Chapter 1

143K 4.3K 2.5K
                                    

"Ma'am Angel!"

Mariin akong napapikit nang lingunin ko ang maid namin. I already told her not to call me that way. Masyadong banal ang Angel para sa 'kin.

"Please call me Leigh or Jariyah. I already told you how much I am disgusted with that nickname."

Kinamot niya ang batok na animo'y nakalimutan ang bilin ko. Araw-araw ko na ngang sinasabi, hindi pa rin siya masanay-sanay.

Mabait pa nga ako sa kaniya kung tutuusin dahil unang buwan niya pa lang dito. Iyon ay bukod sa dahilang mukhang hirap siya sa buhay. Siguro, iyon ang rason kaya niya tinanggap ang trabaho kahit pa sinabi na ni Mommy na matigas ang ulo ko.

"What is it?" I asked as I fixed my hair.

"I-Ibinilin po kayo ni Ma'am, huwag niyo raw po kakalimutan inumin ang mga gamot." Banayad ang kaba sa boses niya.

Ngayon pa lang, alam ko nang hindi siya tatagal dito. Boses ko pa lang nanginginig na siya. Kapag pinakitaan ko 'to ng attitude, resign to.

"B-Baka raw po makalimutan niyo."

"Of course, I won't. Unless I already accepted defeat and decided to be a lifeless body. Isa pa, daily routine ko na 'to since birth. Ang mag-binge ng gamot! Paano ko makakalimutan?"

I was born with a heart defect. I have a Tetralogy of Fallot, a Congenital Heart Disease. There's a narrowing stenosis above my pulmonary valve that partially blocks the flow of blood from the right side of my heart to my lungs. It is the main reason kung bakit kailangan kong limitahan ang sarili ko sa mga physical activity.

I was a blue baby. I had open heart surgery at the age of three and I've been taking medications for eighteen years since birth. Pwede na akong magtayo ng botika sa loob ng tiyan ko.

"Nainom ko na lahat so please do not babysit me. I'm eighteen. I don't need anyone to remind me of everything that I need to do to stay alive." I rolled my eyes for the second time when her head dropped.

Sana hindi na lang siya tumuloy rito. Hindi uubra sa akin ang mahihina ang loob. Ako na kasi ang nagsabi kay Mommy na ayoko ng katulong. I don't care if no one is around. Mas masaya pa nga ako kapag walang tao sa baha. But for Mom, kailangan ko raw 'to para may titingin sa akin kapag nasa trabaho sila.

Like what am I? A toddler? I get that I'm sick, I just don't understand why is she afraid to lose me? Takot ba siya mawalan ng sakit sa ulo?

Inirapan ko ang babae at pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit. It's still early so I checked my things.

Kinailangan kong palitan ang bag ko dahil hindi ito match sa outfit ko, but I ended up changing clothes too. Hindi pa required na mag-uniform so this is the perfect time to flaunt my designer clothes.

I wore a tweed checkered mini dress over my basic white sleeves and paired it with cream suede sandals. I'm ready to go.

I have two separate bags. Ang isa ay laman ang mga gamit ko sa pag-aaral samantalang ang isa pa ay ang sandamakmak na gamot.

Every day, I have to swallow shits to keep my body going. My health condition worsens every passing year, but I don't care. Akala nga ng iba hindi na ako aabot ng fifteenth birthday ko and yet I'm pretty alive!

I'm eighteen now. Surprise, bitches!

The doctor advised me not to proceed to Senior High School because it might cause stress. Ano naman ang gagawin ko kung hindi ako papasok sa eskuwelahan? Magbilang ng butas ng skyflakes? Alamin kung ano ang nauna sa itlog at manok?

"Heck, itatanong ko na lang kay San Pedro kapag namatay na ako."

Iyon ay kung sa taas ako mapupunta. My Mom might've thought naming me after the word angel would save me.

Beneath the Two | Academy Series #1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon