"Mundo de la Gente del Elemento," bulong ko sa sarili ko.
'Di pa rin ako makapaniwalang may isang mundo pa pala at doon kami mismo nabubuhay, buong akala ko ay nandito lang ang lugar na 'yon sa mundong 'to pero nakakamali ako.
"Hoy tulala ka nanaman tapusin mo na ang pag iimpake!" Sigaw ni Zyler na nakasandal sa pintuan ko.
"May inaalala kasi ako baka may 'di ako malagay eh, tulala ka d'yan." Palusot ko rito.
"Anong oras tayo pupunta d'on?" Tanong ko.
"Now." Deretsong sagot niya na bahagya kong ikinanganga.
"Now?! As in ngayon?! Alas onse ng gabi eh!" Pabulong na sigaw ko baka kasi magigising ang kapitbahay pag sisigaw ako.
"Yeah." Maikling sagot niya.
"Seryoso ka?!" Pasigaw na tanong ko.
"Mukha ba 'kong nagbibiro? Sige na tapusin mo na 'yan and if your done call me ako mag bubuhat ng maleta mo." Sabi niya at bumaba papuntang sala.
'We'll bring Ash too' Ani pa niya.
'Alangang iiwan ko siya dito pinanganak ka bang tanga?' Tanong ko rito kaya napatawa nalang siya.
Pagkatapos ko mag lagay ng ilang gamit sa maleta ko, sinunod ko naman yung backpack ko na palagi kong dinadala. Dinouble check ko pa baka may nakalimutan ako.
Kagaya ng sinabi ni Zyler kanina tinawag ko siya, binuhat naman niya ang maleta ko while dala ko ang backpack ko, ang gitara ko at si Ash.
Paglabas namin ay sobrang dilim na ng paligid, buti nalang at maliwanag yung buwan kaya nakikita ko pa din ang daan.
Napalingon naman ako sa bahay at napangiti ng bahagya.
"Don't worry we'll visit this place if we will be having a free time." Nakangiting ani ni Zyler kaya napangiti naman ako.
Inilagay niya ang maleta ko sa compartment, while yung backpack at gitara ko ay doon lang sa backseat.
"Pasok na." Sabi ni Zyler habang hawak niya ang pinto ng kotse niya.
"Gentleman ka din pala hanep." Asar ko sa kaniya pero sinara niya na yung pinto.
Nagulat pa ako ng bigla nalang siyang nakaupo sa loob ng kotse na hindi binubuksan ang pinto.
"Why are you looking at me like that?" Tanong niya.
"Seriously using your element?" Hindi makapaniwalang tanong ko kaya napatawa naman siya.
"Yeah anyways, get some sleep medyo malayo pa yung dadaanan natin bago tayo makapunta sa gubat." Sabi niya.
"Gubat?" Tanong ko, "Bakit gubat?" Dagdag ko pa.
"D'on yung portal." Deretsong sagot niya.
"D'on? Ehh pano pag may nakadiscover na human doon?" Tanong ko ulit.
"Normal na gubat lang 'yon sa mga tao dito pero sa'tin hindi, kaya stop asking and get some sleep." Sabi niya pa.
YOU ARE READING
Hidden From The Shadows (Shadow Series #01)
FantasyShadow Series #1 "How long do we have to hide? We can't just keep hiding." "Not much long. I have to protect you, I can't lose you, I love you." Sereia Zyanya Snaedis a girl that's been living a life like hell in the orphanage where her world revolv...