4

4K 25 1
                                    

-Daniella

After the drama at Gian’s house, lumabas na ako pagkakuha ko ng bag na iniwan ko sa salas nila. I didn’t even bother na magpaalam sa mga magulang niya, e. Bastusan na kung bastusan pero sila ang nauna. If only they aren’t like that baka hindi ko sila binastos ng ganuon.

Dumiretso ako sa sakayan and took a jeep dahil kung magtataxi pa ako, baka maubos ang pera ko gayong malapit lang naman ang lugar kung saan ako nakatira. The ride took me fifteen minutes bago nakarating sa kanto ng street kung saan ibinababa ng mga jeepney at bus driver ang mga pasahero – loading and unloading area kung baga. Nadaanan ko pa nga iyong mga tambay sa center habang pauwi ako, e. Pero siyempre, hindi ko sila pinansin. Hinayaan ko lang silang pumito nang pumito.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay, sina mama, papa at Carla ang nadatnan ko. Tignin lang nila ako saka sinabi ni mama na kumain na tapos bumalik na ulit sila sa panunuod.

They really look like a happy family kapag magkakasama – and that pissed me off, big time. I mean, what about me, hindi ba? Am I not their daughter? Am I not her sister? Augh. Kung pati si kuya, ganuon ang pagtrato sa akin, baka matagal na akong naglayas. Siya na lang naman ang rason kung bakit ako nananatili sa bahay namin, e. I can get a job and live on my own pero dahil kay kuya, hindi ko magawa dahil alam ko na kapag naglayas ako at iniwan siya, masasaktan siya and I don’t want that to happen. I really don’t.

Dumiretso na lang ako sa kusina saka kumain ng – lo and behold, tira tira nila. At habang kumakain, rinig na rinig ang tawanan nila. At bawat tawa nila ay parang katumbas ng isang malaking espada na bumabaon sa dibdib ko. Imagine kung ilang tawa ang ginawa nila, ganuon rin karami ang espadang bumaon sa dibdib ko.

I need to get out of this house bago pa ako mamatay sa depression. Kahit naman kasi wala akong pakielam sa kanila, I’m still hoping na makita rin nila ako bilang anak nila, bilang kadugo nila, at hindi utusan.

Umakyat ako sa kwarto ko and there I saw kuya Carlo. Nakahiga siya sa kama ko habang nagbabasa ng libro. Ibinaba niya rin naman iyon saka ako sinimangutan.

Nginitian ko siya saka ko inilapag iyong bag ko tapos lumapit ako sa kama at dinaganan siya. “Anong problema ng gwapo kong kuya, ha?” Paglalambing ko sa kaniya habang pilit na ipinupulupot ang mga braso ko sa bewang niya.

“Late na kaya. Kanina ka pa dapat nandito pero anong oras na wala ka pa rin kaya hinintay na kita dito sa loob ng kwarto mo para mapagsabihan.”

“Eeh~” Ibinaon ko iyong mukha ko sa dibdib niya at kasabay nuon ay ang pagpulupot ng mga braso niya sa leeg ko. “Sorry na. Galing kasi ako sa bahay ng schoolmate ko.”

“Kumain ka na?” Tanong niya na sinagot ko sa pamamagitan ng pagtango.

Hinila ko siya patayo at sinabing lumabas na muna dahil magbibihis ako. Ginawa niya naman pero bago siya nakalabas sa kwarto, sinabi niya munang magtext o tumawag ako kapag malelate ako ng uwi saka niya ako hinalikan sa ulo.

Ang sweet ng kuya ko kaya mahal na mahal ko siya. Kung sana talaga kaparehas nina mama si kuya, wala akong problema bukod sa pagkuha sa lalakeng gusto ko.

Pakiramdam ko talaga, ang nangyari, napagkatuwaan lang akong buuin. Sina kuya, they were made with love. Pero ako? I was made with lust – kasi trip lang nila, kasi nangati lang sila. Kaya siguro nila ako idinidisregard dahil ako iyong unwanted child, na kaya lang nila pinakakain at pinag-aaral ay dahil obligasyon nila iyon bilang magulang, bilang kapatid, na kung puwede lang, hindi na nila ako pag-aralin o pakainin.

I don’t know kung tama iyong iniisip ko pero iyon kasi iyong nararamdaman ko, e. Iyon kasi iyong ipinararamdam nila sa akin, e. Ni minsan, hindi nila tinanong kung anong gusto ko. Kapag nagrequest naman ako, hindi sila papayag, o hindi nila bibilihin iyong pakiusap ko. I have no freedom sa pagpili ng mga gusto ko kasi ang mga gusto nila ang dapat na masunod. Ginagawa nila akong puppet tapos ako iyong unwanted.

Bakit Masarap Ang Bawal?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon