End

674 44 5
                                    

Stell POV

I read the recent status of Senior Sejun and I'm so happy.

Natauhan din ang sira. Magpamiss ba naman ng ilang buwan at mangghost bigla.

Napaka ng lalaking yun pasalamat sya lab ko sya. Hay naku.

Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi ngumiti na agad naman nawala dahil ang sama ng tingin sa akin ng kaibigan kong maliit.

"Tingin tingin mo ha!" Pagtataray ko dito

"Abnoy. Naghasik ka pa ng kalandian sa FB stell. Nakakapangilabot"

"Wow hiya naman ako sayo sino kaya sa atin yung nagstatus kagabi ng "Baby Justin you can call me Daddy" ha, sige umpisahan mo ako" pananakot ko dito

"It's not about me it's about you wag mong ibahin usapan natin" pagdedeny nito

"Sus ingit ka lang joshie. Chat mo na kasi baby justin mo para may kalandian ka na at hindi ka high blood sakin"

"As if naman, bata pa nun tsaka patay ako kina ken. Baby boy nila yun"

"Ohh talaga ba? Pero mabait naman si Senior ken ha" pagdedepensa ko dito

"Naku stell sayo lang mabait yun at kay justin pero sa iba daig pa iceberg nun"

Natawa naman ako sa kaOAhan ni josh.

"Btw alam mo ba kung kaylan or what time balik ni senior sejun?" Tanong nito

"Hmm hindi eh, pero siguro ngayon ding araw o kaya baka bukas papasok na sya"

"Why?" Dagdag na tanong ko sa kanya

"Hmm nothing, masama ba magtanong?" Pagtataray nito.

Nag-aasaran pa kami ng biglang may dumating na isa naming kaibigan at sinabihan kami na pumunta sa school plaza.

Nagtinginan naman kami ni josh. Parehas kaming lito pero pumunta pa rin kami sa sinabing lugar ng kaklase namin.

Habang nasa daan kami ay may biglang lumapit sa amin at may dalang isang stem ng rose.

Pagkabigay nito ay agad agad syang umalis kaya hindi ko na rin sya natanong kung sino ang nagpapabigay nito.

Lumingon ako at agad na nakita na nakangiti si josh kaya agad ko syang sinamaan ng tingin at agad na tinanong.

"Ikaw may pakana nito no?"

"Bqt ako? Tsaka bakit kita bibigyan nyan? Si justin nga binibigyan ko lang ng super sticker sa YouTube at hindi ko pa nabibigyan ng bulaklak tapos ikaw bibigyan ko? YUCK STELLVESTER"

Kung hindi sya sino? Ay wait andito na ba sya?

Nagmomonologue pa ako pero may lumapit ulit sa amin na dalawang girl. May dala rin silang bulaklak tulad ng nangyari kanina pagkabigay nila ay agad din silang umalis.

Malapit na ako sa school plaza ng biglang lumapit ang isang kabanda ni Senior Sejun at may dala ring bulaklak.

Pagkabigay nya ng bulaklak ay piniringan nya ako.

Narinig ko naman sa tabi ko na may kausap si Josh.

"Stell hawak ka sakin ako maggaguide sayo" sabi nito

"Maggaguide baka dapain mo lang ako eh" pang-aasar ko dito

"Alam mo stell panira ka talaga"

"Hahahaha lab you joshiee" pagkasabi ko nito ay agad akong humawak sa balikat nya.

Lumalakas ang pintig ng puso ko. Naririnig ko yung music sa background.

"Dito na tayo, alisin mo na kamay mo" sabi ni josh

Smile || Stell x SejunWhere stories live. Discover now