-Daniella
Everybody was really, really happy when they knew that Dane was alive. Tinanong ko, namin kay Dane kung paano nangyari ang mga bagay bagay at ang tanging sagot niya lang, palabas niya lang iyon, with the help of his friend. We were asking kung sino pero ayaw niya sabihin. Talagang idinadivert niya iyong topic.
Kalat na kalat na rin ang balita mapa diyaryo, tv, radyo, at social media sites dahil sa ginawa ng anak ng mag-asawang Eru. Siyempre, gumagalaw sila sa mundo ng showbiz kaya hindi puwedeng hindi mangyari ang pagkalat ng balitang iyon.
Maraming nagtataka, isama na ako sa bilang ng mga taong iyon dahil nawalan na talaga siya ng buhay noong mga oras na iyon. Nanduon ako, e. But even the doctors said na kasabwat sila. I don't know kung paano nangyari ang mga iyon, na parang planado na talaga. The hell, may mga nasaktan sa pinaggagagawa nilang palabas. Sa tingin ba nila nakakatuwa iyon? I almost ended my life nang dahil duon.
And how did Dane appear noong patalon na ako? It's like he magically appeared out of nowhere. Wala naman kasi siya noon sa rooftop, e. Ako lang talaga ang tao duon noong mga oras na iyon. Okay, isama na natin iyong misteryosong lalake at si Gabriel – na biglang nawala – pero accountable pa ba sila? I mean, hindi sila malapit sa akin. Nakalock iyong pinto, e. Kung galing siya sa loob ng hospital, then bakit hindi siya nakita ni Gabriel? Don't tell me, all along, nasa rooftop rin siya? Pero imposible talaga, e. Wala naman siyang pagtataguan duon. So how the hell did he appeared out of nowhere?
Tapos iyong katawan niya pa. Nakakagulat kasi ang alam ng lahat, ganuon naman talaga ang katawan niya. Even sa pictures at videos nito, may laman rin ang katawan niya. As in, hindi talaga siya mapayat sa kahit anong picture o video niya. Parehas na parehas na talaga sila ng katawan ng kapatid niya. Don't they remember na patpatin siya? Malaman naman raw talaga ang katawan nito dahil madalas raw ito sa Gym.
Gym? Dane? Hindi puwedeng pagsamahin ang dalawang salitang iyan sa isang sentence kasi hindi naman naggygym si Dane. Even Gabriel, na alam kong naggygym, sinabi na naggygym raw talaga ang kuya niya – kasabay pa nga raw ito minsan ng mga kabanda niya. Nasabihan pa nga ako ni Gabriel na nakashabu kasi kung ano anong sinasabi ko, e.
Iyong eyesight niya. Malabo iyong mata niya, sigurado talaga ako duon. Pero bakit ang sabi ng mga taong kakilala niya, namin, malinaw raw ang paningin nito?
Ako pa nga ang nasabihan na weird dahil kung ano ano raw ang sinasabi ko, na kesyo payat at nagsasalamin si Dane dahil malabo nga ang mga mata nito, na kesyo binubully ito dahil geek kung sa geek ang itsura nito noon. Nakakaloka kasi sa dami ng tanong na umiikot sa isip ko, pakiramdam ko, mago-overload na ang utak ko at sasabog dahil hindi matanggap ang mga nalalaman ko, ang mga naririnig ko mula sa iba.
Nandito kami ngayon sa bahay nila, at thankfully, Sunday ngayon kaya wala kaming pasok pare-pareho pero bukas, mayroon na. Actually, ako, kanina pa talaga ako nandito dahil sinabi ni tito na pumunta raw ako rito. Ewan, may sasabihin yata. Kararating lang nila galing sa isang press con. Ginabi na nga sila, e. As usual, dahil na naman sa issue na ginawa ni Dane at nuong kaibigan niya. Kasesettle lang namin dito sa salas, kami nina Dane, Gabriel, Chrissy, tito Uno at tita Aira. Iniisip ko nga, family gathering ito kaya pakiramdam ko, nananaba iyong puso ko kasi kabilang ako sa pamilya nila kahit hindi naman nila ako kadugo.
Nakaupo kami sa pahabang sofa at pinagigitnaan ako nina Gabriel at Dane. Gusto nga akong makatabi ni Chrissy pero ayaw makipagpalit ni Dane at Gabriel kanina. Kaya ayun, natahimik siya. Sabagay. Baka kasi magbangayan sina Gabriel at Dane kapag pinagtabi. Pauwi pa nga lang kami matapos akong idischarge, nagbangayan na silang dalawa, e. Buti kamo napatigil nina tita.
Kahit naman kasi ako, gusto kong pagalitan nang pagalitan nang pagalitan si Dane tulad ng ginawa ni Gabriel. Pinagsabihan kasi siya na bakit siya sumali sa isang grupo, na narinig ko pa, using the power of eavesdropping, na kalaban ng grupo ni Gabriel.