°ALTHERIA 24°

306 13 0
                                    

"It's sucks being here "

PHOEBE'S POV•

"So, You've been here before? Anong gagawin namin dito? " Iritang tanong ko. Simula ng magising ako, nag iinit na yung ulo ko. Hindi ko alam pero lahat naman siguro ganun diba? Yung bigla ka na lang maiirita, maiinis, magagalit, iiyak, basta ganung feeling.

"E-enroll namin kayo sa academy na pinapasukan namin, wag kayung mag alala kilala namin yung may-ari " saad ni Leora habang inaayusan ang sarili. May bahay kase sila Leora dito sa Mortal world at dito kami tumu-tuloy since wala namang nakatira dito. "Tito ko ang may-ari nun kaya safe tayo "

"Bakit kailangan pa na'tin mag aral? " Tanong ni Ailana.

"Doon muna na'tin kase hahanapin yung pinapahanap sa atin, sikat ang academy ng tito ko sa mortal world " saad ulit ni Leora. Tumahimik na lang ako kase baka maka sabi ako ng hindi maganda, naka uniform din kami. Ang igsi pa nga nung palda eh kaya ilang beses ko ng itong hinahatak pababa.

"Ganito ba talaga yung palda dito? Napaka igsi " inis na sambit ko at umupo. Tumabi naman sa akin si Cian pero nilagay niya sa hita ko ang coat niya, makikitaan ka talaga.

"Yes, sorry " saad ni Leora pero hindi ko na siya pinansin pa. We really look like a mortal.

"Anong name ng academy? " Tanong ni Ailana na may naka palibot na jacket sa bewang niya. Jacket yun ni Cadler eh.

"Scarlet Academy, kinuha yung name sa namatay na anak ni tito " malungkot na saad ni Leora. Hindi na muli kaming nag salita, naka sakay kami sa kotse para maka punta sa academy. Pag daw nag teleport kami ay baka may makakita.

"We're here! " Sigaw ni Hazel at masayang bumaba ng kotse. Bigla na nga lang itong dumating sa tapat ng bahay tapos biglang sinabi na pinadala daw siya ng tito ni Leora.

"Let's go " hinila naman ako ni Nahla para mauna. Kaming lima ay nasa unahan habang ang limang lalaki ay nasa likod.

Nang makapasok kami sa academy ay marami na agad ang nagulat at parang nataranta pa, yung iba naman ay hindi alam ang gagawin. They're wierd! May mga nag bubulungan pa nga at tumi-tingin sa aming dalawa ni Ailana pero sa mga kasama namin parang hindi na ito bago.

"Why are they looking at us? " Tanong ni Ailana kay Nahla na nasa tabi niya.

"Syempre kasama namin kayo at bago kayo sa academy " saad nito na todo ngiti pa. Pati ba naman sa mortal world kilala sila?! Ganun ba sila ka gwapo at kaganda para umabot sa ibang mundo?!

"Omyghaddddd! Is t-that Cian?! " Agad naman akong nairita ng may babaeng sumigaw na akala mo nasa bundok siya. Ang tinis pa ng boses niya, masakit sa tenga. "Babe! " Sigaw nito at tumakbo kay Cian pero tinulak ako ni Hazel sa harap ni Cian kaya hindi ito naka lapit.

Babe huh?!

Isa siyang babaeng medyo maputi, mas maigsi pa sa suot naming palda ang palda niya, blonde na buhok na medyo kulot, may mahahabang kuko na nakakatakot tignan, may makeup na sobrang kapa at may lipstick na makapal pa sa kilay ni Alliyah. Damn! Babae ba siya o maligno?!

"Will you move? " She said while raising her one eyebrow. Hindi ko siya pinakinggan at hinila na si Cian pero ang babae hinila din si Cian palapit sa kanya. "hey! He's my boyfriend, so back of b*tch! " Sigaw niya pa sabay tulak sa akin.

ALTHERIA ACADEMY OF MAGIC (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon