°ALTHERIA 28°

295 7 0
                                    

"DEMON'S ATTACKED"

•THIRD PERSON'S POV•

Nakarating sa camping site sila Ailana kaya ngayon ay nag lalatag sila ng tent na tutulugan nila. Buong K class ay nandito kasama si HM, ang ibang estudyante ay nasa academy may training na ginagawa kaya hindi nakasama sa camping.

"Ang tanga naman talaga Cloud, ganito kase " inis na sabi ni Leora at tinuturo kay Cloud kung paano mag tayo ng tent pero mukhang wala ito sa sarili. "Hala! Sige! Paano tayo matatapos kung panay tingin ka kay Hazel?! Mamaya na yan, ayusin na na'tin to " inis na sigaw ni Leora at tska malakas na binatukan si Cloud.

"Ito na nga eh, maka batok eh " nag kakamot ulong sabi niya at inayos yung ginagawa niya.

Sa kabilang banda naman sila Hazel, Ailana at Phoebe na nag aayos din ng tent nila. Yung iba naman ay inaayos yung mga pagkain na kakainin nila sa dalawang araw na stay nila sa site. Habang nag aayos ng tent ang iba ay nakaramdam ng pagkagutom si Hazel kaya umalis siya dun at tumakbo sa isang lamesa na may pagkain.

"Time first muna, kakain lang ako, gutom ako " saad niya sabay kuha ng pagkain at agad itong kinain kaya halos mabulunan na siya.

Sumapit ang gabi at lahat sila ay gumawa ng bon fire sa gitna, yung iba naman ay may kanya-kanyang ginagawa. Yung iba ay nag iihaw ng marshmallow, yung iba may music at sumasayaw, yung iba naliligo sa lawa na malapit lang din sa kanila, yung iba kumakain lang, yung iba nag kwe-kwentuhan. Bakasyon nga talaga ito.

"Ailana, can we talk for second? " Biglang lumapit si Phoebe sa pwesto ni Ailana. Nag tataka man ay tumango ito.

"What is it Phoebe? " Takang tanong ni Ailana. Kinuha ni Phoebe ang right hand niya at nilagay dito ang isang maliit na kahon at kulay pula ito. "Ano ito Phoebe? Sa'kin ba to? " Tanong niya. Umiling naman si Phoebe.

"Gusto ko sana na bukas ng gabi ibigay mo yan kay Cian, can you do that for me? " Naka ngiting tanong ni Phoebe. Binigyan naman siya ng malokong tingin ni Ailana at tinutusok-tusok pa sa bewang.

"Ikaw ah, mag p-propose ka ba kay Cian? Bakit ring box to? Ikaw ah " pang iinis ni Ailana pero naka ngiti ito. Ngumiti lang si Phoebe at walang sinabing umalis ito sa harap ni Ailana.

Bumalik naman si Ailana sa pwesto niya kanina at umupo sa damuhan habang inilagay sa bulsa niya ang binigay na ring box ni Phoebe. Nandun sila nag uusap habang si Phoebe ay nasa taas lang ng puno naka tingin sa kanila.

"Bakit ka nandyan? " Biglang tanong ni Cian na nasa tabi niya. Tumingin sa kanya si Phoebe at ngumiti sabay umiling.

"Maganda kasi yung mga stars, naisipan kong dito na lang tignan " sambit niya at tumingin sa mga bituin na kumikislap sa langit. Niyakap naman siya ni Cian mula sa gilid.

"This place is very romantic, don't you think? " Saad ni Cian. Isinandal naman ni Phoebe ang ulo niya sa ulo ni Cian.

"I think so too " saad niya at ipinaharap si Cian sa kanya. "Wag kang mag alala nasa tabi mo lang ako lagi " makahulugang saad ni Phoebe. Hinalikan naman ni Cian ang noo ni Phoebe at ngumiti.

"Alam ko naman " sambit niya.

"Phoebe, malapit na " bulong sa kanya ni Yahweh.

ALTHERIA ACADEMY OF MAGIC (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon