Chapter 2

104K 4.1K 1.9K
                                    

"L to the E to the I, G, H. Sinong pikon? Leigh!"

Kanina pa ako inaasar ni Yelah matapos kong mag-iskandalo sa canteen dahil sa kayabangan ni Zach. Bumaba tuloy kami dito sa open field para ituloy ang naantala naming lunch.

"Are you sure he's your cousin? He's so full of himself."

He's just too assuming. Ang dami ko kayang admirers from other campus na mas gwapo sa kaniya, at hindi mayabang! Distracted because of him? Where did he get that? Okay na sana. He's offering kindness, pero dinagdagan pa niya.

"Baka nga naman concern lang si Kuya, Leigh. Tanggapin mo na yung notes."

Nang-aasar niyang inaabot sa akin ang yellow paper pero iniwas ko ang kamay ko. Isa pa 'tong si Yelah, wiling-wili siyang inisin ako.

"Ibalik mo na lang sa kaniya 'yan. I don't need it. Hindi ko rin naman babasahin."

"At saan ka naman kokopya ng lecture? Wala kang aasahan sa akin. Hindi ako nagsulat kanina."

"Internet, Yeh. May wifi kami. I can just search the lesson."

"Ikaw din, bahala ka. Baka sa discussion kanina kuhanin ang mga tanong bukas."

There's no chance I would take it no matter what. Parang gusto ko na nga lang din lumipat ng upuan. I don't want to sit beside a conceited person.

Hanggang matapos ang lunch ay bad trip ako. Hindi ko napangalahati ang sandwich dahil sa inis. I rushed Yelah to eat hers quickly for us to be back at the room earlier than the call time.

May ka-istriktuhan kasi sa oras si Sir Armie.Kapag late ka, hindi ka na makakapasok the whole class. What I like about him is he's a fun teacher. Maybe because he's not a straight person.

All eyes were on him as he wrote something on the board. Nasa introduction of accounting pa rin
kami hanggang ngayon.

"Ang three golden rules ng accounting, debit the receiver and credit the giver. Debit what comes in and credit what goes out. Debit expenses and losses, credit income and gain. Labas-pasok lang yan! Naniniwala naman akong magaling kayo sa labas pasok. Tama ba?"

Nagtawanan ang halos lahat ng lalaki sa klase. Palibahasa ay alam na alam nila 'yon. Clearly, we're all thinking of the same thing—dirty thoughts.

"Si Idris, Sir. Alam na alam" Darwin pointed at my seatmate.

"Hindi po, Sir. Inosente po ako."

Nakipagpalit ako ng upuan kay Idris dahil ayokong katabi si Zach. Baka masuntok ko pa sita. I was avoiding him as much as I can, not until we're paired for a task.

Surely, kismet knows how to piss me off.

I am forced to go back to my sit so we can brainstorm about the activity. May ilang accounts na ibinigay si Sir at aalamin namin kung debit ba iyon o credit.

The only debit and credit I know are cards, but I don't understand the concept. Aasa na lang talaga akong naiintindihan niya ang pinagkaiba ng dalawa.

"Let's work separately, tapos ipagkumpara natin ang mga sagot natin mamaya," suhestiyon niya.

Ayokong sabihin na hindi ko alam kaya umirap ako bilang pagpayag. I'm not yet familiar with the accounts. Ang alam ko lang ay ang prepaid expense na ipinang-aasar sa akin ni Marie ay asset at hindi expense!

I have no idea what are accounts receivable, accounts payable, wages, equipment, and furniture. I couldn't hide my frustration as I read all the accounts and terms.

Taking ABM is the most stupid thing I did.

Sabi ko kasi kay Yelah when we're still enrolling, makipagbardagulan na lang kami sa HUMMS. Sabi niya masaya raw mag-ABM dahil pag-aaralan namin ang pera. I hate that I followed her. I rather compete on a debate than do journal.

Beneath the Two | Academy Series #1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon