-Daniella
"Ang samang panaginip naman nito." Matawa tawang sinabi ko saka ko kinuha iyong bag ko. Tumayo ako't nilagpasan si Dane, na halatang nagtaka dahil nagsalubong iyong mga kilay niya.
Gamit iyong likod ng palad ko, pinunasan ko iyong magkabilang pisngi ko. Pinagtitinginan ako habang naglalakad papunta sa gate dahil kahit anong gawin ko, tulo pa rin nang tulo iyong luha ko. Wala akong pakielam kahit mukha akong tanga habang naglalakad dahil ang kailangan ko, matulog kasi alam kong pagkagising ko, makakaalis na ako sa bangungot na ito.
Kahit na naramdaman ko lahat ng sintomas ng in love sa taong iyon kanina, alam ko na hindi iyon si Dane, hindi iyon ang Daney ko dahil hindi ako magagawang saktan ni Dane kasi best friend niya ako at mahalaga ako sa kaniya. Binuo lang siya ng panaginip ko, ng bangungot ko kasi alam ng isip ko na gustong gusto ko laging nakikita si Dane.
Imposible talaga na totoo lahat ng ito kasi kung may paniniwalaan man si Dane, ako iyon at hindi iyong mga ebidensiya na ipinakita sa akin nuong taong iyon, nuong taong nanakit sa akin, nuong evil counterpart ni Dane.
Nakakaloko lang kasi kahit panaginip ito, o bangungot, nararamdaman ko pa rin iyong sakit dahil sa mga binitawang salita nuong masamang Dane na binuo ng isip ko.
Tinanggal ko iyong salamin ko pagkaupo ko sa pangdalawahang upuan sa bus. Pinunasan ko iyon saka isinuot ulit dahil namiss ko bigla iyong totoong Dane. Gaya ng sinabi ko, kapag namimiss ko siya, isinusuot ko lagi iyong salamin na ibinigay niya sa akin, which is itong salamin na suot ko ngayon.
Siguro mas maganda kung bigyan ko siya ng peace offering? Like some sort of food na ako ang gumawa. Tama. Gusto ko siyang bigyan ng peace offering kasi nakagawa ako ng masamang Dane sa panaginip na ito. Ang problema, hindi ko alam kung anong pagkain ang iluluto ko para sa kaniya tapos hindi pa ako masyado marunong magluto.
Mag-aaral na ako magluto para kapag naging girlfriend niya na ako, ipagluluto ko palagi siya kapag may extra akong pera nang sa gayon, hindi na siya maghanap ng ibang babae at para mas mahalin niya ako. Ika nga, a way into a man's heart is through his stomach.
Nang makauwi ako, wala akong nadatnang tao sa bahay. Gustuhin ko man na magluto na kaagad at pumunta kina Dane mamaya, dapat muna akong matulog dahil baka kung ano na naman ang mabuo ng isip ko. Baka pati sina tito, tita at Chrissy, magawan ko rin ng evil counterpart.
Umakyat ako sa kwarto ko saka ko inilapag iyong bag ko sa study table tapos iyong salamin, inilapag ko sa tabi nito. Kahit hindi pa ako nagpapalit ng pangbahay, nahiga na ako sa kama at pinilit matulog - na inabot ng kulang kulang isang oras bago ko nagawa. Nang magising ako, pakiramdam ko, okay na ako kasi nagising na ako mula sa bangungot na iyon. Pagkatayo ko, nakita ko iyong sarili ko sa full-length mirror sa likod ng pintuan. Nakaunifom pa ako. Baka hindi ako nakapasok kanina dahil sa sobrang antok ko at naiwan kong suot ang uniform ko. Sabagay, baka dahil sa kaiisip ko kay Dane kagabi kaya ako napuyat. No wonder hindi ako nakapasok dahil sa sobrang antok.
Pagkabukas ko ng pintuan, natigilan ako dahil sa naalala ko. Bigla ko na lang kasi naalala iyong napanaginipan ko - iyong pagngiti sa akin ni Dane pati na iyong pagsuot niya ng salamin sa akin. Isinara ko ulit iyong pintuan saka ko tinakpan iyong mukha ko ng dalawa kong kamay tapos sumampa ako sa kama't tumalon talon habang tumitili.
Grabe, pati sa panaginip ko, ang sweet niya. Kaya lalo akong naiin love sa kaniya, e. Mapa totoong buhay at panaginip, hindi nawawala iyong sweetness niya. Grabe!
Tumalon ako pababa sa kama saka itinigil iyong pagtili ko tapos kinuha ko iyong wallet ko't isinuot iyong salamin ko. Nang tignan ko iyong laman nuon, isang one hundred at bente na buo lang ang laman nuon - including my IDs at cards rin siyempre. Lumipad papunta sa pintuan ko iyong paningin ko dahil sa biglaang pagbukas nuon at nakita ko si kuya na nakatingin sa akin habang nakangiti.