Chapter Six

39 0 0
                                    

"If I could.. then I would I'll go wherever you will go"

dinig ni stephanie ang boses ng kumakanta bago pa man sya pumasok sa loob ng bulwagan.

she take a deep breath first before she enter when she heard the familiar voice

"sinusundan mo ba ko??" iritadong tanong sakanya ni miguel. mula sa dilim ay namataan nya itong lumabas, kunot na naman ang noo nito.

awtumatikong sumimangot ang mukha nya ng madinig ang sinabi nito.

"bakit naman kita susundan?? artista ka ba??" masungit na sagot nya dito.

lalo syang nainis ng malakas na tumawa ito.

"youre really funny stephanie" naaaliw na sabi nito.

again her heart beats fast. this is the third time he called her by her name.

'stephanie! ang landi mo talaga. wag kang mag ilusyon! at pede ba, wag mong bilangin ang bawat bilang ng pangalan mo lumalabas sa bibig nya!'

nang hindi sya magsalita ay tumalikod na ito sakanya.. naglakad ito palayo, papunta muli sa puno na kinakapwestuhan nila kanina. nanatili syang nakamasid dito.. sadyang magulo minsan ang isipan nito.

nagulat sya nang muli syang lingunin nito.

"halika.. mag lakad lakad muna tayo.. ang boring sa loob eh." kaswal na yaya nito sakanya na tila ba matagal na silang magkakilala.

nagulat sya sa paanyaya nito. parang kanina lang ay napaka sungit nito sakanya. siguro kung nuon sya niyaya nito na lumakad ng sabay ay nagtatalon na sya sa tuwa at agad na kikilos, pero hindi ngayon, ngayon na broken sya dito.

nang hindi sya kumilos papunta dito ay lumapit ito sakanya, sabay abot ng kamay nya at marahang hinila sya paglalakad, wala syang nagawa kundi magpaigiya dito.

lalong bumilis ang tibok ng puso niya.. tahimik lang silang naglalakad. nakapamulsa ang isang kamay nito sa itim na slacks na suot habang hawak naman nito ang isang kamay nya.

hindi sya makapaniwala, parang panaginip lang ang lahat. nakatingin sya sa magkadaop na palad nila. habang naglalakad, ay dinig nya ang mabining tugtog sa loob ng bulwagan kung saan ginaganap ang prom nila. ramdam nya ang mainit na palad nito sa kamay nya. at alam nya, habang buhay nyang maaalala ang init na iyon sa buhay niya.. ilang taon man ang magdaan. dahil aaminin nya, hanggang ngayon ay mahal na mahal nya ito. lalo pa ngayon na binibigyan sya nito ng mga ala ala na babaunin nya mamaya hanggang sa pag uwi.

I want to stand with you on a mountain.

I want to bathe with you in the sea.

I want to lay like this forever.

Until the sky falls down on me

dinig nya ang bawat liriko ng tugtog sa loob, tila angkop lang iyon sa nadarama nya ngayon.

nang tumigil ito sa paghakbang ay napatigil din sya. nang tingnan nya ito ay nagtama ang mga mata nila. tila nailang na binitiwan nito ang kamay nya.  ilang segundo pa lang ang nakakalipas ay tila nangulila na sya sa init ng kamay nito.

"Im sorry." anito "baka magalit ang boyfriend mo" patuloy nito at nagiwas ng tingin.

"huh??" hindi pa rumehistro sa isip nya ang tinuran nito.

"sorry.. di ba boyfriend mo si chi san?? hindi ko dapat kinapitan ng ganun ang kamay mo." kaswal na sabi nito. bago nagpatuloy sa paglalakad.

shit! nakalimutan nyang may boyfriend sya pero nakikipag holding hands sya sa ibang lalaki! ang landi nya talaga.

My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon