Confession

574 41 9
                                    

Stell POV

Papunta na kami sa class namin ng may napansin kaming maraming tao. Dahil bilang isang stell na curious, nagtanong ako kung anong meron.

"May nagcoconfess kay Senior Sejun na girl"

"Ohhh" lakas naman sana all ponagcoconfessan ng feelings.

Hinatak ko na si Josh papunta sa classroom. Aba ang loko gusto pa manuod keyso ano daw kaya magiging reaction ni Senior at kung tatanggapin daw ba ni Senior yung confession.

Wala ako sa sarili habang nagsasalita si josh, feeling ko hindi nagfufunction ang utak ko. Paano nga kung maging sila nga ?. Paano feelings ko?

Isa't kalahati kang tanga stell. Wala na finish na may nanalo na.

" ...ell"

"Stell??" Sabay kurot sa pisngi ko

"Aray ano ba ang sakit nun ha" sabay himas ko sa pisngi ko

"Hindi ka sumasagot kaya yan ang nababagay sayo" sabay tawa nito

Dumating na ang professor namin pero hindi pa rin nagfufunction ang utak ko. Ganto pala kasakit yung hindi ka pa nagsisimula pero talo ka na.

Senior Sejun...

Smile || Stell x SejunWhere stories live. Discover now