°ALTHERIA 7°

536 23 0
                                    

"start your day with Knights"

"are you okay? " Tanong ni Hazel habang nag lalakad kami papunta sa classroom namin. K class.

"Oo naman, medyo di lang ako naka tulog ng maayos " sagot ko. Napahinto ako sa paglalakad ng huminto siya sa harapan ko, ang bilis kase nila mag lakad kaya nahuhuli ako.

"Bakit naman aber? "

"Naninibago lang ako pero okay na ako " tumango naman siya kaya nag patuloy kami sa paglalakad.

Nauna ng pumasok ang ibang Knights at sigurado akong start na ng klase nila pero ito kaming dalawa ni Hazel papunta pa lang. Hindi naman talaga late si Hazel eh, ako yung late hinintay niya lang ako baka daw maligaw ako which is totoo naman.

Kumatok si Hazel na agad naman pinagbuksan ng teacher sa loob. Pinapasok kami nito pero pinaiwan ako nito sa harap. Anong gagawin ko dito? Tatayo buong lecture niya? Dude, hindi ko kayang tumayo ng ganun katagal. Tumingin ako kay Hazel pero kinindatan niya lang ako, nilipat ko naman kay Nahla pero ang babae nag thumbs up pa, nalipat naman ang tingin ko kay Leora pero naka dukdok ang mukha nito sa lamesa.

Wala talaga kayung ambag ket minsan.

"Hi commoner, im prof Elaine Marquez, your prof in history " pagpapakilala niya kaya kahit naiilang ako sa tingin ng mga magiging kaklase ko ay nag pakilala na agad ako.

"I-im Ailana po hehe " napa pikit-pikit ako ng nasa akin pa din ang tingin nila kaya nag angat ako ng dalawang daliri sabay sabing, "p-peace po "

Kita ko naman ang pag face palm ni Hazel at ang mahinang pagtawa ni Nahla at Leora na kanina ay akala kong natutulog. Humarap naman ako kay prof Elaine na naka kunot ang noo.

"May problema po ba? " Tanong ko.

"A-ahhh? Ay, wala, wala kang apilido? " Tanong niya kaya naka ngiti naman akong tumango. Yun lang pala akala ko mali yung sinabi ko eh.

"Wala po talaga akong apilido, Ailana lang po talaga " halata sa itsura niya na gusto niya pang mag tanong pero hindi niya ginagawa. Pinaupo niya ako sa tabi ni Nahla na nasa tabi ng kanyang kuya, sa gitna nila.

"Yes, katabi kita " nginitian ko na lang si Nahla bago umupo ng maayos. Mag kaibang atmosphere ang nararamdaman ko, sa right side ko ay ang dark atmosphere habang sa left side ko naman ang light atmosphere.

Ang hirap mag focus kung may pogi at maganda kang katabi, maganda din naman si Phoebe kaso ibang level na experience ito.

"Can you stop wiggling around? I can't focus " agad akong napa hinto at napa lunok ng marinig ko ang boses niya. Mabilis at sunod-sunod akong tumango tska umusod sa tabi ni Nahla. Ang upuan at lamesa kase dito ay hindi mag kakahiwalay, naka upo kami sa isang mahabang sofa na may wooden table sa gitna.

"Dahil matagal na tayung tapos sa Rank 1, bakit hindi natin sila balikan? Right? " Tanong nung prof. Mag sasalita na sana siya ng makita kong tumayo si Gale na nasa tabi ni Hazel at Cloud.

"Kahit naman nag reklamo kami kayo pa din naman ang masusunod " pagtapos nitong mag salita ay naka ngiwi itong naka upo. Nag ingay naman ang mga kaklase ko habang yung iba ay sinisigaw pa yung pangalan ni Gale kaya ang gaga tuwang-tuwa.

"Stop " saad ni Cian kaya biglang tumahimik ang buong classroom, wala kang maririnig na ingay. As in sobrang tahimik, walang nag tutuktok ng ballpen sa lamesa, walang nag bubulungan, walang nag dadaldalan, as in WALA.

"Tsh, KJ na naman siya " bulong ni Nahla kaya siniko ko siya.

"Nahla " banta ng kuya niya kaya inirapan niya lang ito. Pwede bang mag palipat ng upuan?

"The news spread fast kaya im sure nabalitaan niyo na ang nangyaring paglusob ng demonyo sa tahanan ng mga Rank 1, ang mansion na nasa gitna ng forbidden forest " my body frost. Hindi ako maka galaw. All my senses shut down. Every memories flash through my eyes.

"Ang sabi ng Altheria Heads ay maaaring patay na daw ang mga nakatira dito kaya kapag hindi lumitaw ang isang Rank 1 ay mapapalitan na sila ng pamilya Drio " saad ni Prof kaya automatiko akong napa lingon kay Cian na tahimik lang na naka tingin sa bintana.

We would gladly accept it, alisin niyo kami sa ranking.

"But unfortunately, ayaw ng pamilya Drio ang pumalit sa pwesto nito. Sino nga ba ang pamilya Rank 1? Bakit hindi sila nag papakita? " Ayaw? Ayaw nila? Bakit ayaw nila? Diba dapat matuwa sila na magiging rank 1 sila? Yun ang gusto ng mga taong nasa ranking diba? Ang umangat hanggang sa maabot nila yung dulo ng langit, bakit ayaw nila?

"Walang naka kakilala sa pamilyang ito, wala pa, as in NO ONE. kaya maraming maharlika, commoners, even royalties ang gustong  maka kita sa kanila. Magaling mag tago ang mga ito kaya kahit pumunta ka sa forbidden forest o sa mismong tapat ng mansion nila ay wala kang makikita kundi puro kulay puting ilaw na mistulang ilaw ng mansion "

Ganun ang itsura ng mansion namin sa labas? Kaya pala tuwing may naririnig kaming mga kalansing ng mga espadang gamit at suot nila ay akala namin may mga nag papatayan sa labas, sila pala yun. Binabantayan ba nila kami? Bihira lang din namin sila makita, tuwing wala lang sila goddess Eila at god Helix ay doon lang namin sila nakikita. Ang ganda siguro kung pwede din kaming lumabas at mamasyal.

"Walang nakakaalam kung anong kapangyarihan ang taglay ng mga ito pero isa lang ang alam nating lahat, buhay pa ang mga ito "

*RINGGGGGG*

Buhay pa ang mga ito

Buhay pa ang mga ito

Buhay pa ang mga ito

Buhay pa ang mga ito

Buhay pa ang mga ito

"Earth to Ailana! " Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang pag palakpak ni Nahla sa mukha ko. Naka tingin silang lahat sa akin kaya nahihiya akong nag kamot ng ulo ko. Im spacing out.

"Hoy girl! Ano? Okay ka lang? " Nag aalalang tanong ni Leora kaya naka ngiti akong tumango.

"Okay lang ako, may naisip lang " tumango naman sila kaya inayos ko na ang gamit ko tska tumayo. "saan na tayo? "

"Spell class " saad ni Cadler. Tumango ako at nag pahatak kay Nahla, jusko parang ikamamatay ko yung boses ng lalaking toh.

ALTHERIA ACADEMY OF MAGIC (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon