-Daniella
Tinignan ko si Gabriel, na kauupo lang sa dulo ng kama ko. Nasa gilid na rin ng kama iyong duffle bag niya. Nauna kasi naming dinaanan iyong apartment na tinutuluyan niya kaya kumuha na siya ng mga damit. Buti nga at pumasok na iyong mga kabanda niya, e. Hindi ko rin maintindihan itong taong ito. Parang bata. Mukha kasi siyang tuwang tuwa, which is kind of creeping me out. Sanay ako sa Gabriel na laging nakasalubong ang mga kilay, na laging nakataas ang isang kilay, o, iyong mura nang mura pero ngayon? Nakakakilabot kasi sobrang laki ng ngiti niya habang pasalit salit na itinataas baba ang mga paa niya na parang bata. "Behave." He nodded, giving me a smile, iyong tipo ng ngiti na pati mga mata niya – and may I add, may black eye ang isa – nanliit at hindi nakalabas ang mga ngipin. Pumihit siya paharap sa kanan at kinuha iyong unan sa ulunan ng kama ko saka niya iyon itinakip sa mukha niya pagkahiga niya. "Ang weird mo."
I was really contemplating kung sasama ba ako o hindi. Ang unang tao kasi na iniisip ko, si tita. Baka kasi magtaka iyon kung bakit hindi ako sumama, e, alam na alam niyang gusto ko sila palaging kasama, lalo na sa mga lakad na katulad ngayon, iyong bonding ba. Hindi ko inaatrasan iyan kapag sila ang kasama, e. At kapag nakita niya ang mga anak niya na puro bangas, malamang, magkaroon siya ng ideya kung bakit hindi ako sumama.
Kaya lang, kapag hindi ako sumama, mag-iisip iyon at malamang, maisip niya na ako ang dahilan kung bakit nag-away iyong dalawang anak niya, which is nakakaewan dahil hindi naman.
Bigla kong naalala iyong mukha ni Dane nang tinignan niya ako bago siya pumasok sa bahay nila kaya napatigil ako sa pagpapasak ng mga damit sa bag ko. Pumikit ako't humugot ng malalim na paghinga. Kapag sumama ako, natural makakasama at makikita ko siya. Hindi maiiwasan iyon, e. Alangan naman na iwasan ko siya, e, everybody knows kung gaano kami kaclose. Well, all of them, except tita, has an idea na may hindi malinaw na alitan sa amin kaya maiintindihan nila kung bakit ko siya iiwasan, if ever man na gawin ko.
I need to rest para magkapag-ipon ako ng lakas ng loob nang makausap ko ng maayos si Dane pero paano ko iyon magagawa kung maga-out of town nga ako, kasama ko naman siya, hindi ba? Instead na rest days, stress days pa malamang ang mangyari. Sa ngayon kasi, kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko pa na magkulong sa kwarto kaysa makita si Dane.
"Ella," Pagkuha ni Gabriel sa atensyon ko kaya nabalik ako sa reyalidad. Nanatili akong nakatayo sa harap ng study table ko, kung saan nakapatong iyong bag, habang nakatingin sa loob nito, kung saan nakalagay ang mga ipinasak kong mga dadalahin ko – sana – pagpunta namin sa rest house. "Huy, nakatingin ka na ba?" Bumuntong hininga ako dahil alam ko na kukulitin lang ako ng nilalang na ito kapag hindi ko siya pinansin. Pumihit ako paharap sa kaniya't tinaasan siya ng kilay, kahit na alam kong hindi niya iyon makikita dahil nakatakip pa rin iyong unan ko sa mukha niya. "Pahingi naman ng pabango mo."
"Bakla ka ba? Pangbabae iyon." Kunot noong tanong ko dahil nawiwirdohan na talaga ako sa kaniya.
Umupo siya at ipinatong iyong unan sa kandungan niya saka siya nagkibit balikat. "Oo, kasasapi ko lang sa pederasyon ng Teletubbies kagabi." Inikutan ko siya ng mata dahil alam kong puro kagaguhan na naman ang mga pinagsasasabi niya saka sinimulang alisin lahat ng inilagay ko sa bag. "May paggagamitan lang ako. Sige na, Ella." Pangungulit nito. Narinig ko ang pagkaskas ng bed sheet sa kama at ang pagtunog nito kaya alam kong tumayo siya, at tama nga ako dahil parang dalawang segundo lang nang nasa tabi ko na siya at isa isang isang ibinalik sa loob ang mga damit na ipinaglalabas ko mula rito pagkakuha niya sa akin nito.
"Hindi ako sasama." Pabulong na sinabi ko saka pumihit paharap sa kama at pinabayaan na lang siya sa ginagawa niya. Ibinagsak ko padapa ang sarili ko sa kama't kinuha ko iyong unan kong ipinangtakip niya sa mukha niya saka ko iyon niyakap.