Chapter 43 : Truth

46 3 0
                                    

Lynlyn

"Nagsisinungaling lang naman kayo sa akin eh. Kasinungalingan lang ang lahat hindi ba? Sabihin niyo po... na kasinungalingan lang ang lahat na mga sinabi niyo" umiiyak na ako ng sinabi ko ito.

"Anak"

"Ma naman eh, alam niyo naman po na kayo nalang ang nakakapagbigay sa akin ng courage kukunin niyo pa iyon?"

Kaagad namang hinawakan ni mama ang kamay ko. "Patawad anak, patawad talaga... karapatan mong malaman ang buong katotohanan"

"Sana hindi niyo nalang kasi sinabi sa akin... okay na ang lahat eh. May pamilya ako at may mga true friends na nagmamahal sa akin kahit ano pa ako o sino pa ako! Bakit ngayon pa ma? Pa?.. bakit po?"

"Anak"

Yinakap lang nila ako. Nalaman ko kasi na ampon lang ako (sigh)... ewan ko pero ang sakit sakit na malaman mo na hindi pala sila ang totoo mong mga magulang... namatay sa aksidente ang totoo kung mga magulang kaya naman dinala ako sa bahay amponan. Wala silang balak na ampunin ako pero ako ang lumapit sa kanila at tinawag na mama at papa. Naawa sila sa akin kaya naman ay inampon nila ako... simula noon ay naging isang mabuting anak ako sa kanila at hanggang ngayon.

Nag ring na naman ang phone ko. Kanina pa talaga nag ri-ring ang phone ko. Wala ako sa mood kaya hindi ko pinansin.

"Tinemae?"

Kaagad naman akong napakalas sa pagkakayap sa kanila at kinuha ang phone na na kay Hannie Lou.

I answer the phone... pero walang nagsasalita. I down ko na sana ng may nagsalita.

"Lyn?"

Kaagad naman akong na freeze sa upuan ko.

"T-tinemae?"

Naghintay ako na may sumagot pero wala.

"Tinemae? I-ikaw ba iyan?" Wala pa ding nagsasalita "tinemae..." imposible naman ata di ba?.

Ibinaba ko nalang. May natanggap naman akong text message.

Nasa Pilipinas ka? Bumalik ka na sa Europe maghihintay ako

-t'mae

Totoo ba to? Tinignan ko si mama at papa.

"Pa, ma. Aalis na po ako... wag po kayong mag alala kahit masakit para sa akin tatanggapin ko. Dapat pa nga akong magpasalamat eh. Aalis po ako pero hindi ibig sabihin nun ay galit ako, aalis ako pero babalik din ako pagkatapos kung makita siya"

"Sino naman ang taong iyan at nagmamadali ka ata?"

"Isang taong naging ina, kapatid at tunay na kaibigan ma"

Hindi naman siya nakapagsalita.

"Aalis na po ako" tumingin naman ako kau Hannie Lou na umiiyak. "Hannie Lou? Bakit ka umiiyak?"

"K-kasi aalis ka na naman"

Lumuhos ako para makapantay siya. Kinusot ko naman ang pisngi niya.

"Naku! Wag ka ngang umiyak, babalik naman ang ate... alam mo naman iyon di ba?" Tumango tango siya "kaya naman be a good girl ha... wag kang magiging pasaway"

"Opo"

Yinakap ko nalang siya. Yinakap ko din si mama at papa bago ako umalis.

*****

Aden

(Sigh) papaano ko ba sasabihin sa kanila? Paano ko sisimulan?.

"Aden? Bakit parang hindi ka ata mapakali?" Pagtatanong ni Jamjam

The Good Gangsters are Run away Inheritors??!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon