-Daniella
“Daniella!” Hindi ko nilingon ang tumawag sa akin dahil boses pa lang niya, kilala ko na. Wala akong ginawa dahil alam ko namang lalapit siya sa akin. Hindi ko kasi maialis iyong tingin ko sa gate dahil hinihintay kong dumating si Dane.
Sobrang naging emosyonal ako kagabi, siguro dala ng pagppms ko. At saka kasi, paanong hindi ako magiging emosyonal, pakiramdam ko, galit sa akin si Dane. Ilang beses ko siyang itinext tapos ang replies niya, puro blank message. Tinawagan ko siya ng isang beses. Oo, sinagot niya pero hindi naman siya nagsalita. Muntikan pa nga akong ngumawa kagabi kasi ayaw niyang magsalita, e. Buong gabi ko hawak iyong cell phone ni kuya dahil nakiopen ako ng Facebook tapos iyong panghihiram ko na iyon, walang napala dahil iyong ipinipiem ko, siniseen ako.
Magkano ginastos ko kagabi para lang macontact siya tapos ganuon lang? As in, para siyang kaluluwa nang tawagan ko, na kahit anong gawin niyang salita, hindi ko maririnig kasi kaluluwa na siya. Nakakainis na nakakaiyak.
May mga bagay na dapat kong pagtuunan ng pansin, tulad ng mga kumakalat na tsismis tungkol sa akin pero hindi ako kumikilos para malinis iyong pangalan ko. Like what I’ve said, wala akong pakielam sa iisipin ng iba sa akin.
Other’s doesn’t matter and whatever ang dalawa sa tatlong motto at mantra ko. Nabuhay akong walang pakielam sa nangyayari sa paligid ko, sa nangyayari sa mundo kaya bakit ko pag-aaksayahan iyong napakaliit na bagay na iyon? Ano naman kung iniisip nila na malandi ako dahil nagpapagamit – raw – ako nang nagpapagamit kay Gian? Ano naman kung iniisip nilang itinaob ni Gian si Daniella? Ano naman kung inaakit ko – raw – ang mga lalake sa buong campus? Hindi naman ako nasasaktan, e. Kung normal na tao siguro ako, baka hindi na ako nag-aral para makaiwas sa mga tsismis pero hindi, e. I consider myself weird – in a good way – kaya hindi ako naaapektuhan ng mga tsismis, kaya hindi ako nagpapaapekto sa mga tsismis na iyan. Tsimis nga, e – puwedeng walang katotohanan.
Alam ko na ang dapat ko lang naman gawin ay ang magpaliwanag kay Dane para maging maayos na ulit ang lahat, maging maayos na ako, kaya nga heto ako, naghihintay sa kaniya nang magkaliwanagan na kami. Alam ko rin na hindi naman maniniwala si Dane unless ako ang nagsabi kaya mas safe pa ako sa safe sa mga rumors.
Nangangati na rin akong umamin. Kating kati na ako umamin simula nang makita niya iyong eksena sa bahay nina Gabriel pero natatakot ako, e. Ang daming what ifs na umiikot sa isip ko. Ang dami ng possibilities na pinuputakte ang isip ko kapag umamin na ako. Fifty-fifty iyan, e. It’s either maging kami o hindi – plus, baka mailang siya dahil nga may gusto ako sa kaniya.
I can’t risk our friendship for that! Kaya bahala na, ako na lang ang maghihintay. Alam kong kaduwagan itong ginagawa ko, na playing safe masyado ako pero masisisi niyo ba ako? Si Dane iyon, e. He’s not just any guy. Si Ian Dane Eru iyon. Mahal ko iyon, e.
I don’t want to lose him.
“Tumabi ka diyan.” Marahan kong itinulak si Roxanne pagkahawak ko sa bewang niya para makita ko iyong mga estudyanteng pumapasok sa gate.
“Ano ba iyan,” Umupo siya sa tabi ko at napansin ko na ipinatong niya iyong bag sa hita niya. “Akala ko pa naman, ako na iyong hinihintay mo kasi pumayag ka na kahapon na magkaibigan na tayo. Sino ba kasi hinahanap mo? Iyong sinabi mo ba kahapon? Nakalimutan ko pangalan, e. Basta may Ian iyon. Siya ba iyong lagi mong kasama? Iyong kasama mong kumanta noon sa music room? Alam mo, ang galing niyo kumanta nuon. Kaya nga mas naging idol kita, e.”
Tinignan ko siya with a blank expression kaya itinikom niya iyong bibig niya. “Ganiyan ka ba talaga kadaldal?”
“Sabi nila, sobrang daldal ko raw pero sa tingin ko, hindi naman-”