"THE WEDDING "
•THIRD PERSON'S POV•
"Im sorry pero kailangan na naming umalis " saad ni God Vern at kukunin sana ang katawan ni Phoebe pero ayaw itong ibigay ni Cian.
"Saan niyo po siya dadalhin? Sasama po ako " magalang na sambit ni Cian at binuhat bridal style si Phoebe. Umiling naman si God Vern.
"To-" hindi natapos ni God Vern ang sasabihin niya ng may malakas na puting ilaw ang bumagsak galing sa langit. Nawala naman ito at nakita nila si Goddess Eila, Goddess Lila, God Phoenix at God Helix na papalapit sa kanila.
"Oh?! Goddess Eila! " Sigaw ni Ailana at mabilis na tumakbo at yumakap kay Goddess Eila pero tumagos lang siya dito. "A-ano pong nangyayari? B-bakit hindi ko po kayo mahawakan? " Pilit niyang hinahawakan ito pero hindi niya magawa.
Ngumiti si Goddess Eila at tumingin kay Ailana. "You're no longer a Goddess Ailana, you can do everything you want " saad nito.
Gulat at naiiyak na napaluhod si Ailana bago muling tumingin kay Goddess Eila. "Maraming salamat po " saad niya. Matagal ng pangarap ni Ailana ang maging isang normal na maharlika na lang siya.
"Lahat kayo ay mawawalan na ng kapangyarihan, magiging normal na tao na lang kayo " saad ni God Phoenix at lumapit kung nasaan ang pwesto nila Phoebe. "Yun ang desisyon ni Yahweh "
"God kayo diba? Kaya niyong buhayin si Phoebe, please, give her another chance to explore the world " pagmamakaawa ni Cian pero isang iling lang ang sinagot nila.
"Im sorry pero si Yahweh lang ang may kakayahang bumuhay ng patay " saad ni Goddess Lila habang may malungkot ng ngiti. Ilang minuto pa silang nag hintay na ibigay ni Cian si Phoebe at ginawa naman niya ito kahit labag sa loob niya.
"Don't worry, she's always at your side " saad ni God Helix at binuhat ang katawan ni Phoebe tska bumalik kung nasaan ang ilaw kanina.
"Let's go God Vern, nag hihintay si Yahweh " saad ni God Phoenix. Tango lang ang sinagot ni God Vern at sumunod sa kanila.
"Makakaalis na kayo ng Altheria, maganda ang buhay sa mundo ng tao " saad ni Goddess Eila at naka ngiting bumalik kung nasaan ang ilaw at mabilis itong nawala. Mas lalo silang napa iyak ng mawala na ang mga ito sa paningin nila.
"Let's go bago pa mag sarado ang portal " saad ng Hari at nag lakad papasok sa portal kasunod sila Hazel.
3 years ago
Sariwa pa din sa isip nila ang pangyayari pero pilit nila itong ibinaon sa limot. Nawala na din ang mundong Altheria at lahat sila ay naging normal na tao na lamang. Lahat sila ay naging successful dahil na din sa tulong ng tito ni Leora. Si Cian ay hindi pa din nakakamove on sa pagkawala ni Phoebe pero tanggap niya ng wala na ito at masaya na kung nasaan siya.
Si Alliyah naman at kinasal kay Zander at may anak sila na kambal, isang babae at lalaki. Si Aleera naman ay kay Rain pero wala pa daw sa plano nila ang mag pakasal. Si Kyrell ay Nahla ay mag papakasal na sa susunod na taon. Si Hazel at Cloud naman ay focus pa sa pagiging Ceo nila pero in a relationship sila. Si Leora at Gale naman ay ikinasal na din at may isang anak na lalaki.
BINABASA MO ANG
ALTHERIA ACADEMY OF MAGIC (Complete)
FantasíaALTHERIA ACADEMY ang tawag sa paaralan ng mga Maharlika at dugong bughaw. tanging mga mayayaman lamang ang nakakapasok sa paaralang ito kaya kung mahirap ka, hindi ka basta-bastang makakapasok dito. Ang mga mag aaral dito ay mga matapobre, mayabang...