Chapter 6

86.3K 3.8K 3.4K
                                    

Ilang linggo ang lumipas at kaming dalawa ang naging hot topic sa lahat ng strand. Even our teachers were shipping us. All of them are purposely putting us in one group every activity or reporting!

Hindi nagustuhan ni Ms. Berondo ang naging daloy ng reporting namin sa subject niya. Maliliit daw ang sulat sa visual aid at hindi brief ang explanation.

"Leigh, kanino ka?" Darwin asked loudly.

"Kay Zachary 'yan, uy!"

"Yieeeh."

"Kay Zach lang luluhod!"

I looked at them with baring teeth. My middle finger found its way to Darwin.

Wala na naman kaming klase sa English dahil may emergency meeting ang mga teachers. We were divided into groups to finalize our visual aids for tomorrow. Naka-Indian sit sila sa lapag samantalang ako ay nakatayo lang at pinanonood sila.

"Leigh, mangangawit ka," puna ni Zach.

"Umupo ka Leigh, ayaw ni Daddy Zach na nangangawit ka," buyo ni Clarisse, isa naming groupmate.

"So? Ayoko nga, I don't need dust on my skirt."

Every time they will ask me to sit, tinatarayan ko lang sila. Mas okay na mangawit ako kaysa madumihan ang palda ko. Palibhasa kasi sa kanila, sanay na sa dumi.

Zach looked distracted while discussing the topic to the group. Maya-maya ay tumayo na ito at kinuha ang upuan ko para buhatin papuntang likuran.

"Umupo ka. Matagal 'to, mangangawit ka talaga."

"Let our response be . . ."

"Sana all!" They said in chorus.

I couldn't hide my frustration every time they will tease us, but Zach seems to enjoy it.

"Leigh, I'll assign you in discussing the example. Kahit isang halimbawa lang ng hasty generalization. Ang mahalaga ay tama at madaling maintindihan."

"Zach may favoritism ka, ang hirap ng sa amin pero kay Leigh, example lang," pabirong sabi Clarisse.

"Anong ganap ang gusto mo? Taga hawak ng manila paper?" ani Jason.

"Lipat ka kila Darwin, tagalipat ng slides," si Leah.

"Kung nahihirapan pa kayo sa binigay ko sa inyo, I'll just send some key points later, aralin niyo na lang."

"Char lang, alam naming ayaw mong napapagod si Leigh. Understable naman, Zach."

Clarisse won't stop bringing up my name! Galit rin siya kay Marie kaya obviously mas gusto niya ako, pero nakakainis pa rin siya. At bakit ang lapit-lapit ng mukha niya kay Zach? Isang daliri na lang, mahahalikan na niya ang lalaki.

"About sa visual aid natin, ako na ang magsusulat mamaya. Ako na lahat, para mas maayos at iisa lang ang estilo ng sulat. Aralin niyo na lang ang mga naka-assign sa inyo and be ready for questions tomorrow."

Visual aid namin manila paper? Ang cheap naman no'n. Sila Xyrene ay gagamit ng PowerPoint at ikokonekta sa TV this time. Ganoon na din ang ibang groups, tapos kami papel lang ulit?! No way.

"We can't use manila paper again, that's so cheap."

"Hindi naman ang material ang importante, Leigh. The content matters the most."

"Kahit pa, nakakahiya mag-report na ang gamit ay six pesos na papel. Just make a PowerPoint, Zach."

"Wala pa akong laptop, Leigh. I can only provide SIX PESOS PAPERS for now."

"I'm not asking you to buy one, ask your parents to buy one for you! You're not thinking."

Palipat-lipat lang sa amin ang mata ng mga kagrupo namin. Simpleng bagay ay pinagtatalunan namin.

Beneath the Two | Academy Series #1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon