Chapter 4

84.4K 4.1K 2.6K
                                    

Spoiled brat, holy terror, little monster, snotnosed kid . . . Marami pang iba.

I lost count of how many adjectives people use to describe me. They don't hurt me though, because I know in myself that I'm not a kind person, not even close to reasonable.

I get what I want. I don't need to ask for something twice. At oo, spoiled na kung spoiled dahil nag-iisang anak lang naman ako.

Beyond from being a grandiose, I'm not an Orocan na makikipagplastikan para purihin ng ibang tao.

I say what's on my mind. When people found out that I have a heart deficiency, they couldn't believe it. Of course, they probably thought I would be a weak, quiet, kind, and angelic person so I can live longer.

For eighteen years, no one called me out. Natatakot sila, natatakot sila na baka makasama sa akin at masisi pa sila. Sino ba naman ang papatol gayong kaya ko silang bayaran? I can pay for their lives so no one ever said how worst my personality was . . . Until today.

"Are you expecting me to cry just because you called my character a trash?"

Zach remained at my front with his dark aura. Kanina pa kami pinapatigil ni Xy pero walang nakikinig.

"Hindi, Leigh. I'm expecting you to apologize. Hindi dahil mayaman ka ay puwede mo na maliitin ang mga kapus-palad."

I chuckled a bit, tilting my head to the side.

"Come on, Zach. I know you're poor too, that's why you're siding her. Just let it go, hindi naman ikaw ang pinariringgan ko."

Mariin siyang napapikit at kumuyon na rin ang palad. He probably want to hit me now or to knock me out. Hindi niya magawa, bakit? Because I'm a girl? I'm younger than him?

Nadismaya ako nang sa halip na patulan niya pa ako ay humarap ito kay Marie. Malamlam ang hitsura niya at kumalma ang palad nang kausapin ang impakta.

"Marie, ako na ang hihingi ng tawad. I'm sorry you have to deal with a kid."

Mariin akong napasinghal sa sinabi niya. "Kid? I'm not a kid."

Mas nag-init lang ang dugo nang nakita ko kung paano magliwanag ang mukha ni Marie na para siyang nanalo sa lotto.

"If you're not a kid, then grow up, Leigh. Hindi 'to Elementary, Senior High ka na. You should act like one," ani lalaki bago bumalik sa puwesto niya kanina.

"Mayabang!" Iyon na lang ang nasabi ko dahil nawalan ako ng salitang ipambabato sa kaniya.

"Gaga ka, over the belt 'yung sinabi mo kay Marie. Huwag kang maingay, pero agree ako sa 'yo." Pumunta sa likuran ko si Yelah at pabulong iyong sinabi

"Okay na. Tapos na ang play. Puwede na siguro tayong pumunta sa gym kasi tayo na lang ang wala?" Xy sarcastically asked.

Hindi ko magawang magtaray sa kaniya. I just ignored what happened and went with the flow. Naiinis pa rin ako na kinampihan ni Zach si Marie pero hindi 'yon dapat ikasama ng loob ko.

We came late so there was no seat left for us. May ilang estudyante na rin mula sa kabilang strand ang mga nakatayo. Gusto kong sisisihin si Marie, nahuli kami dahil sa kaniya. Oo, dahil sa kaniya. Kung hindi nalang sana siya nag-exist mas maayos ang mundo!

Hindi na umayos ang gusot kong mukha mula kanina. Nanririndi lang akong makita si Zach na i-comfort ang nag-iinarteng biscuit.

"May lahi ba kayong langaw, Yeh?" I asked out of annoyance.

"Isa pa, Leigh, papatulan na kita. Wala kaming lahing langaw."

"Then why is your cousin sticking with a poop? Mas mabuti pang hindi mo na lang siya pinsan."

Beneath the Two | Academy Series #1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon