-Daniella
I’m bored.
It’s raining. Dane’s absent. My entertainer is nowhere to be found. People keeps on praising and talking to me kahit na nakaearphones ako. Don’t they have any lives? Why can’t they just stop pestering me and go kill their selves? If they can’t, I’ll be glad to do it for them.
But Dane said killing is bad so yeah. Thou shall not kill, Daniella.
At dahil super bored na ako, dumiretso ako sa cafeteria para kumain. Pero dahil marami talagang gumagalit sa akin ngayon, pumwesto ako sa harap ng cashier pagkataboy ko sa dalawang babaeng nakapila. Gusto nila ng ganito, e. Okay, ako ang mauunang bibili.
“Hey, ano ba?!” Reklamo nuong babaeng nakapony tail na itinaboy ko pero hindi ko siya pinansin dahil ang atensyon ko, nasa mga estudyanteng nagkukumpulan ngayon sa harapan ko. I noticed that some of them are familiar at nang magsink in sa akin kung saan ko sila nakita, nainis lalo ako.
Talagang sinundan pa nila ako. Hindi ko na nga sila pinansin kanina, e.
“Do you guys know that all of you are a grade A pain my ass?” Inirapan ko sila saka ako humarap sa cashier, na halatang nainis sa akin. “Chupa Chups.” Dumukot ako ng pera sa wallet ko saka ko iyon ibinigay sa kaniya. Pagkakuha ko sa sukli at Chupa Chups ko, nilagpasan ko na iyong mga estudyanteng nagkukumpulan. I even heard some negative comments na patungkol sa akin pero binalewala ko na lang. Ano ba ang mapapala ko kung pag-aaksayahan ko ng oras ang mga iyon, hindi ba?
I wandered around the campus since wala naman kaming prof ngayon at mamaya, vacant na. Three hours of doing nothing tapos wala pa iyong best friend ko. Augh, kill me now.
Nang maubos iyong lollipop ko, tignan ko iyong stick nuon habang naglalakad. And as always, tinitigan ko ulit iyong maliit na butas sa stick dahil hindi ko alam kung para saan iyon. Dati ko pa talaga iniisip kung para saan iyon and I haven’t come up with an answer up to now.
Maybe it’s a gateway to Narnia.
Napangisi ako dahil sa naisip ko pero nabura kaagad iyon nang may humawak sa magkabilang balikat ko, na siyang dahilan kung bakit ako napahinto, saka ako isinandal sa pader at ikinulong sa magkabilang braso niya. And when I looked up, nakita ko kung sino iyong taong humawak sa akin. It’s a guy, obviously a varsity player dahil sa suot nitong jersey ng university namin.
Pero kilala ko siya, only by his face.
Itatanong ko sana kung anong problema niya pero bigla niya akong hinalikan. Itinikom ko iyong bibig ko para kung sakali man na ipasok niya iyong dila niya, hindi niya magagawa. At habang nagpapakasasa siya sa mga labi ko, hindi ko ipinahalatang dinukot ko iyong ballpen na nakasabit sa necktie ko. Nang idikit ko ang tulis nuon sa leeg niya, napatigil siya.
“Tapos ka na?” Nanglaki ang mga mata niya pagkadiin ko ng bahagya ng ballpen sa leeg niya saka siya umatras. Humakbang ako paabante saka ko siya tinignan sa mga mata. “Nagpapakamatay ka ba?”
“S-Sorry!” Umatras ulit siya, at bakas sa mukha niya ang kaba. Nang mapansin ko na plano niyang tumakbo, iniharang ko na kaagad ang isang paa ko sa paa niya kaya nang humakbang siya, bumagsak siya. Akmang babangon na siya kaya ipinatong ko kaagad iyong heel ko sa likod niya saka ko iyon idiniin. “Aray!” Iniangat niya iyong tingin niya kaya tinignan ko rin iyong direksyon kung saan siya nakatingin. May mga estudyante na palang nanunuod pero may isang estudyante ang nahagip ng paningin ko.
Tumatakbo siya.
“Ooh~” Nasabi ko nang makilala ko kung sino iyong tumatakbong estudyante. Kahit nakatalikod siya, kilalang kilala ko siya. I think I know what’s going on. This isn’t the first time na nangyari ang ganito, except, the first one, there was no kissing involved, talagang yakap lang. Same old trick. But still, that show cost me my puppet. Umiling ako saka ko itinuon iyong atensyon ko kay varsity dude, na pilit tumatayo pero dahil sa mabigat na pagtapak ko sa likod niya, hindi niya magawa. Wimp. Naturingang varsity player, inaapak apakan lang ng five seven na babae. “Next time, kung gagawa kayo ng kalokohan ng syota mo, huwag niyo akong idamay. Nakakadiri kayo.” Dinuraan ko siya dahil hinalikan niya ako kanina tapos inialis ko na iyong pagkakatapak ko sa likod niya saka ko iniayos iyong pagkakasabit ng bag sa balikat ko. Tinalikuran ko na siya saka ako naglakad paakyat para makapunta sa library.