12

1.4K 11 0
                                    

-Daniella

"Hmm..." Napakunot ang noo ko nang maramdaman kong may humahaplos sa mukha ko. Ang init na nagmumula sa palad niya ang pumapatay sa malamig na hanging nanggagaling sa aircon kaya isiniksik ko ang mukha ko duon. I focused on getting back to sleep pero napamulat ako ng dahan dahan nang bumaba ang haplos na iyon sa leeg ko. Wala akong makita dahil sa sobrang dilim at nang tignan ko ang bintana, nakababa iyong blinders kaya specs lang ng ilaw ang nakita ko mula duon. Gabi pa rin base sa nakikita kong mumunting liwanag na nanggagaling mula sa ilabas.

Biglang pumaibabaw sa akin iyong taong humahaplos sa mukha ko. Plano ko sanang itulak pero nang magsalita siya, nang banggitin niya ang pangalan ko, para akong naestatwa dahil sa gulat. Iyong boses niya, iba, masyadong malaki pero nanduon pa rin ang lambing at pangangailangan kahit pa paos ang tono nito.

"DC..."

Tumibok ng mabilis ang puso ko matapos niyang banggitin ang pangalan ko. "Daney?" Pabulong na pagtawag ko sa kaniya saka ko hinawakan iyong mukha niya pero kaagad niya itong tinanggal at idinikit sa kama. Hinawakan niya ang dalawang pulso ko at ang sunod kong naramdaman ay ang pag-iling niya sa ilalim ng dibdib ko. Iyong hita niya na lumalapat sa hita ko, ramdam na ramdam ko – at alam kong tulad kanina, nang makita ko siyang natutulog, wala pa rin siyang suot na kahit ano, bukod siguro sa brief. Kasi kung mayroon, bakit wala akong maramdamang tela na lumalaylay sa parting iyon?

Gusto kong makita iyong mukha niya. Gusto ko siyang hawakan pero paano ko magagawa iyon kung madiin ang pagkakadikit niya ng mga braso ko sa kama? Gusto kong itanong kung bakit siya nandito pero hindi ko magawa dahil parang gusto kong malaman kung anong sunod na gagawin niya. Ilang segundo kaming tahimik, tanging ang pahinga lang namin ang naririnig ko.

"DC..." Pagkuha niya ulit sa atensyon ko kahit na alam niyang sobrang dilim kaya ko siya makita. Tutugon na sana ako pero natigilan ako nang halikan niya ako ng madiin sa noo. Napapikit ako't napangiti dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam pero kakaiba iyong halik na iginawad niya sa akin. Pakiramdam ko, iyong halik niya ngayon, puno ng pagmamahal, hindi tulad ng mga halik niya noon sa pisngi at noo ko, puro friendly kiss.

Did he finally noticed me?

Gusto kong maiyak dahil sa naisip ko. Did he really noticed me, not as his best friend but as a girl he can spend his life with? Nagpakawala ako ng hangin saka hinulaan sa dilim kung nasaan ang mga mata niya. Gustong gusto ko makita ang mga iyon dahil gusto kong mabasa kung anong nararamdaman niya.

"A-Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko nang maalala kong nasa tabi lang namin si Gabriel. Baka kung anong isipin o sabihin nuon kapag nagising at nakitang nasa ibabaw ko ang kuya niya. Ang rumi pa man rin ng isip nuon. Sabagay, kahit sino naman na makakakita sa posisyon namin, mapapaisip ng maruming bagay.

Hinintay ko siyang sumagot pero tahimik lang siya. Magtatanong sana ulit ako pero hindi ako nakapagsalita nang hinalikan niya ang tungki ng ilong ko then he pressed his crotch on mine saka niya ibinaba ang halik sa pang-itaas na labi ko. "Please." Pakiusap niya saka niya ako tuluyang hinalikan.

I can feel his hardness through the thin fabric that's covering our private part kaya pakiramdam ko, bigla akong niliyaban ng apoy. He's dry humping me.

Halos sumabog ang dibdib ko dahil sa matinding sayang bumalot rito. Isang bagay lang rin ang naisip kong gusto niyang mangyari pero nakikiramdam pa ako dahil kung gusto niya nga iyon mangyari, I'll willingly submit myself to him because I really, really love him. Baka nga kung dati niya pa hiniling na mangyari ito, malamang ibinigay ko kaagad ang gusto niya, e.

I didn't kissed him back at hinayaan lang siya na magpakasawa sa labi ko. Gusto kong matawa kasi para siyang nafufrustrate dahil panay ang kagat at dila niya sa mga labi ko. Hindi ko lang magawang tumawa kasi baka magising si Gabriel. I don't want this to end dahil masyado akong napapasaya ng nangyayari. Oo, siguro isang malaking katangahan kung isasubmit ko kaagad ang sarili ko sa kaniya, e, hindi ko pa nga alam kung mahal niya ako't hindi pa kami kasal pero kung katangahan ngang maituturing ang pagbibigay ko ng puri ko sa kaniya, then I'll consider myself stupid basta maibigay ko lang sa kaniya iyon. Kasi sa totoo lang, siya naman talaga ang pagbibigyan ko nuon, e. Ano pa bang ipinagkaiba kung hindi ko pa ibibigay, e, makukuha niya rin naman balang araw, hindi ba? At saka, baka kapag nagpakipot pa ako, ayawan niya ako't maghanap ng iba.

Bakit Masarap Ang Bawal?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon