10

11 3 0
                                    

Tahimik lang akong naglalakad habang dala ang isang bag na naglalaman ng training suit ko, bukas na raw ang class namin kaya training daw kami ngayon.

Unang araw sa paaralan may training agad.

Pagkadating namin sa isang kwarto sumalubong sa'min ang isang lalaki na nasa mid 40's. Mukhang madaming naghahabol sa kaniya no'ng nasa kabataan niya dahil may pagka lahing kastila ang awra niya, maputi at matangos ang ilong. Kumabaga mestizo.

"Good morning I'll be your training adviser for this year, I'm Skyler Lixue and nice to meet you." Nakangiting bati niya.

Napatitig naman ako sa mukha niya at mukhang may kamukha ito, nakita ko ang features ng mukha ni Zyler.

"So where's your new batchmate?" Tanong niya. Nasa likuran ako ni Zyler kaya umusog ito para makita ako ni sir Skyler na nasa harap.

I saw a glimpse of shock in his face.

"O-oh uhh what's your name again hija?" Tanong niya sa'kin.

"Sereia sir." Sagot ko naman dito.

Tumango naman ito at tumalikod sa'min saglit.

"Change your uniforms." Utos niya kaya nag-tungo kami sa comfort room dito sa loob ng training room.

May apat na cubicle kaya saktong sakto para sa'ming apat na babae.

Pagkatapos kong mag bihis ay inayos ko ang buhok ko, high ponytail lang ang nagawa ko kase hindi ako marunong mag braid na mag isa.

Sabay sabay kaming lumabas at nakita din naming nakabihis na ang apat na lalaki.

"Alright your all set let's start." Sabi ni sir Skyler sa'min.

Nagsimula kaming mag training, inisa isa kami ni sir Skyler.

"Hit me once and you win." Nakangising sabi ni sir Skyler sa'min.

Pumila kami at isang metro ang distansya sa isa't isa. Nasa huli si Gray at ako yung nasa harap niya.

Madaling naiiwasan ni sir Skyler ang mga atake nila kaya nakasimangot sila Aria, Alex, Max at Vane dahil hindi nila matalo talo si sir Skyler.

Si Val na at naiiwasan niya din ang atake ni sir Skyler, medyo natagalan kami dahil naiiwasan nila ang atake ng isa't isa. Nanalo si Val dahil siniko niya ang dibdib ni sir Skyler na hindi namamalayan ni sir Skyler kaya napantango naman si sir Skyler at pinaupo si Val sa bench na nasa gilid ng kwartong to.

"Don't get easy on me dad." Natatawang ani ni Zyler.

Sabi ko na nga ba't papa niya ito.

"As you said so son." Nakangiting ani naman ni sir Skyler sa anak.

Parang sumasayaw sila dahil sa pag iwas nila at pag depensa sa mga atake, sa huli nabatukan niya ang anak niya kaya tawang tawa naman ang lima na nasa upuan.

"Don't get easy on me huh?" Panggagaya ni sir Skyler sa sinabi ni Zyler kanina pero suminangot lang ang isa.

Ako na yung susunod kaya medyo kabado ako ngayon.

Hidden From The Shadows (Shadow Series #01)Where stories live. Discover now