9

1.7K 17 0
                                    

-Daniella

"Why did you save me?" Iyan ang mga katagang lumabas sa bibig ko nang magising ako sa loob ng hospital.

"Bunso, what do you mean?" Tanong ni kuya, na mukhang nag-aalala na talaga. "Hindi ba't dapat ka magpasalamat kasi iniligtas ka niya?" Tinapunan niya ng tingin ang katabing lalake, na mukhang kagagaling lang rin sa ilog dahil hindi pa siya totally natutuyo.

"Who said I wanted to be saved?" Pabulong na tanong ko saka ako pumaling ng higa pakanan dahil nasa kaliwa sila. And there, nakaupo sina mama at papa habang nakatingin sa akin kaya ang ginawa ko, pumikit na lang ako. Ayokong makita ang mga nasa harap ko.

"Bunso..." Mahinang pagtawag sa akin ni kuya pero hindi ko na lang pinansin.

"Kuya, hindi pa ba ako puwedeng umalis? Ayos naman na ako, ha?" Pag-iiba ko sa usapan, at isa pa, gustong gusto ko na rin umuwi at duon na lang sa bahay magpahinga. Pakiramdam ko kasi, mas lalong hindi ako gagaling rito.

"Hindi ba't narinig mo iyong sinabi ng doktor na tumingin sa iyo kanina? Na hindi pa puwede dahil ichecheck up ka pa? Marumi iyong ilog kaya kailangan siguraduhin kung wala kang nakuhang kung ano duon."

"Sige na, kuya." Pakisaup ko habang pahigpit nang pahigpit ang hawak ko sa kumot na ibinalot sa akin ni kuya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Umupo siya sa tabi likod ko saka sinimulang himasin ang ulo ko, and I felt comfortable. Kailangan ko talaga ng comfort ngayon dahil gusto kong mabawasan iyong sakit at bigat na dinadala ko. "Kuya, salamat ho ulit sa pagliligtas sa kapatid ko." He said, ignoring my plea at alam kong nakangiti siya sa kausap dahil ugali niya na na ang ngumiti sa lahat. Kaya nga ang daming nagsasabi na ako iyong kabaliktaran nila ni Carla, e. They're every parent's dream child and I'm not. Everyone's fond of them, at sa akin, hindi. Masayahin, magalang, mabait, masipag - lahat na ng positive traits, naibigay na sa kanila, at sa akin, wala - wala silang masabing maganda sa akin kung hindi maganda ako pati na ang boses ko. Ni sa mga kamag-anak namin, hindi ako malapit. Bakit ko pa sila papapasukin sa mundo ko na iilan lang ang puwedeng pumasok kung hindi rin naman nila ako gusto?

"Wala iyon. Nagulat nga kami kasi para siyang wala sa sarili nang nagpakalunod, e. Sobrang blangko ng ekspresyon niya."

"Ganuon lang ho talaga siya." Tumigil siya sa paghimas sa ulo ko saka tumayo. "Halika ho, ihahatid ko na kayo pero dumaan po muna tayo sa kahit anong fastfood at nang may maiuwi ho kayo."

"Nako, huwag na-" Narinig kong pagtanggi nuong lalake pero pinutol lang siya ni kuya. Isa pa sa mga ugali ni kuya na kinatutuwaan nila - hindi ka niya tatantanan hangga't hindi siya nakakapagbayad sa utang na loob. Ako nga dapat ang magbayad, e, pero hindi ko naman sinabi na iligtas ako kaya bahala sila diyan.

"Sige na ho, pumayag na kayo. Gusto ko lang ho talaga na magpasalamat kasi iniligtas niyo siya."

Bumuntong hininga ito bago sumagot. "O, sige, sige."

Naamoy ko ang pabango ni kuya at nang maramdaman ko ang mainit na hangin sa bandang pisngi ko, alam kong inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Bunso, behave rito, ha? Aalis muna ako. Promise, babalik ako kaagad para mabantayan kita." Hinalikan niya ako sa sintido at ang sunod na narinig ko matapos niya sabihin iyon ay ang pagbukas sara ng pinto, indicating na lumabas na sila.

"Daniella," Binaliwala ko si mama at nanatiling nakapikit. Wala naman akong magandang sasabihin sa kaniya. "Anak, ayos ka lang ba?"

That's a really stupid question. "Do I look okay?" Malamig na tanong ko saka ko iminulat ang talukap ng mga mata ko. And from what it looks like, nasaktan ko sila dahil halatang halata ang pagguhit ng sakit sa mga mata nila. "Alam niyo, umuwi na lang po kayo kasi kaya naman akong alagaang mag-isa ni kuya rito at saka, makakalabas naman ho siguro kaagad ako bukas kaya hindi niyo na kailangang mag-aalala - oh, on the second thought, kalian pa po ba kayo nag-aalala pagdating sa akin?" I faked a yawn saka tinanggal ang dextrose na nakakabit sa kamay ko. Nabigla sila, at kahit na ako kasi masakit pero binaliwala ko na lang. Umalis ako sa pagkakaupo sa kama habang hawak ang dumudugong braso ko saka ako pumihit patalikod para pumunta sa banyo. Hindi lang pala sina mama ang nagulat dahil pati ang iba pang mga pasenyente at nagbabantay na kasama namin sa loob ng kwarto ay halatang nabigla. Dumiretso na lang ako sa banyo para maghugas.

Bakit Masarap Ang Bawal?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon