10

1.9K 15 0
                                    

-Daniella

Akala ko, malala na ang nangyari kagabi. Ngayon, pakiramdam ko, tinakasan na ako ng buhay. Hindi dahil namatay na si Dane. Hindi iyon, e. Iba iyong ipinasabog na balita sa amin ngayon.

"Nawawala iyong katawan ni Dane!"

Dahil ang mga katagang iyan ang bumungad sa amin ni Gabriel pagkagising na pagkagising sa kaniya ni kuya. Sa lakas ng tono ng boses na ginamit ni kuya, pati ako, nagising na rin sa bangungot na naranasan ko.

Nang buksan ko ang talukap ng mga mata ko, medyo nasilaw pa ako dahil sa sobrang liwanag ng buong kwarto. Hindi naman nakapagtataka iyon dahil ang pader sa kanang parte ng kwarto ay salamin from floor to ceiling. Sure, hindi pa nakakaadjust masyado ang mga mata ko sa sobrang liwanag pero kitang kita ko ang lalakeng nakaupo sa kanan ko, na nakatitig sa akin habang nakangiti.

Hindi ko siya kilala - sigurado ako duon. At habang tumatagal, umaayos na ang paningin ko at mas nakita ko lalo ang itsura niya. Nakaramdam ako ng matinding takot dahil hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam na bumalot sa buong pagkatao ko habang nakatitig ako sa mga mata niyang itim na itim. Hindi ko makita ang buong katawan niya dahil sa mata, mukha niya lang talaga nakapako ang paningin ko pero gamit ang peripheral vision ko, kitang kita ko na nakat-shirt siya na kulay itim, na nag-angat sa kulay niyang sobrang puti. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko at para akong tinanggalan ng vocal chords dahil hindi ako makapagsalita.

Nakakakilabot ang ngiting nakapaskil sa mukha niya.

Parang hindi siya tao. I never get scared of anyone - kay kuya at sa pamilyang Eru lang, except kay Gabriel, siyempre. Pero itong taong nakaupo sa gilid ko, wala siyang ginagawa, nakatitig lang sa akin habang nakangiti lang sa tabi ko, pero kakaibang takot na ang nararamdaman ko.

Naramdam ko ang paggalaw sa kaliwang bahagi ng kama at ang kamay na nakahawak sa kamay ko. At kahit gusto kong tignan ang taong nakahawak sa kaliwang kamay ko, na alam kong si Gabriel, hindi ko maipihit paharap sa kaniya ang ulo ko. Nakapako lang talaga ang mata ko sa mukha ng lalakeng nakaupo sa tabi ko. Parang may kung anong pwersa na pumipigil sa akin para gawin iyon.

Nahirapan man, naigalaw ko pa rin ang isang kamay ko, na hawak ni Gabriel. Hinigpitan ko ang pagkakahawak duon, hoping na sana ay gumising siya pero hindi pa rin. The warmth radiating from Gabriel, plus his hand that held mine helped me kept my sanity at that moment kasi kung hindi, baka iyong lamig na nanggagaling mula sa lalake, sa titig nito, ang naging dahilan ng pagkabaliw ko dahil sa matinding takot.

I can't believe I'm going to say this pero laking pasasalamat ko dahil nasa tabi ko si Gabriel noong mga oras na iyon, na nakahawak siya sa kamay ko. Hindi ko nga lubos maisip na sa kaniya pa ako makakakuha ng comfort at lakas ng loob kahit papaano sa pagkakataong iyon, e.

I've known him for years kaya alam kong wala kang maaasahang kasweetan sa kaniya. Hindi na siya iyong dating Gabriel, iyong Gagab ko na sobrang sweet, na maaasahan, ayaw magmura, childish - proper boy kung baga. Ngayon, mas matigas pa siya sa diamond. Sabagay. Things change. Bata pa siya noon at ngayon, tumanda na siya kaya imposible talagang walang magbago. Iyong closeness nga namin, nagbago, iyong ugali niya pa kaya? At saka, lumaki siyang palabarkada kaya iyong nature na kinalakihan niya, iba sa nature na kinalakihan nina Dane at Chrissy. Plus, lalake siya. As far as I know, wild and adventurous ang mga lalake. They easily get bored kapag sobrang proper nila, except for Dane kasi ganuon siya. Kaugali niya si tito. Hindi tulad ng kuya niya na mahinhin, na bawat galaw, sinisiguradong maayos. At wala siyang kaalam alam na, surprisingly, he supplied me a lot of comfort. Ang buong akala niya, ako ang nagcocomfort sa kaniya, by letting him hold my hand pero ako talaga ang kinocomfort niya.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit parang walang pakielam ang mga kasama ko sa kwarto. Hindi ba sila natatakot sa lalakeng nakatitig sa akin? Hindi naman sa pangit ang lalake pero nakakatakot talaga siya.

Bakit Masarap Ang Bawal?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon