-Daniella
“Who’s that?” Narinig kong tanong ni Dane habang nakabaon pa rin iyong mukha ko sa leeg ni Gabriel. “Bago mo?”
I swear, papatayin ko talaga ito si Gabriel kapag maling bagay ang pumasok sa isip ng kapatid niya. Hindi ko tuloy alam kung hahayaan ko na lang na nakabaon iyong mukha ko sa leeg niya o haharapin ko si Dane, e. Pero hindi naman puwede iyon kasi magtataka siya kung bakit ayaw ipakita ng bago ni Gabriel – which is wrong dahil hindi ako babae ni Gabriel – iyong mukha niya.
And the worst part is, ang ganda ng pwesto namin! Para kaming may ginagawang kung ano, pero wala naman talaga! Plus the fact na nakahubad siya at ang suot ko namang mga gamit ay sa kaniya – tapos wala pa akong underwear! My god! Ano pang ihaharap kong mukha kay Dane?!
Kill me now!
Pero wait. Tama! Pasensiya ka, Gabriel, pero dahil sa kapraningan mo, magtiis ka sa gagawin ko!
Bago ko pa man maibaon ng husto iyong mukha ko sa leeg niya, pinisil niya iyong bewang gamit iyong dalawang kamay niya ko kaya automatic na napaangat iyong ulo ko habang salubong ang mga kilay na nakatingin sa kaniya.
My god, umangat ang ulo ko! Alam na ni Dane!
“You can say that.” Nakangising sagot ni Gabriel.
“DC?” Gulat na sinabi ni Dane kaya lumipad ang atensyon ko sa kaniya.
My god! Hangin, tangayin mo na ako!
Okay. Daniella, dear, alam kong life threatening situation na ito kaya kung gusto mo mabuhay, be cool – act cool! Don’t let him see na kinakabahan ka dahil baka kung anong isipin niya. Baka isipin niya na kaya ka kinabahan ay dahil nahuli niya kayo ng kapatid niya na may ginagawang kung ano kaya act cool, Daniella! Diyos ko, kakayanin mo iyan!
Huminga ako ng malalim at bago pa man ako makapagsalita, nasamid ako kaya tinakpan ko iyong mukha ko gamit ang dalawang kamay ko. Habang umuubo, naramdaman ko iyong paghagod ng kamay ni Gabriel sa likod ko habang paulit ulit na tinatanong kung okay lang ako – when I’m obviously not! Tanga ba siya?! Kasabay ng paghakbang palapit ni Dane ay ang pagkalaglag ng tuwalya na bumabalot sa katawan namin ni Gabriel kaya napatigil siya. His mouth hang open at para siyang naputulan ng dila dahil hindi man lang siya nagsalita.
Great timing, throat. Great timing.
“D-Daney,” Nakangiting bati ko sa kaniya nang mahimasmasan na ako. I was really expecting na ngitian niya rin ako pero hindi niya ginawa.
Tumikhim siya saka itinuon iyong atensyon kay Gabriel, na parang walang nangyayari ngayon, na parang hindi niya ako kinakandong, na parang hindi nakahawak ang mga kamay niya sa likod at bewang ko. God, I’m really sorry but I’m going to kill this kid! “M-Mukhang okay naman siya.” Mahinang pagkakasabi niya bago itinuon iyong atensyon niya pabalik sa akin. “Hinahanap ka ni kuya Carlo simula pa kagabi. You better go home once you finish… whatever it is you guys are doing.” Humakbang siya paatras saka ngumiti ng bahagya. “S-Sorry to interrupt. Tu-Tuloy niyo lang. Don’t worry, wala akong nakita.” Pumihit siya patalikod saka hinawakan iyong doorknob. At bago ko pa man siya matawag, lumabas na siya.
I was… left sitting on Gabriel’s lap… speechless.
He did. He did get the wrong idea.
Wala sa sarili akong tumayo, ignoring Gabriel who’s currently laughing is head off, saka ako dumiretso sa kwarto. Pagkapasok ko, sumampa ako sa lower deck saka ko itinalukbong iyong kumot na nahablot ko sa gilid.
Tuloy tuloy iyong paghinga ko ng malalim dahil sa pagpipigil ko sa pag-iyak pero pumalpak ako dahil hindi ko namalayan na humahagulgol na pala ako. Malamang kasi, sobrang occupied iyong isip ko ng maraming bagay – mga bagay na konektado kay Dane.