Chapter 25

68.5K 2.3K 1.5K
                                    

"Mr.Javier and Ms. Valdez, kailangan na kayo sa office. Nandoon na ang mga photographer," ani Ms. Berondo.

Xy and Zach will do a photoshoot today for a school advertisement. Nagkaroon ng botohan ang mga estudiyante. I was nominated but I requested my name to be remove dahil alam ko namang hindi ako mananalo.

"I'll see you later," baling ni Zach sa akin bago lumabas.

"Nakakamatay ang selos, sis. Walang gamot para riyan," ani Yelah.

"Bagay sila, 'noh?" I asked her.

"Huwag ngang kung ano-ano ang sinasabi mo, sabunutan kita, want mo?"

"I have a question, answer me honestly. Kung hindi mo ba ako kaibigan at nalaman mong may gusto si Xyrene kay Zach, boto ka sa kaniya?"

Hindi siya kaagad nakasagot kaya inunahan ko na.

"Don't say it, I already know your answer."

"Ewan, basta boto ako sa taong gusto at mahal ni Kuya," sagot niya pa rin. "Ano ba kasing kagagahan ang pinag-iiisip mo?"

"Everyone says Xy suits Zach the most. I'm sure you saw some posters on the freedom board."

Hindi ko alam kung paanong nalaman ng lahat na kami na ni Zach. We aren't private, pero hindi rin naman namin pinangangalandakan ang relasyon namin.

"Huwag mo na lang pansinin, wala naman silang ambag sa buhay mo. Remember!"

Ilang linggo akong hindi pinapatulog ng puso ko. Pain varies every day. There were days it's tolerable, sometimes, it's too much.

Nights became long and cold. Kinakapos ako sa paghinga madalas, hinihingal sa mga simpleng gawain at parating may kirot sa dibdib ko.Few steps and I'm feeling weak. Short distance and my feet will tremble.

It's scaring me, to the point that I don't want to sleep anymore, because I'm afraid that I won't be waking up the next morning. Hindi naman ako takot mamatay noon, but it's different now.

I'm starting to have dreams, I have plans in my mind now. I have someone I want to grow old with. I have new reasons to live.

Hindi ako pinatutulog ng mga bangungot. What if I die without doing all the things I want? What if I die not being able to see the people I treasure the most?

I kept it on myself. I don't want to tell my parents and I'm not planning to because they will surely call a doctor again. At baka sa pagkakataong 'yon, pahintuin na talaga ako ni Mommy sa pag-aaral.

Gusto kong tapusin ang Senior High kahit papaano. Isang semester na lang din naman. The year is almost over. December na naman.

If I found myself still feeling the same pain after graduation, then I'll tell them. For now, I have to endure this and pretend I'm doing good.

Nauna akong dumating sa school, wala pa sila Yelah at Zach. Wala pa rin si Idris kaya tahimik lang akong nakaupo sa seat ko.

"Guys, deadline na ng contribution for Christmas Party ngayong araw. Nakapamili na kami ng mga decoration, mag-aayos na lang tayo ng room. Ano? Pakuriputan ba tayo rito?" sermon ng treasurer namin kahit wala pa naman lahat sa room. May hawak itong panda ballpen at papel habang nag-iikot.

Saktong dumating si Idris kaya siya ang naunang siningil ni Hannah. Hinihingal pa ang lalaki nang ibaba ang bag niya sa katabi kong upuan.

"Idris, one fifty pesos mo," ani Hannah.

"Anak ng tokwa naman, kararating ko lang. Mamaya na ako," reklamo ng isa. Nagpupunas pa ito ng pawis na animo'y tumakbo ng marathon.

"Ngayon na, kahapon ka pa mamaya nang mamaya, hindi ka naman nagbabayad. Kapag sa inuman, yabang mo mag-ambag"

Beneath the Two | Academy Series #1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon