Chapter 32 : Finding Her

53 3 0
                                    

Jeaden

Nagdala ako nang dalawang baril, mapa at yung papel na sinulatan ko para mahanap ko sila.

Ang dinala kong sasakyan ay bulletproof para safe. Tumingin ako sa mapa. Anong uunahin ko? East? West? Arghhhhh. Jeaden mag isip ka!

East! I start the engine, hindi pa ako nakakapreno nang may tumawag si CM!

"CM!"

"Jeaden" she whisper "hanapin mo ang usok na ginawa ko, makikita mo iyon"

Lumabas ako pero wala akong nakita.

"Hindi ko nakita"

"Jeaden! find a white flag"

Hinanap ko ito, nakita ko naman pero ang dami

"Sundan mo ang white flag"

Sumakay akong muli at sinunod siya hindi ko pinutul ang call, hanggang sa may narinig akong tawa

"Masarap ka kayang tikman?" tinig nang isang lalaki.

Nagtawanan naman ang ilan.

Shit!! Wag na wag niyo siyang gagalawin mga hayop kayo. Gustong gusto ko nang isigaw iyon pero hindi pwede madinig pa na may kausap siya.

Nagmamadali akong sinundan ang white flag hanggang sa may nadinig akong makina. Naalala ko naman ang sinabi sa akin ni CM, pinark ko ang kotse at lumabas.

Makina!, kinuha ko ang papel at binasa ang kasunod.

Tunog nang barko. Naglakad ako hanggang sa may nakita akong dagat at mga barko. Dito nga.

Next...

Gasoline Station.

   Naglakad na naman ako at hinanap ang gasoline station at yun nakita ko madali lang siyang hanapin kasi nag iisa lang siya dito.

Next...

Videoke.

  Hindi na ako nahirapan maghanap kasi ang lakas naman kasing tumunog.

Next...

Mga taong nagtatawanan. Lumakad na naman ako at may nadinig akong nagtatawanan sa tagong daan. Pumasok ako dun, napatingin naman sila sa akin pero binalik naman nila iyon sa ginagawa nila naglalaro kasi sila nang baraha.

Next...

Public Market.

   Nagtanong nalang ako sa kanila, tinuro naman nila ang isa ring maliit at tagong daan, tinahak ko iyon at nasa public market na ako. Naglakad lakad lang ako hanggang sa may nadinig akong tunog. Binasa ko naman ang kasunod

House! Noise!

  Okay so mukhang ito na yata, nang nasa tapat na ako nang bahay ay nakita ko na ang usok.

"JEADEN!!!!" sigaw niya sa kabilang linya nataranta naman ako nun. Pumunta ako sa may rooftop kung saan malapit lang sa usok nang nandun na ako ay pinutok ko ang baril.

"Ano iyon?" dinig ko sa kabilang linya

"Tara tignan natin!" sabi nang isa. Mga ilang segundo...

"Jeaden!"

"CM! okay ka lang ba? may ginawa ba sila sa iyo?"

"Wala. Jeaden listen, drop the gun sa nakita mong usok at makakaalis ako dito hintayin mo ako sa labas."

Wala na akong inaksayang oras tumakbo ako at sinunod ko siya. Ilang segundo pa ay may narinig nalang akong gunshots. Nagmamadali akong bumaba at hinintay siya sa labas.

May sumipa sa pinto at si CM ang lumabas, nakatalikod parin siya sa akin kaya hindi niya pa ako nakikita. Nagulat nalang ako nang tinutukan niya ako nang baril at pinutok ito. Napapikit naman ako.

"Jeaden!" sigaw niya

Napamulat naman ako at nakita ko nalang ang katawan na nakahandusay sa likod ko. whoo!! akala ko papatayin na niya ako eh, hinawakan niya ang kamay ko at tumakbo kami. Nang makarating kami sa sasakyan ay nagmamadali akong i start at pinaharurut ko na ang sasakyan.

"Shit!" sigaw niya

"Bakit?" tanong ko

"Hindi ko man lang sila napatumba lahat tsk."

At napatawa ako, hahahaha sira ulo talaga ang babaeng to. Tumawa naman din siya.

"Saan natin sila hahanapin ngayon?" tanong niya sa akin

Hindi ako makasagot hindi ko naman alam kung saan kaya mabuti pang tumahimik nalang. Bigla ko namang naisip ang sinabi sa akin ni Sheryl.

Kuya. Her uncle. Bodega.

Tama!! Alam ko na kung nasaan sila.

"I know" I said napatingin naman siya sa akin "kung nasaan sila"

Hindi siya nagsalita. Nag drive ako papunta sa lugar na iyon.

The Good Gangsters are Run away Inheritors??!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon