Chapter 12 : Nagseselos ka ba??

79 4 0
                                    

JEADEN

F*ck, fiancee??, paano niya magiging fiancee si Nathan??, yes I know Nathan, he is also our friend pero nag traydor siya sa amin, wag niyo nalang alamin.

Bwiset, maganda na sana araw ko eh kaso nga lang nang dahil sa Nathan na yun tss. bwiset gusto ko na siyang gulpihin eh tss.

Nandito na kami sa room at nakasunod lang sila sa amin hindi ako umupo sa chair ko, ayokong makitang sila tss. lumipat ako sa tabi ni Tristan.

"O bro, ba't diyan ka uupo??' Tristan

Hindi ko siya pinansin at sinubsob sa desk ang mukha ko, mahinang tumatawa si AJ, tss. nang aasar na naman, pero bakit ba ako naaasar at nagagalit??, kami ba??, hindi naman di ba?? tss.

Nang nakapasok na sila ay nagtilian naman ang mga girls nang nakita nila si Nathan.

Umupo na si CM at ang katabi niya?? wala nang iba kundi si Nathan, kinukulit niya si CM at si CM?? tumatawa lang tss. sige na kayo na masaya papatayin ko si Nathan mamaya para ako na naman ang masaya, tss. Hindi ko nalang sila pinansin at natulog

Nag da drive ako pauwi nang may narinig akong putok nang baril, hinahanap ko kung saan iyon at may nakita akong sinusundan ang sasakyan na nasa harapan nila, hindi ko alam kung bakit ko naisipang sundan sila, sumusunod lang ako sa kanila at tinawagan ko ang pulis para maipaalam ito, napunta kami sa may gubat walang katao tao dito, pinahinto ko ang kotse ko malayo sa kanila para hindi nila mahalata, nag hihintay lang ako na lumabas kung sino man ang sinusundan, nagulat nalang ako na babae pala ito, hindi nila nakita ang babae na nakalabas na maingat na maingat ito kaya walang naka pansin, pinalibutan nila ang sasakyan kaya lang napagtanto nila na wala pa lang tao kaya pumunta sila sa gubat, sumunod ako hindi ko alam kung anong ginagawa ko, nang may marinig silang ingay ay tumigil sila, hinahanap ko kung nasaan ang babae kaso hindi ko makita, may sumigaw sa kanila at natamaan ang kamay nito at tumalsik maapit sa akin ang baril na hawak nito kaya naalarma na sila. Aalis na sana sila nang sumigaw ang isa sa kanila na nakita niya ang babae, nakita ko rin itong nagmamadaling tumakbo, hindi ko na inaksaya ang pagkakataon kinuha ko ang baril at nagpaputok, wala akong binaril sa taas ko lang pinaputok para matigil sila, humarap naman silang lahat sa akin hindi naman nila nakita ang mukha ko dahil narin sa dilim at ang naisip ko??, maging isang pulis muna

"Walang gagalaw pulis ako, ibaba niyo mga baril niyo"

Ginawa naman nila ang sinasabi ko

"Wag na wag kayong magtatangkang patayin ako dahil mamamatay din kayo"

Nagtaka naman sila sa sinabi ko, lumakad ako malapit sa kanila at nagulat naman sila nang makita ako

"G-good prince??" sabi nang leader nila, I just smirked at them, natakot naman sila

"Umuwi na kayo, may papuntang pulis dito, wag na kayo bumalik pa sa kotse niyo malamang nandito na sila, maghanap kayo nang ibang rota at tsaka ano bang kasalanan nang babaeng iyon at gustong gusto niyong patayin??"

"Siya kasi ang nanalo kanina sa laban, napag utusan lang kami na patayin siya"

"Ano naman ang pangalan niya??"

"Princess"

Nagising ako dahil sa pag yugyug nang desk, bwiset natutulog ako eh, minulat ko ang mga mata ko at si CM ang nakita ko at naka smile, nawala tuloy ang galit ko. Lumilingon ako kung nasaan ang mga kaibigan ko kaso wala recess na siguro.

"J, pwede pahinging favor??"

J??, binigyan ba niya ako nang nick name?? muntanga lang eh nagtatanong pa sa sarili ko pa?? tss.

The Good Gangsters are Run away Inheritors??!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon