Chapter 44 : Operation

38 3 0
                                    

Jeaden

Ng makarating kami sa hospital ay pinatulog ko muna si CM sa isang kwarto, at lumabas ako.

"Guys!"

Lumingon naman sila sa akin.

"Kinakailangan ko ang tulong niyo"

"Anong tulong?" Aden

Ngumiti naman ako sa kanila.

****

Tinemae

Pinatulog ako ni J sa isang kwarto, hindi ko alam kung may pasyente din ba dito, gusto ko sanang lumabas pero wala akong makita kaya nagdesisyon nalang akong matulog. Habang natutulog ay may naramdaman naman akong parang may itinusok sa akin. Kaagad ko namang hinipo ito, baka lamok lang. Ang weird naman siguro kung may lamok dito hindi ba? Hindi ko nalang pinansin at inaantok na ako kaya naman nakatulog na talaga ako ng mahimbing at nag pray na sana makakita na sana ako kahit alam kung imposible.

******

Jeaden

"So? Nakahanap na ba kayo?"

"Hindi pa"

"Wala akong mahanap"

"Papaano ba ito?"

(Sigh) kinakailangan talaga naming makita ang donor ng mata tsk, pero ni isa wala kaming mahanap.

"Maghanap lang tayo guys, alam kung makakakita din ako"

"Oo nga naman"

"Kaya natin to guys! Fighting!!" Lynlyn

"FIGHTING!!!" Sabi naming lahat.

Nasa office ng Director kami ngayon, ginawa naming research lab ang office, kilala ko naman kasi ang Director so walang problema, patuloy lang kaming naghahanap sa donor. May tumatawag at nag se-search sa computer, nagbabasakaling may mahanap.

Ako naman lumabas sa office bibili lang ng pagkain alam ko namang nagugutom na sila. Before ako lumabas ay pinuntahan ko muna si CM. Mahimbing naman siyang natutulog. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

"CM, sana hindi ka magalit kung malaman mong nasa hospital ka na at naka confine (sigh) alam ko naman na itinago mo sa akin at lalong lalo na sa kanila na bulag ka dahil ayaw mong masaktan kami, pero mas lalo lang kaming nasaktan ng hindi mo sinabi sa amin ang katotohanan. Sana naman maintindihan mo"

I kiss her forehead at lumabas na ako.

Sana naman may makita na talaga kami.

******

Aden

"So, wala pa ba?" Pagtatanong ko ng makapasok ako after kung kumuha ng tubig.

"Wala pa eh" jam jam

Stress na stress na talaga kami. Siya lang ang pumansin sa akin. (Sigh) sana naman makahanap na kami.

"Condolence nga pala"

Napatigil naman kami sa ginagawa namin at napatingin kay AJ.

"Anong nangyari?"

"Sinong namatay?"

Hindi talaga kami mapakali ng sinabi niya iyon. Siya naman busying busy sa ginagawa niya. Itinigil niya ang ginagawa niya at tumingin sa amin.

"Condolence sa mga taong patay na patay sa akin" sinabi niya iyon ng nakangiti.

The Good Gangsters are Run away Inheritors??!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon