8

9 3 0
                                    

Its been two days since I entered this world and today will be my first day in this academy.
I have all my stuff in my bag except uniforms.

Bumaba ako sa kusina at nakita ko si Zyler at si Val na naka suot ng uniform nila at nagluluto sa kusina.

"Oh morning Rei, wala ka pang uniform?" Tanong ni Val.

"Nah." Tugon ko naman.

Pumunta siya sa telepono dito sa loob ng dorm, nag dial siya dito ng kung anong numero.

"Good morning, this is Vallerie Vyrthre from Élite Special Section Level 8. Kindly deliver a complete school uniform for ELSSLVL8." Sabi niya sa linya, "Measurement? Please wait-Rei size and waist line mo?" Tanong niya sa'kin.

"Small yung size ko and 25 yung waistline ko." Sagot ko naman.

"Top size S and W 25-Yes, about 5'2-for, Sereia Zyanya Snaedis yes- uh huh? Make it meduim please-great thank you." Sabi niya, "By the way make the delivery fast, the ceremony will begin at 7 thank you." Dagdag niya.

"Rei, may library sa kwarto ko maybe you want to read some books para mawala boredom mo." Ani naman ni Zyler.

"Oh? Sige thanks." Ani ko, agad naman akong umakyat papunta sa kwarto niya.

Kumuha ko ng isang libro do'n at sa sala nag basa, maya maya ay narinig ko ang ilang yapak papunta sa sala.

"Good morning Rei!" Masiglang bati ni Aria.

"Good morning." Bati ko naman dito.

Nakita kong kumunot ng bahagya ang noo ni Alex.

"Bakit 'di ka pa naka bihis mag sa-start na ang ceremony mamayang 7-." Naputol ang sinabi niya ng biglang may kumatok sa pinto.

Binuksan naman ito ni Vane at bumungad sa'min ang isang babae na may dalang box.

"Delivery for Ms. Sereia Zyanya Snaedis." Sabi niya, binuhat naman ni Zyler ito.

"Thank you." Ani niya.

"Uniforms niya." Dagdag pa ni Zyler kasi nakakunot noo ang ibang mga kasama ko.

"Ako na ang magbubuhat, finish what your doing in the kitchen." Ani ni Gray at binuhat ang box, bumalin naman ito ng tingin sa'kin, "Let's go." Sabi pa niya at umakyat papunta sa kwarto ko.

Nakita ko namang sumunod ang dalawang pusa habang nag lalakad kami, nilapag naman niya ang box at pinagpag ang uniform niya.

"Thanks." Sabi ko rito at tumango naman ito.

"Be fast, para makaabot pa tayo sa ceremony." Sabi niya at tumango naman ako.

Agad akong nagbihis at nag ayos sa sarili, mabuti naman at nakaligo na ako bago ko na realize na wala akong uniform. Mabuti naman at saktong sakto sa'kin ang uniform ko, kaso 2 inch above na knee ang skirt ko kaya medyo naiilang ako.

White collared long sleeve polo below the green coat and green neck tie, luckily marunong akong mag lagay ng tie. Ang coat ay may silver vertical lining sa right side with the logo of the school, while checkered green skirt, knee sock and black shoes with 2 inch heels.

Hidden From The Shadows (Shadow Series #01)Where stories live. Discover now