Chapter 24

62.3K 2.5K 1.4K
                                    

"What the hell is that? Eww!"

Lumihis kaagad ako nang muntik ay makatapak ako ng dumi. My whole body shivered just by looking at it.

"Ice cream ng mga diwata, mais flavor." Nagawa pang magbiro ni Idris.

I made a puking sounds while covering my nose. If I'm not holding my bag, I would cover my eyes too. This place is really disgusting. Dog's shits are everywhere, baka nga hindi lang dumi ng hayop ang mga nakikita namin. Hindi na ako magugulat kung malalaman kong dumi ito ng mga tao.

"Do you want me to carry you? Marami pa tayong madaraanan," si Zach.

"I'm wearing sneakers, so it wouldn't be a problem. Keep walking."

"Baka mapagod ka. You're sweating already. Let me carry you."

"Hindi ako lumpo, Zachary. I can walk on my own. Don't mind me and keep going," I hissed.

We're on our way to the squatter area. Liblib ang lugar na ito at hindi pinapasok ng mga sasakyan kaya kanina pa kami naglalakad. I wanted this, I need to endure everything.

Sa distansiyang namamagitan sa amin ng mga nagkukumpulang bahay ay tanaw ko na ang mga taong naghahakot ng mga gamit, dahil susunod nang sisirain ang tahanan nila. Karamihan sa kanila ay pinanonood na lang ang nangyayari.

Some houses were already demolished. Nagkalat ang mga tao sa paligid, lalo na ang mga batang walang tsinelas. They're running around the area, barefooted. My eyes hurt just by watching them do that. Hindi ba sila nasusugatan sa paa?

Xyrene is walking in front of us. I told Zach that I wanted to see Marie and know what happened. Xy heard us, so she's with us. Even if I'm still a bit annoyed by what happened last Saturday night, I let her go with us because she knows this place well more than anyone else. Idris and Yelah are with us too.

After dismissal ay dito kaagad kami dumiretso. It'll be funny to admit now, but I realized that I'm really worried about that cheap biscuit. I couldn't sleep at night thinking why she just disappeared like that.

Naiinis ako na kabisado ni Xy ang lugar at parang sanay na sanay siya sa mga ganitong bagay kaya masama ang itsura ko. Walang pandidiri at pagrereklamong maririnig mula sa kaniya, kaya hangga't maaari ay pinipilit ko rin labanan ang kaartehan.

Gustuhin ko man na magpabuhat kay Zach dahil nangangatog na ang tuhod ko, pinipilit kong maglakad para tapatan ang ginagawa niya.

"Idris naman kasi, bakit kung saan-saan ka tumatae?" si Yelah.

"Maryelah ba ang pangalan?" ani lalaki. "Kung saan-saan ka naghahasik ng lagim, Yeh. Mahiya ka naman sa sangguniang kaasuhan." I don't understand what he said.

"Hey, let me carry you. Your knees . . ." Bumaba ang tingin ni Zach sa tuhod kong nanginginig na dahil sa pagod.

Pakiwari ko ay minamanmanan niya ang bawat galaw ko. Nagmamatigas kasi ako dahil sa inis kay Xy.

"Kaya ko pang maglakad." Tumanggi ako at mas binilisan ang pag-usad.

If Xyrene can, I can do it too. My insecurities towards her are enough.

"Leigh, bubuhatin na lang kita. Hindi mo na kaya," si Zach ulit.

"Stop dictating what I should do, just keep walking. I can do this," pagpupumilit ko.

"Kahit nanginginig na ang tuhod mo? Huwag kang makulit, baka kung ano pang mangyari sa 'yo."

Hindi ko siya pinansin. I kept walking, knees shivering until I felt hands on my waist, lifting me. Zach carried me in a bridal way.

Beneath the Two | Academy Series #1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon