"Meeting you is my biggest mistake"
"Phoebe, nasaan tayo? " Tanong ko habang nililibot ang tingin sa loob ng isang gusali at malamig sa loob nito.
Maraming magagandang damit ang naka display sa labas ng mga tindahan at hindi lang mga damit ito, may dress, shoes, make up, accessories, at marami pang iba na halatang mamahalin.
"Nasa capital tayo ng Altheria, Ailana " naka ngiti akong tumango sa kanya at masayang nag patuloy sa paglalakad.
Maraming naka tingin sa amin dahil nag lalakad kami kahit wala kaming suot na sapatos o kahit anong sapin sa paa, naka bistidang puti lang kami at medyo sira-sira pa. Malayo na kami sa bahay kung saan naganap lahat, malapit sa forbidden forest ang tahanan namin dahil kami ang nag babantay nito. Sigurado akong hindi mag tatagal ay malalaman din nila ang nangyari sa bahay namin, hindi nila alam na god and goddess ang nakatira sa bahay na iyon. Ang alam lang nila ay pamilya rank 1 lang ang nakatira doon.
Wala silang ideya kung ano ba talaga ang kapangyarihan ng mga nangunguna sa ranggo. Pero ang sabi ng mga nakakataas ay hindi biro ang kapangyarihan ng mga ito dahil minsan na nilang nakita ito. Hindi ko alam kung totoong may nakakita pero nasisigurado kong hindi impossible na may makakita sa amin.
"Phoebe, saan tayo tutuloy nito? " Nag kakamot ulo kong tanong. Na ngangati na ang ulo ko at ang baho ko na din dahil tatlong araw na akony walang ligo. Malayo kase sa capital ang forbidden forest, mapapadali ang punta dito kung may masasakyan pero nag lakad lang kami dahil wala naman kaming ipang-babayad.
"Sa Vuon forest, maraming malilinis na ilog doon at siguradong walang kahit na anong pahamak ang hatid ng gubat na iyon " dala pa din ni Phoebe ang mga libro na aaralin namin upang mas marami pa kaming malaman sa lugar na ginagalawan namin.
Ito pa lang kase ang unang apak at kita namin sa Altheria. Lagi kaming naka kulong sa loob ng mansion at hindi kami pinapayagang lumabas dahil malakas ang kapangyarihang taglay namin at kaya naming maka patay ng tao ng hindi namin namamalayan.
Nalaman namin na yan pala ang itinatagong dahilan ni Goddess Eila dahil baka daw kamuhian namin si Yahweh na nag bigay nito sa amin. Sabihin na nating nung una ay hindi ko ito matanggap pero dahil wala naman akong magagawa ay tinanggap ko na lang ito at pinangako sa sarili na sasanayin ko ito para makontrol ko.
"Phoebe, anong tawag doon? " Turo ko ng maka kita ako ng kulay dilaw na hugis bilog at tumatalbog ito. Tinignan naman ni Phoebe ang tinuro ko at tumatawang humarap sakin.
"Isa iyang bola Ailana, gusto mo ba? " Masaya akong tumango kay Phoebe kaya naman hinila niya ako palapit sa lalaking nag titinda ng bola.
"Isa nga po, yung kulay dilaw ba? " Tumango naman ako. "Yung kulay dilaw po, mag kano ho? " Binigay naman sa akin ni manong ang dilaw na bola.
"5 copper lang ineng "
Nag bayad naman si Phoebe kaya nag tataka akong tumingin sa kanya habang hawak ang bolang binili niya sa akin. "Phoebe, saan ka naka kuha ng pera? "
Napahinto siya sa paglalakad at humarap sa akin. Mabilis kase siyang mag lakad kaya lagi akong naiiwan sa likod niya. "Inabot ng bata kanina " tumango na lang ako at nag simulang patalbugin ang bolang hawak ko.
Mag kapareho lang kami ng edad at kaarawan ni Phoebe pero hindi kami mag kapatid. We are both 19 years old. Nakakatawang isipin na ang mga batang nasa limang taong gulang pa lang ay malaya ng nakakalabas at nakakapasyal pero kami dati ay hindi. Hindi masayang makulong sa loob ng mansion pero nung malaman namin ni Phoebe ang dahilan ay mas gusto na naming nasa mansion na lang. Yun nga lang nasira na ito.
"Ouch! Hala! Yung bola! " Natataranta akong tumakbo kung saan papunta ang bola. Wala akong pake sa mga natatamaan ko, gusto kong makuha yung bola. "Gotc- ouch! "
Malapit ko na sana itong makuha ng mauntog ako sa isang pader kaya tinangala ko ito. Nanlaki agad ang mata ko ng makitang hindi ito pader, isa itong lalaki. "S-sorry po " tinignan ko kung nasaan ang bola at nakita kong hawak ito ng isang batang lalaki.
"Y-yung bola ko..." Saad ko at lumapit sa bata at pinantayan siya bago ngumiti. "Pwede ko bang makuha yung bola ko? " Naka ngiti itong tumango at iaabot na sana ng mapatingin ito sa likod ko.
"Kuya Cian.." lumapit ito sa lalaking itim ang buhok pero kulay pula ang mata, Fire Elemental. "Siya yung babaeng sinasabi ko sayo " turo niya sa likod ko kaya kinuha ko muna ang bola ko bago ko lingunin kung sino ang nasa likod ko.
Oh?
"Phoebe " tawag ko sa pangalan niya. Yumukod siya at tska ako hinawakan sa pulsuhan.
"Hindi ko man alam ang pangalan mo, pero nag papasalamat ako sa binigay mo " seryosong saad ni Phoebe habang naka yuko. Kahit nag tataka ay yumuko na din ako. Ang batang iyun pala ang nag bigay ng pera kay Phoebe kaya naka bili kami ng bola.
Lumapit ako sa bata at hinawakan ang dalawa niyang kamay habang anh bola naman ay naka patong sa aking hita. "Wag kang mag alala, ibabalik ni Phoebe ang tulong na ibinigay mo "
Naramdaman ko naman ang marahang pagsipa sa akin ni Phoebe pero hindi ko ito pinansin. Ngumiti ang bata at tska tumango bago tumingin kay Phoebe. "Aasahan ko ho iyun ate Phoebe "
Bumilis ang tibok ng puso ni Phoebe, ramdam ko iyun. Naka ramdam siya ng emosyon, buti pa siya. Gusto ko ding maranasan ang pag bilis nito dahil ang puso naming dalawa ay hindi tumitibok. Dahil ito sa kapangyarihan na meron kami, sabi ni Goddess Eila at God Helix (air god) sa taglay naming kapangyarihan impossibleng makadama kami ng emosyon. Kung makakadama man kami ay tanging sakit lamang, katulad ng pamamaalam nila at pag iwan nila sa'min.
"Hindi kita bibiguin " tumayo ako at lumapit kay Phoebe at kinuha ang isang libro na hawak niya. "Aalis na kami, tara na " tumango ako sa kanya.
Yumuko ako sa lalaking naka bunggo ko na walang imik kanina pa. "Pasensya na talaga "
"Ailana " tawag sa akin ni Phoebe. "Nariyan na " muli akong yumuko at tumakbo papunta kay Phoebe pero hindi naka takas sa pandinig ko ang sinabi niya.
"Ailana, noted "
![](https://img.wattpad.com/cover/278769018-288-k300240.jpg)
BINABASA MO ANG
ALTHERIA ACADEMY OF MAGIC (Complete)
FantasyALTHERIA ACADEMY ang tawag sa paaralan ng mga Maharlika at dugong bughaw. tanging mga mayayaman lamang ang nakakapasok sa paaralang ito kaya kung mahirap ka, hindi ka basta-bastang makakapasok dito. Ang mga mag aaral dito ay mga matapobre, mayabang...