5

3.5K 25 1
                                    

-Daniella

Nang iminulat ko ang mga mata ko, ang salubong na kilay kaagad ni Gabriel ang bumungad sa akin. Halos ilang segundo rin kaming nagtitigan habang sumisinghot ako at naputol lang iyon nang may kumatok sa pintuan. Inirapan niya ako saka tumingin sa direksyon kung nasaan iyong pintuan. Pati ako, tumingin na rin at nakita kong nanduon si AJ, nakatingin kay Gabriel.

“Papasok na kami.” Panimula niya. “Sure ka na hindi ka papasok?”

Nagsalubong ang mga kilay ko tapos napatingin ako kay Gabriel dahil sa narinig ko. Tumango siya saka bumuntong hininga. Hindi siya papasok?

“Sige na, pumasok na kayo. Hindi ko naman puwedeng iwan ito mag-isa rito.” Sinabi niya na may kasamang pagturo sa akin. Nang sumara na iyong pintuan, ibinalik niya iyong tingin niya sa akin, at hindi pa rin nabubura ang bakas ng pagkairit sa mukha niya. Patunay ang kilay niyang salubong sa nararamdaman niya. “Alam mo ba kung anong araw ngayon?” Iritadong tanong niya.

At dahil masama ang pakiramdam ko, itinalukbong ko iyong kumot saka ko pinunasan iyong magkabilang pisngi ko. Alam ko kasi na umiyak ako habang tulog kanina. Ganuon naman palagi kapag inaapoy ako ng lagnat. Combo na iyon. Kung baga sa burger, buy one, take one. Kapag nagkalagnat ako, imposibleng hindi ako managinip ng masama.

“Huwag ngayon, Gabriel. Huwag ngayon.” Malamig na pakiusap ko saka ako suminghot dahil nagbabara iyong ilong ko dahil sa sipon. Minsan lang ako makiusap, as in sobrang bihira. Knowing Gabriel? Makikipagtalo iyan sa akin. Lagi naman, e. Ayaw ko muna siyang patulan dahil nanghihina ako. Wala pa ako sa kondisyon para sabayan iyong init ng ulo niya. Baka kapag sinabayan ko siya, ako ang sumuko dahil sa kondisyon ko – at ayokong mangyari iyon. Kung may sumuko man, dapat siya iyon. “Pumasok ka na.”

“Gago ka ba o sadyang tanga lang?” Napabuntong hininga ako dahil sa tono ng boses niya. Wala talaga siyang galang. “Anong gusto mo? Iwanan kita dito? E, halos hindi mo na nga kami pinatulog kagabi dahil sa tindi ng lagnat mo tapos iyak ka pa nang iyak. Kung manginig ka rin, akala mo, sinasapian ka kaya hindi maialis iyong mata namin sa iyo tapos ang gusto mo, umalis ako’t pumasok?” Hindi makapaniwalang tanong niya, at bakas na bakas pa rin ang iritasyon sa boses niya.

“Bakit kasi hindi niyo na lang ako hinayaan? Edi sana, hindi kayo napuyat.” Baliwalang sinabi ko.

“Ay, gago nga ito.” Matawa tawang sinabi niya. “Katabi kita, paano ako makakatulog?”

“Edi sana, hindi ka tumabi sa akin kagabi. Ang tigas kasi ng ulo mo.”

“Alam mo, ewan ko sa iyo.” Naramdaman ko iyong paggalaw ng kama tapos iyong pagtunog ng bakal na hagdan kaya alam kong bumaba siya.

Nanatili lang akong nakahiga habang pilit na ibinabalot sa katawan ko iyong buong kumot para walang pumasok na hangin dahil ang tindi ng lamig na nararamdaman ko kapag natatamaan ng hangin iyong balat ko. Panay rin ang punas ko sa pisngi ko pati na ang pagsinghot ko. Hindi ko naman kasi maiwasang hindi maiyak – hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa tindi ng takot.

“Kuya… Dane…” Pabulong na tawag ko sa kanila kahit na alam kong hindi nila ako maririnig.

Nakarinig ako ng yabang ng paa, tunog ng bakal na hagdan pati na ang paggalaw ng kama, tanda na lumapit at umakyat na sa kama si Gabriel. Tinanggal niya iyong kumot na nakabalot sa akin pero hindi pa rin ako nagpatinag, tumitig pa rin ako sa pader sa gilid ko at hindi siya pinansin. “Bakit ka ba kasi umiiyak?” Hindi ko siya sinagot at nakinig lang ako sa pagtama ng ulan sa bubong. He let out a frustrated sigh tapos hinawakan niya iyong braso ko gamit iyong isa niyang kamay. Nakarinig ako ng tunog ng tubig mula sa paanan ko, and believe me, hindi iyon galing sa ulan. Nasagot ang tanong ko kung saan galing iyon nang naramdaman ko na pinunasan niya iyong braso ko ng basang bimpo. Mabait naman pala siya kahit papaano. Panira lang talaga kapag nagsalita na siya dahil hindi puwedeng walang lalabas na mura o panglalait sa bibig niya once na bumukas na iyon. “Matulog ka na muna. Maghahanda ako ng pagkain natin. Huwag kang magrereklamo kung noodles ulit ang ipakain ko sa iyo, ha? Baka ibuhos ko sa iyo iyon. Kung hindi naman dahil sa katangahan mo, hindi ka magkakasakit, e.” Sinabi niya nang mapunasan niya na iyong magkabilang braso at leeg ko. Piniga niya iyong bimpo sa basin saka iyon ipinatong sa noo ko matapos niya iyon tiklupin. Once again, hindi ako umimik at nanatiling nakatingin sa kisame hanggang sa makaalis siya sa kama.

Bakit Masarap Ang Bawal?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon