°ALTHERIA 19°

352 14 0
                                    

"Act like we don't know each other, that's the only way you can hide us "

•PHOEBE'S POV•

[flashback to chapter 1]

"Kapag nakita mo si Cian o Cadler sa capital, act like you don't know them, okay? " Saad ko kay Ailana habang nag lalakad kami papuntang capital. Humarap siya sa akin ng may naka kunot na noo.

"Why? " Nag tatakang tanong niya.

"That's the only way para matago ang totoong tayo " tumango na lang si Ailana kaya nag patuloy na kami sa pag lalakad.

Nag lalakad kami dito sa capital ng mapahinto ako dahil may bumangga sa aking bata. Agad kong sinalo ang bata para hindi siya matumba but familiarity hit me, kilala ko siya.

"Im sorry po ate, hindi ko po kayo nakita " yumuko siya para humingi ng tawad habang ako naka tingin lang sa kanya. Ang laki na niya, huli ko siyang nakita tatlong taon pa lang siya.

"Okay lang " bago ko pa mayakap ang batang ito ay aalis na ako. Paalis na sana ako ng hinawakan niya ang kamay ko, dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ate, ito po, mukha po kaseng wala pa kayung kinakain. Sorry po kung yan lang, wala po kase akong dalang 5 gold eh " saad niya habang nag kakamot ng ulo. Kinuha ko ang binigay niyang 5 copper at nag pasalamat bago umalis pero siniguro ko na alam kong ligtas siya. Miss na kita.

Agad akong napa linga-linga sa paligid dahil nawala si Ailana sa likod ko na kanina lang ay sumusunod sa akin. Pinambili namin ng bola ang binigay na pera ng bata kanina kaso nga lang itong si Ailana ay nawawala. "Nasaan ba kase yun? " Nag lakad ako papunta sa may gilid kung saan matatagpuan ang parke.

Pag dating ko dun ay nakita ko si Ailana kaso hindi lang siya ang nandun, may kausap siya. Ilang sandali akong napa titig sa kanilang dalawa hanggang sa maisipan kong yumuko na lang.

"Kuya Cian, siya yung babaeng sinasabi ko sayo " lumapit siya sa lalaking matagal ko ng hindi nakita at tinuro ako nito. Hindi naman sila maka imik dahil hindi nila inaasahan na makikita nila kami dito.

"O-oreo? " Mariin akong pumikit habang naka yuko. Alam kong alam niyang narinig ko siya pero wala akong ganang kausapin siya. My heart beat is so fast, i can't even breathe properly.

"Phoebe " tawag sa akin ni Ailana.

"Hindi ko man alam ang pangalan mo, pero nag papasalamat ako sa binigay mo " seryosong saad ko. That's a lie. Kilalang-kilala ko kayo, miss ko na nga kayo eh.

"Oreo, i-i miss you " saad niya. Kita ko ang pag hakbang niya palapit pero agad akong nag salita.

"Act like we don't know each other, that's the only way you can hide us " sabi ko sa isip ko. Napa hinto siya sa pag hakbang at bumalik sa pwesto niya kanina.

"Are you okay, my oreo? " Ramdam ko ang pag aalala at pangungulila niya pero hindi pwede. Kailangan kong matapos ang mission ko.

"Wag kang mag alala, ibabalik ni Phoebe ang tulong na ibinigay mo " marahan ko namang sinipa si Ailana dahil sa sinabi niya pero hindi niya ito pinansin.

"Aasahan ko po iyun, ate Phoebe " saad ni Hiro kaya bumilis ulit ang tibok ng puso ko.

"Hindi kita bibiguin, aalis na kami, tara na " tumango naman si Ailana tska kinuha ang isang libro na hawak ko.

"Ailana " tawag ko sa kanya.

"Nariyan na " sigaw niya kaya nag patuloy ako sa pag lalakad.

"Im sorry, Oreo " kinagat ko ang ibabang labi ko ng madiin. It's not you fault.

[End of flashback]





•AILANA'S POV•

"Good morning " saad ko habang humihikab pababa ng hagdan. It's Saturday at walang pasok kaya pwede naming gawin ang gusto naming gawin.

"Buti naman at gising ka na, kanina ka pa namin hinihintay " saad ni Nahla at hinila ako papuntang dinning table. Nakita ko sila doon na masayang nag uusap habang kumakain. "Si Phoebe ba pupunta ngayon? " Tanong ni Nahla.

Umupo naman ako sa tabi ni Cadler habang siya naman ay kumukuha ng pag kain ko. "wait, naninibago talaga ako kay Cadler. Bro? Ikaw ba yan? " Pang iinis ni Kyrell kaya nilagyan ni Hazel ng tape ang bunganga niya.

"Ikaw, panira ka, manahimik ka nga " naka kunot noong saad ni Hazel at naka ngiting humarap sa amin. "Sana all sweet " kinikilig na saad niya kaya umiling na lang ako.

"Hindi ko alam eh, walang sinabi si Phoebe na pupunta siya " sagot ko sa tanong ni Nahla. Nilapag naman ni Cadler sa harap ko ang pagkaing hinain niya para sa akin kaya agad ko naman itong kinain.

"Sayang, may magaganap na festival ngayon, hindi siya makakanood? " Saad naman ni Leora. Pinakiramdaman ko naman yung kapangyarihan ko dahil baka maramdaman ko yung aura ni Phoebe.

"Balak ko sanang puntahan na lang na'tin siya kaso hindi ko maramdaman yung aura niya " saad ko. Kumunot naman ang noo nila Hazel.

"Bakit? " Tanong ni Cloud.

"Minsan kapag ayaw mag pa-istorbo ni Phoebe ay nilalagyan niya ng barrier ang sarili niya " tumango naman sila. Agad akong humarap kay Cadler ng maramdaman kong humawak siya sa kamay ko. Aaminin kong medyo hindi ako sanay dahil ang tagal na nung huli niya itong ginawa.

"Eat fast, aalis tayo " naka ngiting saad niya kaya dahan-dahan akong tumango. Binato naman siya ni Cian ng table cloth.

"Aga aga ang landi niyo " saad ni Cian. Tumawa naman kaming lahat na nandito sa lamesa habang si Kyrell naman ay tinanggal ang tape na nasa bibig niya.

"Bitter si Master " pang aasar ni Kyrell at nakipag apir pa kay Gale na tahimik na kumakain pero nakikitawa.

"Bakit kase ayaw mong makipag-ayos kay Phoebe? Don't tell me wala kang balak " saad ni Hazel habang kumakain.

"She doesn't want to talk to me, when I talk to her she walks away. I don't want to force her " saad niya. Ngumiti naman ako at umupo sa upuan na nasa tabi niya.

"Alam mo Cian, lagi ka kaya niyang kwine-kwento sa amin " naka ngiting saad ko. Humarap siya sa akin habang naka kunot ang noo. Im saying this to give him hope.

"What do you mean? " Takang tanong niya.

"Tuwing umuuwi ka na sa palasyo niyo, tatakbo yun sa kwarto ni Goddess Eila tapos sasabihin niya kung gaano siya kasaya tuwing kasama ka " pati ako kinikilig sa sinasabi ko. Nilibot ko naman ang tingin ko at nakit ko si Nahla, Leora at Hazel na nag sasabunutan. "Lalo na nung umalis ka, lagi ka niyang hinahanap, lagi niyang hinihintay kung kailan ka pupunta sa mansion " naka tulala lang si Cian. Mukhang alam niya kung bakit ganun si Phoebe.

"I will do everything we can to get along " saad ni Cian but this time naka ngiti na siya.

"Teka, Cloud, penge nga ng hangin dyan " saad ni Hazel habang pinapaypayan abg sarili gamit ang kamay.

ALTHERIA ACADEMY OF MAGIC (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon