"Welcome back to hell,"
Sabay pa kami ni Yelah sa pagbasa ng nakasulat sa board. I'm sure Idris wrote that.
Usually, ganitong oras ay marami na ang mga estudiyante sa school, but since there's a mild rain right now, iilan pa lang kaming nandito sa room ngayon.
The first midterm of our last year in Senior High School was a storm. Kung noong grade eleven ay medyo chill pa kami, ngayon ay hindi na puwede ang pepetiks-petiks lang. I can't believe I finished the first few months. Nalusutan ko ang Accounting nang hindi 'yon lubusang naiintindihan at isang term na lusot na lang masu-survive ko rin 'to.
Napilit ko si Mommy na pag-aralin ako ng Senior High, but I can't beg her to enroll me in college anymore. Zach understands my parent's decision. My main plan when I stop is to support him in college.
"Gaga, ang lakas ng ulan."
Nasa corridor kami ngayon at pinanonood ang malakas na pagpatak ng ulan.
"Do you think classes will be canceled?" I asked, feeling a little worried.
"Huwag naman, sayang ang ligo ko. Punyeta, tulog pa sana ako hanggang ngayon."
"We can just call Zach to pick us here if ever, tapos kain tayo ng lugaw."
Nanunuyang tumingin sa akin si Yelah dahil seryoso at excited ko iyong sinabi.
"Sigurado ka bang hindi ka naka-drugs? Tatanggapin ko naman kung sasagot ka ng oo, Leigh."
"I'm serious!"
Malakas ang pagkakasigaw ko sa mukha niya. The bitch even covered her nose as if my breath stinked.
"Bitch! I brushed my teeth with Theodent. It contains a compound called Rennou extracted from cocoa and which, they claim, is better than fluoride at repairing tooth enamel. Your Colgate sachet can't even relate!"
Sa haba ng sinabi ko, ngiwi lang ang isinukli sa akin ng babae. Hinawakan nito ang sentido at marahang minasahe.
"Ang dami mong sinabi, pare-parehas lang naman tayong nagkakatinga. Theodent o Colgate, nagsisipilyo ka pa rin kasi may tartar ka!"
"Whatever, Yelah, your toothpaste is cheap."
She laughed as she hit the railing of the corridor. "Theodent ang toothpaste mo, tapos mag-aaya ka lang kumain ng lugaw? Maglulugaw tayo?"
I rolled my eyes. "The chocolate lugaw is an exception. Masarap siya. It's cheap, but it deserves a compliment so-Yelah! Huwag mo nga akong tawanan."
Mas lumakas ang paghampas niya sa railing kaya ihinampas ko ang bag sa likuran niya. She's laughing too much, I want to slit her throat.
"Chocolate lugaw, amputa! Kailan pa nagka-flavor ang lugaw, Leigh? Hindi ako nasabihan."
"Ang bobo mo, Yelah!"
Siya 'tong lagi sa labas at madalas kumain sa kung saan-saan, pero hindi niya alam na may brown lugaw! She's stupid.
"So, what's the tea girls?"
Hindi pa nahihinto sa pagtawa si Yelah nang dumating si Idris at umakbay sa aming dalawa. He's newly cut and looking fresh.
"Idris, nakakakain ka na ba ng chocolate na lugaw? Saan makakabili no'n?"
Hindi ko halos maintindihan si Yelah, dahil bawat salita niya ay may kalakip na tawa. Gusto ko na lang siyang sampalinpara matigil na.
"It exists, Yeh!" naiinis kong sigaw dahil parang ayaw niyang maniwala. Binalingan ko si Idris na litong-lito sa pinagtatalunan namin. "You know the brown soup na mukhang lugaw? Then you'll add milk on top before eating? Idris, that exists, right?"
BINABASA MO ANG
Beneath the Two | Academy Series #1
RomancePUBLISHED UNDER LIB Lahat daw ng tao ay ipinanganak para sa isang misyon. Bago pa man tayo isilang ay may naghihintay ng hinaharap sa atin. Some people says it depends on us, that our purpose lies on our hands, chiseled by our own decisions. It was...