Hatak-hatak ako ni Gray papunta sa comfort room para linisan sarili ko, hinubad ko ang coat ko dahil nabasa ito kanina no'ng nagka banggaan kami sa grupo nina Elaine.
Nilugay ko ang buhok ko at inayos ang polo ko.
Paglabas ko ay nando'n sila naghihintay sa'kin, naka sandal si Gray sa isang poste tila'y malalim ang iniisip nito.
Tumikhim ako kaya napatingin sila sa'kin. Nakita ko namang hinubad ni Gray ang coat niya at ipinatong sa balikat ko. Mahaba at medyo may kalakihan ang coat niya dahilan para umabot sa skirt ko ang haba nito.
"Use that you'll get cold when we're in the classroom." Ani niya at kinuha ang coat ko na nasa kamay ko.
"Ehem," Tikhim ni Max kaya napatingin kami sa kaniya, "Ano? Masakit lang lalamunan ko." Palusot pa niya.
Habang naglalakad kami, napatingin sila sa'min lalo na sa'kin siguro nahalata nilang malaki ang coat na nakasabit sa balikat ko.
Andito kami sa cafeteria para mag lunch, may designated tables din kami at kamalas malasan katabi namin ang table ng first section-section nila Elaine. Ang mas saklap do'n halos magkatabi na kami.
May lumapit sa'ming waiter at kinuha ang orders namin, binigay naman namin sa kaniya ang gusto naming kainin at inumin. Maya maya lang ay may lumapit ulit sa'min dala ang pagkain namin.
"Well well the newbie is sitting next to my boy." Parining ni Elaine sa kabilang table.
Napatingin ang mga kasama ko sa'kin maliban kay Gray na tahimik na kumakain.
"Look, mukhang walang ganang kumain ang boyfriend ko dahil sa katabi niya." Parinig niya ulit dahilan para mapahawak ako ng mahigpit sa utensils na hawak ko.
"Girl, she's so cheap!" Pabulong na sigaw ng kaibigan niya.
"Yeah I know, base on her look she's so cheap." Sagot pa niya kaya napatayo ako.
Napatigil naman sila sa pag-kain at napatingin sa'kin. Tinignan ko si Elaine na nakangisi.
"Sit down." Utos ni Gray sa'kin dahilan para mapalingon ako, "Sit down Rei." Utos niya ulit.
"Excuse me, comfort room lang ako." Sabi ko at naglakad papunta sa comfort room.
Naghilamos ako at tinignan ang sarili sa salamin.
"Umayos ka Sereia." Bulong ko sa sarili ko at pinunasan ang basa kong mukha.
Paglabas ko ay nakaharang si Elaine sa dinadaanan ko.
"Excuse me." Sabi ko at nilagpasan siya pero hinawakan niya ang buhok ko.
"Don't you dare turn your back on me." Diin na bulong niya sa'kin.
Damn her grip is too tight parang madala yung anit ko.
"Bitawan mo ko, I didn't do anything." Sabi ko rito pero tumawa lang siya.
"You spilled juice on my coat." Ani niya.
"I didn't meant to spill juice on your coat, besides mine got wet too." Sagot ko rito at sinusubukang umalis sa pagkakahawak niya sa buhok ko.
YOU ARE READING
Hidden From The Shadows (Shadow Series #01)
FantasyShadow Series #1 "How long do we have to hide? We can't just keep hiding." "Not much long. I have to protect you, I can't lose you, I love you." Sereia Zyanya Snaedis a girl that's been living a life like hell in the orphanage where her world revolv...