya napigilan ang itinatagong damdamin.. hindi pa nya talaga kayang makasama ito.

lumambot naman ang ekpresyob ng mukha nito nang makitang nanlambong ang mga mata niya

"steph.." tila napapagod na sabi nito

"hindi ko pa kaya ang makasama ka ng matagal." nakatungo at mahina ang boses na sabi nya dito.

"all right. i understand. uuna na ko. but pleasee. be there bago magdilim. at mag iingat ka." sumusukong sabi nito sakanya.

hindi tumutunhay na tumango lang sya sa sinabi nito.

nadinig nya ang mga papalayong hakbang nito, at nang bumukas ang pinto.

"and steph.." maya maya ay pahabol nito.

napilitin syang tumunhay at nilingon ito. kapit ang seradura ng pinto ay nakatingin ang mga mata nito sakanya. puno ng pagsuyo at pananabik ang mga iyon

"i miss you.." mahinang sabi nito

--------------------

tahimik na idinuduyan ni stephanie ang sarili sa ilalim ng puno. kasalukuyan syang nasa parke di kalayuan sa tinutuluyan nya. wala naman kasi talaga syang pupuntahan tulad nang dahilan nya kay miguel kanina. di lang talaga nya kayang makasama ito sa byahe pauwi sakanila. kaya naman nagpapalipas na lang sya nang oras ngayon sa parke

"i miss you.." naalala pa nyang sabi nito sakanya.

mabilis na tumibok ang puso nya pagka alala pa lang sa mga katagang binitiwan nito sakanya kanina. pero ayaw na nyang umasa pa.. alam niyang mahal na mahal ng lalaki si margareth at simula pa lang ay hindi na sya kayang mahalin nito tulad ng pagmamagal nito sa babae. mahal din siguro sya nito pero hindi sa paraang gusto niya. masakit, syempre.. pero ano pa ba ang magagawa niya? alangan namang ipag pilitan na naman nya ang sarili dito. pinaglaban na nya ang pagmamahal nya pero sa huli ay talo pa rin sya. tama na siguro. baka ikamatay pa nya ang labang iyon. naaalala pa nya nuong ipagtanggol sya ni margareth sa harap ni miguel. genuine ang nakikita nyang pag concern sa mga mata ng babae habang pinagtatanggol sya nito. halos hikain na kasi sya kaiiyak sa harap ng galit na galit na si miguel. pero walang pakialam ang lalaki sa kondisyon niya. galit talaga ito. at nuon lang nya ito nakita na magalit ng ganuon. sakanya pa. masakit. isa iyun sa pinaka masakit na nangyari sa buhay niya. ang masabihan sya ng taong mahal na mahal nya na isuko na ang pagmanahal nya dahil kahit kailan ay hindi sya mamahalin nito katulad ng pagmamahal nito kay margareth.

hindi nya namalayang tumutulo na pala ang mga luha niya.. natatawang pinahid nya ang mga iyon. tama na ang pagpapaka tanga. di pedeng habang buhay ay masasaktan na lang sya. panahon na naman siguro para sumaya sya at lumaya sa alaala ni miguel.

humugot sya ng malalim na hininga at tumayo sa swing dala ang panibagong lakas ay lumakad na sya palayo bitbit ang bagong pag asa para sa hinaharap

My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon