1

30.9K 40 1
                                    

-Daniella

"Sure, I'm on my way." I ended the call then walked out of the house. Napabuntong hininga ako dahil nang makarating ako sa kanto, nadaanan ko na naman iyong mga tambay na laging nag-aabang sa akin para makita ako kapag papasok na ako sa school.

Narinig ko ang sabay sabay na pagwhistle nila kaya naiikot ko ang mga mata ko kasi natatangahan ako sa kanila. They've got no lives. From day to night, all they did was to just hangout on the exact same spot they were sitting nang madaanan ko sila — sa staircase ng health center. Paano ko nalaman? Dahil kapag aalis ako, nanduon sila at pagkauwi ko, nanduon pa rin sila. At kapag walang pasok, nakikita ko sila duon palagi kahit tanghaling tapat.

Look, I'm not assuming or whatever. Hindi ako feeler because I know that they like me — in a not so pleasant way, I suppose. I wouldn't even be surprised once I know that each and every one of them had raped me numerous times inside their dirty minds.

Boys are really disgusting.

But not him, of course.

A smile crept up to my face when I pictured his face in my mind. I covered my face with both of my hands while walking to hide my hyena-like smile. Augh. God, why can't I help but smile when I think of him? Do I really love him this much?

Oh, you know what the answer is, my dear Daniella.

I dismissed the thought by shaking my head and headed to the bus stop.

Stop smiling like an idiotic hyena, Daniella. Baka mapagkalaman ka na namang baliw ng mga makakasabay mo sa bus. Calm your teenage hormones, okay? Hintayin mo na makauwi ka bago ka tumili nang tumili.

Pagkapasok ko sa gate ng school, nakita ko kaagad si Gian, or Ian kung tawagin ko — minsan. Binuksan ko iyong bag ko para sa inspection na gagawin ng guard and then after that, nilapitan kaagad ako ni Gian habang nakangiti kaya nginitian ko rin siya.

He kissed me on the cheek then looked at me in the eyes. He really has cool eyes. "Okay ka na?" As I've heard him asked that, napansin ko na napatingin iyong ibang nakarinig sa tanong niya nang madaanan kami kaya mas lalo akong napangiti kasi mukha silang tanga. Tumango ako saka ko sinuklay iyong buhok ko gamit lang iyong free hand ko. "Sigurado ka? Baka mamaya, masama pa pakiramdam mo."

"Don't worry, I'm okay." Nakangiting sagot at napansin ko na medyo nabawasan iyong pag-aalala niya dahil parang nagliwanag iyong mukha niya — not literally, okay? "My fever went down since yesterday kaya I assure you, I'm a-okay." Inilibot ko iyong paningin ko para iscan kung may pamilyar bang mukha pero medyo nadismaya ako kasi ang nakita ko lang, iyong mga taong nakatingin sa amin ni Gian. Some of them are obviously jealous and most of them, specifically the girls, halatang naiirita sa eksenang ginagawa namin dito sa gilid ng lobby.

Insecurity nga naman.

"Glad to know that." Kinuha niya sa akin iyong isang book na dala ko tapos iyong isang kamay niya, ipinang-ayos niya sa pagkakasabit ng bag sa balikat niya bago niya hinawakan ang kamay ko. "Let's go. Baka maunahan ka na naman ng mga classmate mo sa favorite seat mo."

I nodded bago ko pinisil iyong kamay niya. Napangiti lalo siya bago naglakad kaya napasunod na ako. Napabuntong hininga ako habang umaakyat kami. Good thing naman at hindi niya narinig kasi nakafocus siya sa pag-akyat.

"Daney!" Napatigil ang lalakeng papasok pa lang sa room dahil sa pagtawag ko sa kaniya saka siya tumingin sa direksyon namin pagkaayos niya sa suot niyang reading glasses. I beamed at him saka ko isinway iyong kamay ko na hawak ni Gian kaya pati iyong kamay nito, nadamay. Ngumiti naman siya saka humarap sa direksyon namin para hintayin ako makalapit. "Good morning." Nakangiting bati ko pagkalapit namin sa kaniya.

Bakit Masarap Ang Bawal?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon