Misunderstanding

449 30 0
                                    

Stell POV

Okay another day, another attempt para sa Oplan Confession ni josh the guru.

At heto nga naghihintay kami kay senior ken.

"Josh, sure ka ha hindi ako mapapahiya dito?" Pagsisigurado ko dito.

Inirapan nya lang ako sabay sabing "wag ka lang ulit sumigaw stell hindi ka mapapahiya"

Sinamaan ko naman sya ng tingin na agad nya namang ginantihan ng kindat.

"Ohh ayan na si senior ken" sabay turo ni josh.

Agad naman akong napatingin sa direksyon kung saan sya nakatingin.

"Go na stell. Kaya mo yan" Sabi nito habang tinutulak ako.

"Oo na wag ka na manulak, kulit nito" natatawa kong sagot.

Naglalakad pa lang ako palapit kay senior ken ay napansin ko na nasa likuran pala nito si senior sejun kausap ang isa pa nilang kaklase.

Agad naman akong kinabahan dahilan para mautal ako sa pagbati kay senior ken.

"Uhhmm a-no ..."

Napataas naman ng kilay ni senior ken habang nakatingin sa akin at pinipilit intindihin ang gusto kong sabihin.

"Sobra ba akong nakakatakot tignan kaya nauutal ka?" Pabiro nitong sabi habang nakangiti.

"Ayyy ... No, sorry i didn't mean that" pagpapaliwanag ko dito.

"Ok kung yun ang sabi mo" sabi nito

"So?? What do you want?" Pahabol nitong tanong sa akin

"Uhhmm Senior I have a request actually" nakatingin lang sya habang nagsasalita ako.

"Uhhmm?? Spill it"

"Actually I like senior sejun and I'm so shy to ask him ano ang likes and dislikes nya kaya..."

"Sa akin ka lumapit para magtanong dahil I'm his best friend?" Pagpapatuloy nito sa sinabi ko.

Tumango naman ako bilang sagot sa kanyang tanong.

"Hmmm.. I can lend you a hand pero ndi ito libre"

"Senior..."

"As a return kaylangan mo akong ilibre kada lunch or kahit pag-uwian" nakangiti nitong sabi.

Napangiti naman ako at sabay sabing "Yes senior ken, thank you"

Ginulo nya lang ang buhok ka sabay ngiti at tinawag na si senior sejun.

"Sejun let's go na" pag-aaya nito

"Yes, comming" sabi nito

Bumaling ulit ng tingin sa akin si senior ken at muling ginulo ang buhok ko bago tuluyang umalis.

Napatingin naman ako kay senior sejun.

Magpapaalam na dapat ako sa kanya ng bigla syang ngumiti ulit sa akin at sumunod na kay senior ken.

Pero imbes na kiligin ako sa ngiti nya ay nalungkot ako. May part sa akin na feeling ko ay parang may mali akong nagawa pero hindi ko alam kung ano ito.

Smile || Stell x SejunWhere stories live. Discover now