Chapter 12

78.8K 2.8K 1.5K
                                    

"Bakit pala kayo nagpunta rito?"

Hindi pinansin ni Zach ang depensa ko sa sinabi. He didn't look convinced when I said it was an accident.

"Kasi itong si Leigh, biglang sumugod sa bahay. Hindi naman puwede sa amin ngayong araw kaya pumunta na lang kami sa bahay mo. Ayos lang naman kung doon muna kami, 'di ba?" ani Yelah.

He slowly nodded before glancing at me. "It's fine with me, but I'm not sure if Leigh would be comfortable there. Hindi pa ako nakapaglilinis ng bahay," aniya.

He sounds like he's nervous for me to see the insides of his house. Siguro dahil alam niyang maarte ako kaya niya iyon nasabi.

Hindi ko agad napansin ang tingin sa akin Yelah dahil sa kalutangan. I'm still embarrassed by what I said earlier that I didn't notice she was elbowing me.

"Ano? Ayos lang daw ba sa 'yo?"

"Do I look like I have any option? Okay na 'ko, kahit saan. I just want to stay away from our home for a day."

Zach's face tilted a bit to get my attention. "Tumakas ka ba sa bahay niyo, Leigh?"

Tumakas ba ako? Hindi naman nila ako binawal. Hindi lang nila ako nakitang umalis dahil busy sila, pero hindi rin ako nagpaalam.

I shrugged. "Medyo?"

Kumunot ang noo ng lalaki at iniwan kami. Nagpaalam ito sa mga kasamahan bago bumalik sa amin.

"Hindi ka dapat umaalis nang hindi nagpapaalam."

"Wala naman silang pakialam, Zach."

Iinali niya ang t-shirt sa palapulsuhan niya at ang kabilang dulo sa akin. He pulled me using that. Maybe... because he's dirty? Ayos lang naman sa akin madumihan minsan.

"Ihahatid na kita sa inyo. Baka mag-alala ang magulang mo sayo," he said as he lead our way.

Inalis ko ang pagkakatali ng t-shirt niya sa palapulsuhan ko at lumayo. "I don't want to go home, Zach. Kung ayaw mo ako sa bahay mo, then fine. I'll just leave and go somewhere else."

Padabog akong naglakad palayo sa kanila. I heard Yelah call me, but I didn't turn to see her. Halos hikain na nga ako sa bilis ng lakad ko, pero naabutan niya pa rin ako.

"Leigh, huwag kang pasaway. Baka hinahanap ka na ngayon ng parents mo," matigas niyang sabi.

Who would notice I'm not home? They wouldn't know I left. Maid ko lang din naman ang pinapapunta nila sa kuwarto and I already set up my pillow to look like there's someone sleeping on my bed. "They won't look for me, Zach."

"Hindi pa rin maganda ang hindi nagpapaalam. Umuwi ka muna at magpaalam. Ihahatid kita para kapag pinayagan ka ay isasama kita pabalik," aniya.

That sounds tiring. Kaya nga ako hindi nagpaalam dahil hindi ako papayagan. Hindi ko siya pinapansin at patuloy lang ako sa paglalakad. Lumagpas na kami sa bahay niya ay naglalakad pa rin ako.

"Can't you just stop following me if you will keep insisting that I should go home?"

"How can I stop following you when you're taking the wrong direction?"

Nahinto tuloy ako, dahil totoong hindi ko na alam ang daang nilalakaran ko ngayon. "So what? Hayaan mo na lang akong maligaw!"

He made a tsk sound before pulling me. I could even feel some grainy stuff on his skin but I didn't mind it. Mabigat itong naglalakad pabalik sa dinaanan namin kanina.

"What? Iuuwi mo ba ako? Kakasuhan kita ng kidnapping kapag sinakay mo ako sa sasakyan nang puwersahan!" I said hypothetically.

He didn't answer me as he walked. Bumalik kami sa bahay niya at naroon na si Yelah na nakaupo sa isang rocking chair sa terrace. Binitawan lang ako ni Zach nang makarating kami roon at agad na pumasok sa loob.

Beneath the Two | Academy Series #1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon