-Daniella
Tumango ako saka lumabas ng OSA. At nang makita ko sina Gian at Dane na naghihintay sa labas, napangiti ako kasi hinintay pa talaga ako. “Okay na.” Nilapitan ko sila saka ko ginulo parehas iyong buhok nila. “May two chances pa ako at kapag umabot na ako ng three, they have no choice but to kick me out.”
“And you still act like that kahit pinagalitan ka na dahil sa ginawa mo?” Umiling si Gian at bumuntong hininga saka ako inakbayan pero tinanggal ko iyon saka ako lumapit kay Dane. Tumingin muna siya sa akin, tapos kay Dane pero ibinalik niya rin ulit sa akin iyong tingin niya, na parang nagtatanong.
Tumabi ako kay Dane saka ko siya inakbayan kahit pa nakatingkayad na ako dahil matangkad siya. “May project pa kami and we have to practice dahil kapag hindi kami nakapagpasa ng cover namin kay prof Lano by this week, quarto kami – well, ako lang pala kasi wala namang problema si Daney sa music namin. Sadyang tutulungan niya lang talaga ako.”
Tinignan muna niya iyong braso ko na nakaakbay kay Dane saka itinapon ulit sa akin iyong atensyon niya. “So pupunta kayo sa music room?” Tumango ako. “Let’s talk later, okay?” Once again, tumango ako. Humakbang siya palapit sa akin saka ako hinalikan sa pisngi ng hindi man lang nakangiti. “Balik na ako sa Anex.” Tinalikuran niya na kami saka naglakad palayo at alam ko na naiinis na naman siya dahil sa selos.
Oh, brother.
Tinanggal ko iyong pagkakaakbay ko kay Dane saka tinignan iyong mga estudyanteng nakatingin sa akin habang nakatambay sa labas ng NSTP room. At bago pa man ako makapagsalita, hinawakan na ni Dane iyong braso ko kaya ngumiti ako’t tinignan siya. “Bakit?”
“I know what you’re thinking. Tara na at baka magstrike two ka na sa OSA.” Naglakad na siya habang hawak iyong braso ko kaya napasunod na lang ako sa kaniya.
Nang makapasok kami sa music room, na hindi masyadong ginagamit, umupo ako sa harap ng piano tapos tumabi naman siya sa akin dahil siya ang tutugtog. “Anong kakantahin natin?”
“Ikaw,” Tinanggal niya muna iyong cover ng keyboard saka ako tinignan. “Anong gusto… wait. I know a song but first, I’ll ask you something obvious.” Tinaasan ko siya ng kilay, telling him to go on. “You can do whistle tone and reach high notes, right?” Tumango ako and he said sample kaya humigop muna ako ng hangin then whistled and belted. “Good, I know you can pull this song off. Kaya lang duet ito.”
Duet?
“Duet?” Nakangiting tanong ko sa kaniya. “You’ll really sing with me?” He shrugged then played a song on the keyboard. “That’s new. Akala ko ba, ayaw mong kumanta?”
“In a crowded place, yes, ayoko. Pero since ngayon lang tayo nagkasama sa iisang room na tayo lang, I’ll sing.” Bumuntong hininga siya saka tumigil sa pagtugtog. “Buti na lang talaga at hindi ko namana iyong singing ability ni papa.”
I playfully punched him kaya napangiti siya gaya ko. “Astig kaya si tito. Pero yeah,” I resigned nang maalala ko iyong moments na kasama namin si tito habang kumakanta. “Buti na lang, marunong kumanta si tita Aira.”
“Yeah.” He laughed but stopped after a few seconds. “Kabisado mo iyong lyrics ng Almost is Never Enough nina Ariana at Nathan?”
“Oo naman. Favorite ko iyon, e.”
“Alam mo, you could be the next Mariah or Ariana dahil sa whistle tone mo. Now enough talking. Game.”
We sang two songs together at isang pasada lang bawat isa. The first one was Almost is Never Enough and the second one was Uptown Funk. Pero iyong Uptown Funk, ginawa naming rock version kaya sobrang saya. At sa ilang taon naming magkaibigan, I was surprised kasi marunong siyang kumanta. Sabagay, sobrang mellow naman kasi ng boses niya kaya hindi ko talaga inakalang marunong siya pero kahit pa ganuon iyong boses niya, ang cool kasi marunong siyang kumanta ng rock.